Gustavo Del Fabbro ano bang meron sayo at bakit pilit kang pumapasok sa buhay ko?
Tumingin ako kay Papa ng may pagtatanong, ngumiti ito at hinawakan ang buhok ko. My sweet father.
"Anak. Maganda na sa kanya ka mag trabaho para din panatag kami ng Mama mo, alam mo naman na ayaw naming nasa Club ka kahit waitress pa ang trabaho mo doon."
Napanguso ako, ano pa nga ba'ng magagawa ko. Agad naman akong tumango tanda ng pagsang-ayon sa gusto nilang mangyari.
Aaminin kong hindi talaga ako komportable sa lalaking iyon pero wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko.
"Kailan po ba ako magsisimula?"
"Bukas na bukas din anak, nga pala. Pinasusundo ka niya sakin, mag uusap kayo. Magbihis kana, hihintayin kita dito, anak." Tumango ako at agad nang pumasok sa silid.
Parang kanina lang, tinaboy ko pa ito. Nakakahiya. Tapos ngayon, bibigyan niya pa ako ng trabahong may malaking sahod.
Naligo muna ako at nagbihis, matapos ay lumabas na, ng makita ako ni Papa ay agad itong tumayo. Nagpaalam kami kay Mama. Pumunta ako sa kanya.
"Mag ingat kayo." Hinalikan ko ito sa pisngi at sumakay na sa sasakyang dala ni Papa.
Humalik muna ito kay mama bago sumakay sa driver seat. Nilingon ako nito at nginitian. Napaka masiyahin talaga ni Papa. Hindi ito masyadong nagagalit. Masyado din itong mahinahon.
Ang swerte ko sa mga magulang ko pati na sa mga kapatid ko. Minsan iniisip ko perpekto ang pamilya ko.
Na kinatakot ko. Dahil sabi nila, wala daw perpekto sa mundong ito.
Namangha ako sa laki ng mansyon kahit ilang beses akong napapadaan dito nakamamangha parin. Nakangiti ako ng Pumasok ang sasakyan sa harap ng entrada ng mansyon.
Paglabas ko hindi parin ako makapaniwala na papasok ako sa loob hindi ito ang inaasahan ko. Kuntento na ako noon na sumisilip lang pero ngayon. Nakatuntong na ako.
At tama nga ako, kung maganda ang labas ay mas lalo na ang loob. Mapapatulala ka sa sobrang ganda at elegante nito, Parang nasa isa kang palasyo kapag pumasok ka na sa loob.
Agad naman akong nanliit. I look at myself with just a t-shirt and pants, I feel out of place. Ibang iba ang mundo ko sa tinatapakan ko ngayon.
"O mang Tupe, Ito na ba ang panganay mo?" Salubong sa amin ng isang matanda. Nakangiti ito.
Agad naman sumagot si papa, tila proud na proud ito habang pinapakilala ako sa mga kasambahay na nandoon.
Si Manang Letty na pala ang pumalit na mayordoma kay mama. Agad ako nitong inasikaso. Utos daw kasi na pakainin muna ako bago ako dalhin sa Office ng Senyorito.
Nakakamangha nga naman kahit sa Mansyon ay may sarili siyang Opisina. I wonder, kung ano pang meron ang bahay na ito.
Hindi naman nagtagal ay nasa tapat na kami ng isang itim na pinto. Ito pala ang Office niya...
"Hija, pumasok kana." Tumango ako.
Agad itong umalis kaya umahon ang kaba sa puso ko. What now? Naalala ko na naman ang pagtataboy ko dito sa karinderya.
Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba ganito na lang tumibok ang puso ko, hindi naman ako ganito noon ha. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatayo doon.
Huminga ako ng malalim at kumatok ng tatlong beses, matapos ang ilang segundo ay bumukas ang pinto. At ng magtama ang mga mata namin ay agad akong umiwas ng tingin.
"Come in." Baritonong boses na galing kay Senyorito, na umagaw ng atensyon ko.
Bakit nga ba ganito ang tugon ng katawan ko sa tuwing maririnig or makikita ko siya, kakaiba at hindi ko malaman kung ano ba ito.
I bow my head as a sign of respect. He turns his back and walks through the table.
Umupo siya sa ibabaw ng lamesa, ang isang paa ay nasa lapag. He's seating there like a boss, Well. he's the boss, Literally.
