CHAPTER 5

1051 Words
Isang linggo na ang nakalipas. Balik naman ako sa dating gawi— bahay at trabaho. Araw-araw kong naaalala ang nangyari sa gabing iyon. Pilit ko mang kalimutan ay hindi ko kaya magawa dahil oras-oras ko itong ma-iisip. Naging abala kami sa trabaho dahil bali-balita ko ay may bagong uupo as a CEO sa kompanya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa impormansyong iyan dahil sa lahat ng tao ay ako ang unang maninibago. Tatlong taon nakong nagta-trabaho sa kompanyang ito as a secretary of the CEO. Mabait ang boss ko– si Mr.Lewis. Siya ang nagpamulat sa akin sa trabahong ito. Pribado ang buhay ng boss ko. Sa sobrang pribado ay muntikan ko nang hindi makilala si Mrs. Lewis. Last year ko lang unang nakita ito. Sa pagka-kaalam ko lang ay may isa silang anak na naniniraham sa ibang bansa. May sarili din itong kompanya doon kaya't bihira lang ito nakakauwi. Tumunog ang telepono na nakapatong sa desk. Kinuha ko ito at pinindot ang answer button. "Come here at my office, Ms. Lopez." sabi ng boss ko. Bumaba ko na agad Ang telepono at pumunta sa kaniyang office. Kumatok muna ako para ipaalam ang presensya ko at pumasok. "Sir.." tawag ko. "Take a seat , please." seryoso pa niyang mwestra sa kaniyang kamay. "Ano pong kailangan niyo ,sir?" tanong ko. Seryoso ang kaniyang mukha kaya alam kong napaka-importante ng sasabihin niya. " You're aware that I'm already old..." panimula pa niya. Dahil sa expression ng mukha niya ay mas nadepina Ang katandaan niya. Hindi naman siya literal na mukha talagang matanda. Sexty-two siya ngunit bata pa rin ito tignan gawa siguro samay lahi din ito. "Tinawag kita dito ngayon para ipaalam sayo na ang anak ko na ang bagong mamahala sa kompanyang ito. Alam kong busy siya sa sariling kompanya ngunit wala akong ibang anak na pwedeng sumunod sa apak ko." kompermado nga na hindi na sya ang magiging boss ko. Hindi ko ma proseso sa isip ko ang impormansyong natanggap ko. Hindi naman siguro tarantado ang anak niya 'di ba? Mabait ang mag-asawang Lewis sa trabaho ngayong wala ka na? " kinakabahan kong tanong. Kasi naman di ba , posibling palitan ako kung gu-gustuhin ng anak niya. Tumawa siya na parang may nakakatawa sa sinabi ko. "No, no. That won't happen Ms. Lopez." nakaramdam ako nang ginhawa sa sinabi niya. " In fact, Hindi siya palaging nandito dahil kailangan din siya nga kompanya niya. Ikaw pa rin ang magiging sekretarya niya habang nandito siya kaya wala Kang dapat ipangamba." Salamat at may trabaho pa ' ko. Talagang mamumulubi ako kapag nagkataon . Biglang may umihip sa bandang liig ko kaya napatili ako ng mahina. Nakasakay nako sa elevator dahil uwian na. Lumingon ako apara tignan kung sino may gawa nun. Nakita ko ang mukha ni Mary malapit sa mukha ko. Tinulak ko siya ng konti papalayo dahil sobrang lapit ng mga mukha namin at baka magkapalit pa. "Ikawng babae ka, bakit hindi ka na nagparamdam sa'kin ha. Kung hindi ako nagpakita sayo ngayon at baka kinalimutan mo na ako." ma-drama niya pang talak. "Ang drama naman nito. Naging busy lang ako nu." sabi ko pa. "Sige na nga.... may tatanong ako sayo bakla" pagtawag niya pa. Kung ano-ano nalang talaga ang naiisip ng babaeng to. "Ano?" tanong ko. " Tama ba 'yung usap-usapan sa opisina na may bagong uupo as CEO? Gwapo pa naman ang boss natin ah, ba't papalitan? " lukong tanong. Gusto ko siyang bigwasan pero hindi ko magawa at baka mabuang na talaga siya ng tuluyan. " Gaga ka talaga. At oo , anak niya niya ang bagong CEO next month. " sagot ko pa. "Nakita mo na ba ang mukha? Siguradong gwapo 'yun at saka magandang lalaki....." sobrang lawak ng ngiti habang nakatanaw sa'kin na parang nanunukso. "Wala akong pake sa mukha nu. Sana lang talaga, mabait yun." "Ayy susss... kunwari hindi interesado. Pero tama ka naman. Aanhin naman ang mukha kung maliit naman ang ano." walang prino nitong sabi. Malakas siyang humalakhak nang makita niya ang mukha ko. Hindi ako inosenti para hindi ma-gets yung ibig niyang sabihin. Hindi ko siya pinansin. Lumabas na kami at umuwi. Last day na ng boss ko sa opisina. Nagpa-buffet siya sa kaniyang mga empleyado. Ipapakilala na niya rin daw ang anak niya. Gumagabi na ngunit hindi pa rin dumating si Mr. Lewis— Ang anak ng boss ko. Nakita kong lumabas ng office si Mr. Lewis. Lumapit sa gitna .... "Everyone, I apologize for keeping you waiting but my son can't make it here today. He has an appointment to attend." paumanhin niya sa amin. Pagkatapos nitong sabihin ang balita ay umuwi na ito, kaya umuwi na rin ako. Linggo bukas kaya wala akong pasok. Buong araw akong natulog. Nagising lang ako bandang alas 6 ng gabi.Nagluto ako nang hapunan. Habang naghahapunan ako ay bigla ko na-namang naalala ang lalaki. Pilit kong iwinawaglit ang ala-alang yun. Imbes na mag-isip sa lalaki ay naisipan kong i-search yung anak ng boss ko. Delton Archen Lewis Hindi ko pa siya nakita kaya hindi ko alam ang itsura niya. Marami ang lumabas na articles. Inisa-isa kong binasa ito. Wala akong nakitang pwedeng ito ang magiging anak. Nag-scroll lang ako hanggang sa nakita ko ang pangalan ng boss ko. Binuksan ko ito. Tungkol ito sa isang anak na business tycoon na si Mr. Lewis ngunit nakatalikod ito. Hindi ko kita ang mukha niya ngunit para siyang pamilyar sa'kin. Imposible. Naalala ko ang estranghero na nakilala ko. Pareho sila nang hulma nang katawan. Iwinaglit ko ang isping yun. Imposibling yun ang anak ng boss ko dahil bihira lang itong umuwi dito sa Pilipinas. at saka masyado itong busy para pumunta sa bar. Wala akong nakuhang impormansyon at hindi ko rin alam kung anong mukha nito. Napag desisyonan kong matulog. " Makikita ko rin naman siya bukas eh..." Maaga akong pumasok sa trabaho. Ayokong may masabi ang bago kong boss first day na first day. Nag- aayos Ako ng mga papeles sa office ko nang mag ring ang telepono. "Good morning. How can I help you sir? " bati ko pa tulad ng ginagawa ko araw-araw. " I need you here in my office." malalim at seryosong sabi nito. Bigla akong nanlamig sa boses na narinig ko galing sa kabilang linya. Hindi maaari....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD