bc

WREAKING LIFE

book_age18+
15
FOLLOW
1K
READ
billionaire
revenge
brave
heir/heiress
drama
bxg
campus
like
intro-logo
Blurb

May isang pamilyang sisira, wawasak, at dudurog sa buhay at pagkatao ni Agatha Valerio—pero hanggang saan ang kaya niyang tiisin bago siya tuluyang magbago? Mula sa kailaliman ng pagdurusa at kalungkutan, may natitira pa bang Agatha na babangon... o tuluyan na siyang lamunin ng sakit na pilit niyang nilalabanan? At kung makabangon man siya... babalik ba siya hindi para magpatawad—kundi para maghiganti sa mga taong unti-unting sumira sa kaniyang mundo? At higit sa lahat... Kakayanin ba niyang harapin muli ang lalaking minsan niyang minahal—ngayon ba ay siya na ang sisira sa buhay nito? Mapapanindigan kaya ni Agatha ang planong matagal niyang binuo sa dilim ng kaniyang paghihirap? O ang mismong paghihiganti ang maghahatak sa kaniya pabalik sa bangungot na akala niya'y nalampasan na niya? Dahil sa larong ito ng pag-ibig, pagtataksil, at paghihiganti, isang tanong lang ang sigurado—sino ang unang mababasag? At tandaan... Ang pinakamapanganib na tao ay hindi ang galit sa 'yo—kundi ang taong minsan mong sinaktan... at ngayon ay wala nang natitirang dahilan para patawarin ka.