Ilang minuto na siyang nakatingin lang sa akin kaya ako na ang unang bumasag ng katahimikan.
"Sir. Pasensya na nga po pala sa nangyari kanina. "Tinaasan niya ako ng kilay.
"Enough. Your here for the job right?" He said it with authority. I nod my head.
Kahit nasa bahay ay naka suit and tie ito. It's very formal. Kaya nakakahiya na humarap ako sa kanyang ganito lang ang itsura ko.
Pumikit ito ng mariin at pinalapit ako, siya naman ay tumayo at umupo sa upuang nasa harap ko. Hindi ko matagalan ang tingin niya, titig na titig kasi ito sa akin.
Ngumiti ako, I need to be kind to him. Lalo na at magiging boss ko na siya. Maraming nag-sasabi na strict ito pagdating sa trabaho at nakakatakot iyon.
"Let's proceed to my rules as my Personal Assistant..." He stopped and cleared his throat. " First of all, I need your schedule in school. I want to fix it to know what time you'll be free to work with me. "Tumango ako. Hinanap ko ang schedule sa bag na dala ko at agad itong ibinigay sa kanya.
He examined it and nodded.
"So your free during weekends? What are you doing during that time?" Kahit simpleng tanong lang iyon bakit parang nasa pageant ako? Sobrang nakaka-ba talaga ang isang Del Fabbro.
"Marami po akong raket sir..." Kumunot ang noo nito. " Ahm. Katulad po yung sa karinderya, at waitress po ako sa isang bar tuwing gabi." Nanliit ang mata nito. It became dark.
Nakakahiya, ano na kaya ang iniisip nito sa akin? Alam ko naman na hindi maganda na mag trabaho sa isang bar pero yun na lang ang magagawa ko.
Mabuti nga't nakapasok pa ako doon yung lang kasi talaga ang trabahong tumanggap sa akin. Ayoko na ding mamili, marangal naman iyon kaya ayos lang.
"Your working in a Nightclub? Alam ba ito ng magulang mo?" Tumango naman ako.
"Yes, Sir." Umirap ito.
"Resign to that club and shop, you don't need to work there." Malamig niyang sabi.
Nanghihinayang naman ako, hindi ko alam kung bibitawan ko ang club dahil malaki naman ang kinikita ko doon dahil sa malaking tip na nakukuha ko.
Tuwing gabi naman iyon at siguro naman ay okay lang iyon kung hindi ko iyon bibitawan.
"Okay po, Sir." Tanging nasabi ko na lang.
"Base on your schedule, hindi ka naman mahihirapan kung 5-6 hours ang work mo? May pahinga na iyon." Tumango ako.
Kadalasan ay 2 ang uwe ko kaya baka hanggang 7 or 8 ang trabaho ko sa kanya. Hindi na din masama dahil 9 naman ang pasok ko sa bar.
We discussed about the Job at okay naman ang mga iyon hindi naman masyadong mabigat kaya masuwerte pa din ako.
"Make sure to resign immediately. Understand?" Tumango ako,
Yun ang huli naming usap bago niya ako niyayang bumaba para kumain, gusto ko sanang tumanggi. Pero nakakahiya naman. Baka isipin na niyang masyado akong maarte.
" Two years and you'll graduate?" He asks in the middle of our eating.
"Opo." Naiilang ako lalo na at tungkol saan ang pinag-uusapan namin.
Tumango tango ito.
"I have a pharmacy, if you graduate you'll work there" He offered.
Wala sa itsura niya pero mukang mabait talaga siya. Masyado lang malakas ang dating niya at sobrang nakaka intimidate.
"Naku Sir. Nakakahiya naman po." Ngumisi siya.
"Why? That's your field right? I want to help you. We're like family now." My heart hurt.
Sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko ay sumasakit iyon parang lalabas iyon sa loob ko. Nakakatakot. Ano ba itong nararamdaman ko?
I wasn't supposed to feel this way, it's not right. I feel like I'm taking advantage of his kindness to me.
"Salamat po ng marami dahil tinutulungan mo kami." Tinaasan niya ako ng kilay.
"Don't worry, nothing is free nowadays. Everything has a price."
It ended there, hindi ko mapigilan ang kabahan. What does he mean by that?
Hindi ko na lang inisip ang mahalaga ay mas makakatulong ako kila mama.
Masyadong malaki ang utang na binabayaran namin kaya magandang opportunity ito para makatulong sa kanila.
