Pagkatapos naming mag lunch doon sa ilalim ng puno, hindi na ako nakabalik sa opisina niya dahil may pasok na ako. "Mamaya ah? Hintayin moko pauwi! Akin nalang yung luto ni Miss Cleah!" Asik ko habang naglalakad kami pabalik. "Yeah." sagot niya na ikinangiti ko. Maghihiwalay na sana kami ng daan dahil nasa left wing ng building ang classroom namin sa subject na to pero napatigil kami pareho nang marinig ang sigaw ni Kira. "Sancha! Nandiyan kalang pala kanina kapa namin hinahanap babaita ka!" bulalas pa nito at hinihingal silang lumapit sa amin. Nagtataka silang napatingin sa amin ni sir. "Ah hehe good afternoon sir!" "Good afternoon sir Ramirez." "Good afternoon sir, kasama mo pala kaibigan namin." Kaniya kaniya nilang bati. "Bakit niyo ba ako hinahanap? Nagkaklase na ba?

