Nanginginig ang mga paa kong naglalakad papunta sa kabilang office. Kumatok muna ako. Hinintay kong may sasagot ngunit wala, kaya binuksan ko ang pinto at pumasok.
Inaasahan kong mukha niya ang bubungad sa akin pagkapasok ko ngunit si Mr. Lewis pala— ang dati kong boss.
"Good morning sir." bati ko. Nakita ako ni Mr. Lewis na naka-upo galing sa couch ng kaniyang office.
"Good morning, Ms. Lopez. I want you to meet my son, Delton Lewis. He will be your boss starting today." anunsyo ni Mr. Lewis.
Ngayon ko lang napansin ang isang lalaki na nakatayo malapit sa glass wall. Nakaharap ito sa labas kung saan kita ang syudad.
Lumingon ito sa amin. Hindi malinaw ang kaniyang mukha dahil sa ilaw na nagmumula sa araw. Humakbang ito patungo sa amin. Unti-unti ay luminaw ang kaniyang imahe.
Nanlamig ako at halos hindi ako makahinga dahil sa kaba lalo na nang sinalubong niya ko matalim niyang mga tingin. Napalunok ako nang mas lumapit ito.
" Son, this is your secretary from now on. She's capable and reliable in her job. So wala kang magiging problema sa kaniya." pagpapakilala sa anak niya.
Kahit sa nanginginig na kalamnan ay pormal pa rin akong nagpakilala sa bago kong boss.
"I'm Solene Atasha Lopez. Nice to meet you sir." deritso kong sabi. Pasalamat ko nalang talaga at hindi ako nautal sa pagsa-salita.
Inabot ko ang kamay ko para makipag-shake hands. Nakita kong nakatingin lang ito sa kamay ko na parang wala siyang plano na tanggapin ito.
Ibababa ko na sana ang kamay ko nang inabot niya ito. Mahigpit ang kapit niya sa mga kamay ko. Hindi siya nagsalita ngunit galit itong nakatangin sa akin na para bang may atraso ako sa kaniya.
Binawi ko ang kamay ko ngunit hindi ako makaglaw. Hindi ko alam kung ilang minuto kami sa ganung posisyon. Wala siyang planong bitawan ako kaya....
"Ahmm.. s-sir, y-yung kamay ko." mukhang napansin niya na nasasaktan na 'ko sa hawak niya. Lumuwag ang hawak niya ngunit hindi pa rin ako binitawan.
" Ahhem..hmm." pakunwaring ubo ng dati kong boss.
Sa wakas ay binitawan na rin ang kamay ko. Hindi ako nilibayan ng tingin ni Mr. Delton— yun nalang siguro itatawag ko sa kaniya sa bago kung boss.
"Since you already know each other, I think I need to go now. Your mom's waiting for me downstairs." sabi ni Mr. Lewis sa anak niya sabay tapik dito.
Tumingin din siya sa'kin at tumango. Tumalikod na ito at umalis. Naiwan kaming dalawa ni Mr. Delton sa loob ng opisina. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa na mas lalo lamang nagpatindi sa kaba ko.
" Ahmm.. sir. M-may kailangan po ba kayo?" tanong ko. Nanatili lamang itong nakatangin na pawang isang tigre na naka-abang sa pwede niyang gawing biktima.
"Kung wala naman po a-ay aalis na rin po ako." dagdag ko.
Ilang sigundo pa ay saka lang ito nagsalita.
" Why did you left..." seryoso niyang usal.
Una ay naguluhan pa ako, hanggang sa naalala ko ang ginawa ko sa kaniyang pag-iwan ng walang paalam ilang linggo na ang nakaraan. Alanganin akong ngumiti.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kaniya. Isa pa ay isang gabi lang 'yung nangyari sa amin. Hindi niya naman siguro i-bi-big deal ang ganung bagay.
"Dahil.... kailangan ko ang umuwi." alam kong ang sabaw ng sagot ko pero wala na'kong ibang naisip na rason.
" You should have waited for me to come back into our room. I can drive you to your house if that's what you are thinking." seryoso at malalim niyang bigkas ng mga salita. Binig-deal nga .
"Hindi naman kailangan eh. Kaya kung umuwi mag-isa." seryoso ko na ring sagot.
Hindi naman kasi kailangang gawin niyang ihatid ako. Hindi niya ko kilala at mas lalong hindi niya ko obligasyon. Halos magtagpo ang kaniyang kilay. Umigting din ang kaniyang mga panga tila hindi nagustuhan ang lumalabas sa bibig ko.
" You were sore, how can I not ....."hindi niya tinapos ang kaniyang sinabi. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako dahil nakita ko ang pag-aalala sa kaniyang mukha.