Kinabukasan ay maaga akong nagising para pumasok sa school, matapos ang isa't kalahating oras ay wala na akong klase sa susunod na subject dahil sa biglaang meeting ng prof. Minabuti na lang namin ni Allaiza na magpunta sa library para doon pag aral at magpalipas.
At ng mag lunch ay sabay padin naman kami, tahimik lang kaming kumakain pero kadalasan ay madaldal ito. Napapailing na lang ako sa mga kwento niya sa akin tungkol sa kanila ni Hiro.
Tulad ng dati ay ganun parin naman ang trato sa kanya, wala naman nag-bago doon. Minsan na nga lang naaawa na ako sa kanya dahil masyado na siyang umaasa pa kay Hiro.
" You know what, kapag ako na nagising na sa kahibangan ko. I promise, siya na mismo ang hahabol sakin." Sabi pa niya. Natawa na lang ako. As if naman mangyayari iyon.
"Yeah, Turtle walk fast." Inirapan niya ako at biglang sinabunutan. Tumawa ako at hinawi ang kamay niya.
"Wala ka talagang support, alam mo nang nasasaktan Best friend mo tapos ganyan kapa?" Humalakhak ako. Pero pinasakan niya ako ng lumpiang shanghai sa bunganga. Hayop na to!
Inubos ko muna iyon bago ako ngumiti ng nang-aasar sa kanya.
"Okay sorry na, alam mo naman kasing imposible iyon eh." Sabi ko pa.
"Walang Imposible." Hindi ko na lang siya sinagot.
Natapos kami at pumasok na sa sumunod na klase, tumayo siya at bigla na lang lumabas. At ng makita ko si Hiro na may kausap na babae ay doon ko nalaman kung bakit.
Gusto ko sana siyang sundan pero alam ko na kailangan niyang magisa, magmuni at mag isip. Hindi naman kasi siya pinapansin kahit na anong gawin niya ay wala parin nag-bago sa relasyon nila.
Biglang lumingon si Hiro sa pwesto ni Allaiza at ng malaman na wala ito doon ay ako naman ang tinignan nito. Ngumisi lang ako, siya naman ay umiling lang.
Natapos ang klase at nagmamadali akong umuwi para makapagpalit ng damit sa bahay namin, sa isiping makikita ko ulit ang Senyorito ay bumangon ang kaba sa dibdib ko.
Before I went home yesterday, he offered to drive me home, yet I refused. I don't want him near me. I can't breathe with just his presence. And now, to think that we'll work together for hours makes my body cringe.
After I put clothes on, I bid goodbye to Mama then kissed her Afterwards. Sumakay ako ng tricycle. And now I'm facing Del Fabbro's Mansion.
I guess, there's no turning back!
Hawak ko na ang seradura ng pinto ng office ni Senyorito pero hindi ko parin ito mapihit upang buksan, nagdadalawang isip ako, huminga muna ako ng malalim bago kumatok.
"Come in." Katulad kahapon ay ganun padin ang kanyang boses, ma-autoridad.
His giving an impression of a wild animal, a territorial one. Boses pa lang nakakapanindig balahibo na paano pa kaya kung titignan mo na ito sa mga mata di ba?
Never in her whole life she would meet a person like him, he is so much for her. Nakakabalisa. Agad niyang pinihit at dahan dahang binuksan ang pinto and when their eyes met, she fought the nervousness she felt, instead. She smiled sweetly at him.
He motion her to go near him. she did. Lumapit siya at umupo sa unahang upuan.
"That right side is your place." Sabay turo sa kanang bahagi ng silid. May lamesa na at upuan. May mga papel na din na siguradong kailangan kong ayusin.
"I stay here most of the time. But I still go to the company specially on meetings every morning." Tumango ako, kaya nagpatuloy siya.
"You'll come with me in the meeting during your working hours. I have a secretary. So you'll just sit there and listen. Okay." Eh?
"Those papers, arrange them properly, go and do it."
I was busy the whole time, the nervousness I felt still there and he on the other side had so many phone calls
Every minute nga ata may tatawag sa kanya. Sobrang busy niya nga talaga. Ano kaya ang feeling na namamahala ka ng isang malaking kompanya? Paano pa kaya kung marami iyon siguradong mababaliw ako.
Hindi pa ako naka kalahati ng tumunog ulit ang phone niya agad naman niyang sinagot iyon.
