Iyak lang ako ng iyak. Mag li- limang oras ng wala sa tabi ko si Aris. Ni hindi ko na nakain ang inorder ni Jerome para sa akin noong lunch. Nakatitig lang ako sa cellphone ko at nag babaka sakaling tumawag o ma text ulit si Mamita. "Anak kumain ka muna, baka mamaya mahimatay ka," tinitigan mo si Mommy at hindi ko na namang mapigilan ang sarili kong umiyak. "Mahahanap din natin s'ya anak. Wag kang mawalan ng pag asa. Your Dad, Uncle and Jerome are doing their best to find Ars. Pati si Eros at Rejan." Tumango naman ako. I want to believe her but hindi nawawala ang takot sa puso ko. Kamusta na kaya ang anak ko? Naka kain na kaya iyon? Baka sinasaktan nila si Aris. Hindi ko alam na si Mamita pala ang Nanay ng first girlfriend ni Jerome na namatay dahil ni rape. Jerome said Niña's mother bl