Namula ako dahil sa sinabi niya. Bumalik na naman ang pangyayari. Alam kong masakit ang kipay ko sa araw na yun pero hindi niya naman kailangang ipa-alala ang katangahan ko.
May konting inis akong naramdam. Kung umasta kasi ito ay para ko siyang boyfriend. Ni hindi ko ng alam ang pangalan niya sa gabing yun.
Sasagot na sana ako ngunit tumunog ang kaniyang cellphone dahil sa tawag. Hindi siya gumalaw. Hinayaan niyang tumunog ito hanggang sa mamatay.
Tumunog na naman kaya wala siyang ibang choice kung hindi sagutin ito. Kinuha ko na rin ang magkakataon para umalis.
"Tawagin niyo nalang po ako kapag may kailangan kayo." Tumalikod na 'ko at umalis .
Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya dahil may kausap na ito sa cellphone.
Bumalik ako sa sarili kong office. Nakahinga ako ng malalim. Halos hindi na kasi ako makahinga habang kasama ko siya sa isang kwarto.
Inabala ko ang sarili ko sa trabaho. Wala akong alam kung ano ang ginagawa ng boss ko. Naghintay ako na tawagin para utusan ngunit walang dumating.
Alas-3 na nang hapon ngunit hindi nagparamdam si Mr. Delton. Kailangan kong manatili sa opisina hanggat andito pa ang boss ko.
Tulala lamang ako nang marinig ko ang katok sa pinto. Tumalima ako at tinignan kung sino ito.
" Yes?" pagbukas ko ay nakita ko si Mr. Delton na nakatayo sa labas habang ang mga kamay ay nasa kaniyang mga bulsa.
Napaayos ako ng tayo. Hindi talaga maita-tanggi na gwapo ito. Mas malinaw ang mata ko ngayon kumpara sa lasing ako kaya masasabi ko talagang ang sarap niya— este ang gwapo niya.
" Sir, may kailangan po kayo?" pormal kong tanong sa kaniya.
May telepono naman , pwede siyang tumawag. Bakit niya pa kailangang pumunta pa dito.
" Bring my coffee in my office." pag-uutos nito.
Nakaka-intimidate siyang tignan. Parang ang lungkot ng buhay.
Pagkatapos niya itong sabihin ay umalis na rin ito. Agad akong nagtimpla ng kaniyang kape. Hindi ko alam ang gusto niyang timpla kaya ginawa ko nalang ang kung paano ako magtimpla ng kape.
Nang matapos na ako ay dinala ko na ito sa kaniyang opisina. Gaya ng palagi kong ginagawa, kumatok muna ako bago pumasok.
" Here's your coffee sir." nilagay ko ito sa mesa kung saan siya naka upo.
Nagbabasa ito ng mga reports at projects ng kompanya. Seryoso ang mukha nito. Hindi ko na lang pinansin at nag-desisyong lumabas.
Bubuksan ko na sana ang pinto ngunit.....
" Where are you going? Come here..." commanding na sabi nito.
Wala akong choice kundi ang tumalima. Lumapit ako sa kaniya. Iminwestra nito ang kamay sa mesa. Hindi ko gusto ang pumapasok sa isip ko.
" Sit here." malalim nitong boses.
"S-sir?" gulat kong tanong.
"You'll sit here or in my lap? You're free to choose." tinagikid niya ang kaniyang mukha habang nakatingin sa'kin.
Hindi ko gusto ang pinapagawa niya. Mula nang mapasok ako sa trabahong ito ay iniiwasan ko talaga ang magka-issue. At isa pa , nasa trabaho kami.
" Ayaw ko ng issue, sir." deritsahan kong sabi.
" As much as possible, I will keep as professional as I can. Ang pinapagawa niyo po ay hindi magandang tignan." dagdag ko.
Tumaas ang kilay nito. Nakita kong ngumiti ito nang palihim.
" cute" dinig kong sabi niya.
"Pardon?" pagka-klaro ko.
" It's already 4 pm. You can go home Ms. Lopez." pag-iiba nito ng sagot.
" But as long as you're here, I will stay here as your secretary." klaro kong rason.
" It is my order, Ms. Lopez. It's the first day —you are my secretary. I want you to rest because you'll need it tomorrow." hindi ko alam kung ano ang ibig niyang ipa-hiwatig ngunit hindi ko nalang inisip ito.
Siya na ang may sabi na pwede akong umuwi kaya talagang uuwi ako.
" If that's the case then... mauuna na po ako sir. " sabi ko at umalis na.
Hayyy ... ano naman kaya ang pag gagamitan ko ng maraming lakas bukas?.....