"Yeah, just bring it here." I heard him say it to the other line.
Inalis ko na lang ang atensyon doon at tinapos na ang mga papel dahil baka mapagalitan pa ako dahil sa patigil tigil ako.
Ilang minuto ang nakalipas ng makarinig kami ng tatlong katok. Agad akong tumayo para buksan.
A woman is standing in front of me, she's wearing her office attire and it hugs every curve of her body. She smiles as I open the door but it fades immediately when she sees me.
Tinaasan ako nito ng kilay. Binigyan ko siya ng daan ng makita ko ang folder na hawak niya. Inirapan niya ako at naglakad na.
Imbis na ilapag niya sa table ang folder ay pumunta siya sa gilid ni Senyorito na busy sa mga papel na ginagawa niya.
"Sir. Here's the folder." Maarte nitong turan. May pag hawak pa sa balikat ni Senyorito. "Do need coffee, sir?"
Sinara ko ang pinto at bumalik na sa pwesto ko, pinagpatuloy ko ang mga papel na natira at hindi na lamang iniintindi pa ang babaeng kausap ngayon ng boss ko.
She quickly changed her approach when she talked to that man but earlier she was a b***h to me. Giving me glares.
He didn't do anything, she just let her hold his arm, napairap na lang ako. Harot ha!.
"No need, I have Miss. Vergara to do my coffee. You can go out, now." Agad itong napalingon sakin at nagtaas ng kilay.
" Lead her the way, Miss. Vergara, Bring some snacks also." Tumango ako at agad nagpunta sa pinto.
Hinintay ko ang babaeng makalabas bago ko tuluyan isara ang pinto pero ang akala kong lalakad ito ay bigla itong humarap saakin.
She gave me death glare, nanlilisik ang mata nito habang nakatingin sa akin.
"Who are you?" Inis na tanong nito sa akin, hindi ata maganda ang gising nito dahil mukha itong galit.
"Ahm. PA po ako ni Senyorito. Ma'am." Sagot ko. Lalo itong nairita.
Humakbang ito palapit, kaya naman na paatras ako.
"Your just his PA right?" Sabay tingin sakin mula ulo hanggang pa. " Stay away from him. He's mine. Get it?" Tumango na lang ako.
She flipped her hair and walked away, she never waited for me, she just went without turning her back at me.
Ng makaalis ang babae ay nilingon ko ang katulong na naglilinis ng bintana, itinanong dito kung saan ang kusina dahil nga inutusan ako ni Senyorito na kumuha ng pagkain.
Mabait ito siya din ang nagturo sakin kung ano bang dapat kong ihanda sa boss ko pag nanghihingi ito ng snacks o kahit pagkain na madalas nitong hingin.
She also said a lot of things, madaldal ito na ikinatutuwa ko naman I remember Allaiza to her. Madaldal din iyon.
"Salamat. Papasok na ako." Paalam ko dito. Tumango ito at nginitian pa ako.
"Sige, ingat ka kay Sir. " Nanlaki ang mata ko. Mag tatanong pa sana ako pero umalis naman ito agad, iniwan ako. Napailing na lang ako at binuksan ang pinto.
I look at him, busy ito sa mga papel na kailangan niyang pirmahan kaya ng nasa harap na ako nito ay nilapag ko muna ang mga dala ko sa lamesa na nasa gitnang bahagi ng office nito.
I cleared my throat, agad ko naman ding naagaw ang atensyon niya.
"Do you need anything else Sir?" I ask him politely.
"Bring my coffee here. You can eat all those. " Napaawang ang labi ko, napatingin ako sa mga dala ko. Medyo marami iyon.
Kinuha ko ang isang tinapay kasabay ng kape at pumunta sa kanya inilapag ko iyon sa lamesa niya na kina angat ng mukha niya.
Sinalubong ako ng mga mata niyang walang emosyon. Hindi ko napigilan at natulala ako doon.
"I said coffe, Miss. Vergara. " Inulit niya pa, kaya halos sampalin ko na ang mukha ko sa pagkapahiya.
Ano bang pumasok sa utak ko at natulala ako sa mga mata niya, alam ko naman na maganda na iyon pero hindi ko talaga mapigilan na hangaan iyon habang tumatagal.
"I'm sorry sir. Pero hindi ko naman po kayang ubusin lahat iyon. Balik na po ako." Agad akong tumalikod. Nakakahiya.
