"You can go home now, hija. I'm fine here. Hijo, please take my daughter in her condo safely okay?" wika ni mom pagkarating namin sa pinaka malapit na resthouse namin. Namamaga ang mga mata niya dahil kanina pa siya umiiyak habang nasa biyahe kami. Agad akong umiling at hinawakan ang kamay niya. "No mom. I won't leave you here alone." desidido kong sambit at nilingon si sir na mukhang sang ayon din naman sa sinabi ko. "Malaki naman ang bahay, mommy. Ang importante ay may kasama ka dito." dagdag ko pa. Napangiti na lamang siya at tumango. "Fine. You really remind me of my younger self, dear. Hard headed, lahat ng gusto nasusunod." nakangiti niyang pahayag kaya natawa ako. "Saan pa ba ako magmamana, mommy? I'm your daughter." nakangisi kong saad, sinusubukang pagaanin ang loob niya

