“I’m so sorry, dear.. I’m sorry for your boyfriend too.” usal ni mommy habang dinadampian ko ng ice pack ang pisngi niya. Napabuntong hininga ako at tinitigan siya. “Madalas bang mangyari to, mommy?” taas kilay kong tanong. Hindi siya agad nakasagot and I take that as a yes. Mas lalong namuo ang galit sa dibdib ko. Tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni mommy. “Don’t be mad at your father, hija. He’s just stressed sa work.” marahan niyang usal. Parang tinusok ang dibdib ko sa narinig. Mommy really loves my dad that much huh? Hindi na lang ako nagsalita dahil ayaw kong masaktan na naman siya. “Anyways, sa kitchen tayo. May ipinaluto ako kay Celine para sa pagdating niyo kanina eh.” anyaya ni mommy. I looked at my boyfriend na tahimik lang kaming pinapanuod. He smiled assuring