Humikab ako ng matapos ko na ang lahat ng mga papel, nakalimutan kong hindi pala ako nagiisa sa loob ng silid na ito. Ang akmang pagtaas ko ng kamay ay nabitin sa ere ng narealize ko iyon.
Shit, ano bang pinaggagawa ko at lagi na lang akong napapahiya, hindi ko na ito nilingon pa dahil ayoko lang mas mapahiya pa lalo.
Tumingin ako sa relo apat na oras at kalahati, abala ang sarili ko sa pag-aayos ng mga papeles kaya medyo nakaramdam na din ako ng gutom.
"Hungry?" It was him. Napalingon tuloy ako sa biglaang pagsasalita niya.
"Hindi naman po sir. " Kumunot ang noo nito.
"Okay, I'll finish this then we'll have our dinner." Napalunok ako, ibig bang sabihin nun na sabay ulit kami?
Hindi ako sanay na kasalo siya pero hindi din naman ako makatanggi pa, hinihintay ko na lang na matapos siya at ginawa ko na lang ang assignment ko.
Matapos ang kalahating oras ay tumayo na ito. Inaayos ko na din ang bag ko at pati na ang mga gamit doon. Sa bahay ko na lang itutuloy ito. Maaga naman akong makauwi ngayon.
"You have an assignment?"
Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala ito, sobrang lapit niya pa. Tumayo ako at medyo umatras ng konti na kina taas ng kilay niya.
"Opo." Bumuntong hininga ito at ngumuso.
"Drop the 'po' I'm not that old. Just call me by my name." Pero boss ko siya, diba. Dapat lang na galangin siya?
"Pero, Sir--" he placed his index finger on my lips.
Halos mapatalon ako sa ginawa niya, hindi ko iyon inasahan. Ngumisi siya at lumapit pa. Nag Lilikot ang mga mata ko. Just to avoid his hypnotising eyes.
"One more 'po' and 'sir' I promise, My lips would end up on your red lips."
He said and walk away, ako naman ay napako sa kinatatayuan ko habang nakanganga pa. I slap myself. What was that?
Mga tunog lang ng kubyertos ang tanging maririnig mo sa loob ng dining room, tila isang striktong hapunan ang nagaganap sa hapag na iyon. Kahit na ang magkasalo lang naman ay ang dalawang tao.
Napansin ni Ana na hindi pa niya nakikita ang iba pang nakatira sa mansyon, kahit ang mag asawa ay wala ang presensya dito.
Ito na ang pangalawang beses pero, wala talaga. Tanging puro kasambahay at driver lang ang naroroon, paulit ulit kong sinabi noon na maganda ang mansyon.
Pero hindi ko akalaing, ganito kalungkot. Pag nasa loob kana. Malungkot dahil wala ang ibang miyembro ng pamilya.
"Did you resign to that Club?"
Tanong nito sa kalagitnaan ng aming pagkain, kinabahan naman ako, dahil ang totoo niyan ay hindi ko naman talaga bibitawan ang club.
"Oo. K-kahapon." Nauutal ko pang tugon. Naramdaman ko ang maririin nitong pagtitig saakin, halos itago ko na ang buong mukha ko dahil feeling ko na pag-tumingin ito ay malaman niyang hindi ako nagsasabi ng totoo.
"Good." Naramdaman ko pa itong lumapit, hinawakan ang baba ko at iniharap sa kanya.
Napalunok ako ng mag tama ang mga mata naming dalawa. Katulad nung una hindi ko parin matagalan ang titigan siya dahil sobrang naiilang ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin.
Pero ganun na lang ang panlalaki ng mata ko ng ang isang daliri niya na nasa baba ko ay nag-landas sa gilid ng labi ko. Gulat na gulat ako sa ginawa niya.
Ang akala kong pagpunas ng daliri niya sa labi ko ay malala na, lalo na at amo ko parin siya pero hindi. Nang mahiwalay niya ito sa labi ko ay agad na napaawang ang labi ko ng isubo niya ang daliring pinang punas sa gilid ng labi ko.
Nanlamig ang buong katawan ko, parang natuod ako sa kinauupuan ko habang ang mga mata ay na sa kanya lang. Then I realized, ito ang unang beses ng pagtitig ko dito ng mahaba.
My heart beat fast at that thought.
"Hmmm. It's more delicious when it's on your lips."