chap-preview
Free preview
WREAKING LIFE | TEASER PRODUCTION INTRO
Mula sa panulat at produksyon ni ANGELICUS_HEART. Narito ang kuwentong tiyak na magpapaiyak at magpapagalit sa inyo ngayong taon. Inihahandog ng aking mapaglarong imahinasyon ang kuwento ng isang pagkawas*k—isang babaeng babangon mula sa hukay upang magbaon ng sugat sa likod ng mga taong sumira sa kaniya. Naniniwala ka ba sa karma? "Karma is the consequence of an action," nakakainsultong saad ni Sabrina sa kaniyang kaharap. Halina at subaybayan ang kuwentong tiyak na magpapayanig sa inyo ngayong taon. ANG PINAKANAKAKAKILABOT NA REBELASYON NA TIYAK NA PUPUKAW SA INYONG MGA ISIPAN. ANG PINAKAMADRAMANG YUGTO AT PINAKAMAPUSOK NA TAGPO NA HINDI NINYO DAPAT PALAMPASIN NGAYONG TAON. THE FIRST NOVEL FROM ANGELICUS_HEART. NARITO NA ANG PINAKAMAINIT NA KUWENTONG DAPAT NINYONG SUBAYBAYAN SA... WREAKING LIFE! MASAYANG PAMILYA! "Anak, balang araw, ang lahat ng nakikita mo rito ay magiging iyo. Pati ang kompanyang pinaghirapan ko ay mapapasaiyo rin." Nakangiti lamang ang dalaga habang nakayakap sa kaniyang ama. Kumalas si Don Emman at hinawakan ang magkabilang balikat ni Agatha. "Anak, ito ang tatandaan mo. Ang lahat ng meron ka ngayon ay huwag na huwag mong hahayaang mawala. Dahil ang lahat ng ito ay bunga ng dugo at pawis ko para sa 'yo." Sandali siyang tumahimik. "Mahal na mahal kita, anak." "Mahal na mahal din po kita, Papá... kayo ni Mamá." Hinalikan siya ng kaniyang ama sa noo at muli siyang niyakap nang mahigpit. Paano kung ang masaya mong pamilya ay wawas*kin ng mga taong hindi mo inaakalang GANID? "Kung patuloy kang magmamatigas, Emmanuel... wala na kaming magagawa ro'n. Pero huwag mo kaming sisisihin kung dahil sa pagmamatigas mo ay may mapapahamak na dalawang buhay," dagdag pa nito, bago sinenyasan sina Uno at Gimo. "Alam n'yo na ang gagawin." Tumingin pa ito kay Don Emman at madiin na madiin ang huling pagkakasabi nito habang nakatingin nang diretso sa Don. "Show no mercy!" "Papá!" Sigaw iyon ng naghihinagpis na si Agatha sa harapan ng kaniyang walang buhay na ama na si Don Emman, matapos itong bar!lin at ipalapa ni Vishnu sa kaniyang mabags!k na aso. "Gusto mong makita ang asawa mo? Puwes, hal!kan mo muna ang mga paa ko at makikita mo kung nasaan siya." "Mga hay*p kayo!" sigaw ng nagdadalang-tao na si Agatha matapos niyang mahuli ang kataksilan ng kaniyang asawang si Dominic at ni Astrid. Kung ano-anong masasakit na salita ang ibinabato niya sa dalawang taksil hanggang sa... Nahulog siya sa hagdan! "Ang baby ko! Gusto kong makita! Nasaan siya?! Ang baby ko!" Humahagulgol na siya sa tabi ng nurse, wala siyang ibang inisip at binabanggit kundi ang kaniyang anak. "Wala na ang baby mo, Agatha." Doon ay napatigil at napahinto si Agatha. Napatingin ito sa gawi ng lalaki. "I'm Detective Nigel Sarmiento." Wala na ang kaniyang ama! Wala na rin ang kaniyang asawa! At wala na rin ang kaniyang batang dinadala! Paano pa kaya siya kakapit ngayong ang lahat ay nawala na sa kaniya? Malalim na ang gabi at malakas na rin ang buhos ng ulan sa sementeryo. Nakikisabay sa pagbuhos ng ulan ang mga luhang dumadanak sa mga matang puno ng pagdurusa ni Agatha habang pinagsasamantalahan siya ni Vishnu. "Wala nang saysay ang buhay ko dahil wala na siya! Wala na! Kaya pabayaan mo na ako rito! Hayaan mo na akong lunurin ng alak na 'to para kahit sandali lang, makalimutan ko naman siya!" asik ni Dominic sa harapan ni Astrid dahil sa kalasingan at pagkadurog ng kaniyang kalooban. Wala na ang babaeng pinakamamahal niya. "Kahit ano'ng gawin mo sa sarili mo, hindi mo na talaga maibabalik ang dati. Dominic, wake up. Tanggapin mo na lang ang katotohanan na wala na si Agatha. Kaya narito ako para tulungan kang makalimot. Mag-focus ka na lang sa mga taong nandiyan para sa 'yo. Dominic, alam ko ang mga pinagdadaanan mo. Pero sana, intindihin mo rin ang nararamdaman ko, lalo na't magkakaroon na tayo ng anak." Umalingawngaw ang dalawang put*k ng bar!l sa buong sementeryo. Matapos niyon ay sinipa na ni Vishnu ang bangkay ni Agatha sa isang malalim na hukay at tinabunan ito. And now, the Wreaking Life begins! Nasirang pamilya! Nasirang relasyon! Nasirang buhay! Paano ka babangon? Sino ang mananaig—ang nakaraan o ang kasalukuyan? Sino ang mas matimbang—ang nagbabalik o ang nandiyan? Ano ang susundin—ang puso ng kasalukuyan o ang puso ng nakaraan? Ito ang mga rebelasyong aabangan sa kuwentong ito. "Ladies and gentlemen, please join me in giving a warm welcome to the Founder and CEO of SM Empire Holdings, and the exceptional Business Partner and Brand Ambassador of Valerian Galaxy Company..." Huminto siya para bitinin ang madla. "Engr. Sabrina Mendez, CpE!" Umalingawngaw ang masigabong palakpakan. Tumayo ang mga panauhin habang unti-unting bumabalot sa entablado ang usok mula sa haze machine bilang bahagi ng kaniyang engrandeng pagpasok. Isa. Dalawa. Tatlong segundo. Walang lumalabas. Hanggang sa dahan-dahang gumalaw ang kurtina sa backstage. At mula roon, lumitaw ang isang babae. Nakasuot siya ng isang marangyang masquerade half-mask. Ang buhok niyang may gel at green highlights ay nakasuklay lahat paatras, bagsak na bagsak at bahagyang lampas sa balikat. Suot niya ang isang fitted black off-shoulder evening gown na may mataas na slit sa kaliwang hita. Simple ang kaniyang pagkakabihis, ngunit sa bawat hakbang niya, tila buong entablado ang sumusunod sa kaniyang presensya. Hindi siya nagmamadali, at hindi rin siya ngumiti. Isa-isang nagbago ang ekspresyon ng mga taong nakatingin sa kaniya—lalo na ang pamilya Cervantes. At nang dahan-dahan niyang alisin ang maskarang tumatakip sa kalahati ng kaniyang mukha—napako si Dominic sa kaniyang kinatatayuan. Nanlaki ang kaniyang mga mata habang parang biglang nawala ang lahat ng ingay sa paligid. Hindi niya maipaliwanag kung bakit ganoon na lamang ang naging reaksyon ng kaniyang katawan, ngunit may isang bagay siyang alam: hindi dapat naroon ang babaeng iyon. Hazel brown ang contact lenses na suot ni Sabrina. Tahimik ang kaniyang mga mata, ngunit may kung anong malamig at misteryosong nakatago sa likod ng mga iyon. Humakbang siya patungo sa gitna ng entablado—walang takot, walang alinlangan. At sa bawat hakbang niya, tila may isang madilim na nakaraan na unti-unting bumabalik. Sino nga ba talaga si Engr. Sabrina Mendez? Bakit tila hindi makahinga ang pamilya Cervantes nang makita siya? Bakit maging ang pamilya Salcedo ay tila nagulat din sa kaniyang presensya? At higit sa lahat—bakit ganoon na lamang ang naging reaksyon ni Dominic? "It is a pleasure to meet you, Cervantes family. And I am delighted that we will be working together in the same company," saad ni Sabrina nang makalapit at makaharap na sa kanila. "Introduction pa lang iyon. Maghintay lang sila sa climax," may bahid ng nakakakilabot na ngiti na saad ni Sabrina kina Joaquin at Cielo. Ito na nga ba ang simula ng lagim ng mga lagim? Sungay sa sungay! "Pareho lang tayong halimaw, Lady Victoria! Magkaiba lang tayo ng bihis!" sigaw na saad ni Sabrina sa matanda. Pangil sa pangil? "If you don't want a sarcastic answer, don't ask a stupid question!" tiim-bagang na saad ni Sabrina kay Astrid. Talim laban sa talim? "Learn not to trust anybody, because they will stab you in the back," may malalim na kahulugan na saad ni Sabrina sa mismong harapan ni Zia. Sino nga ba talaga siya? "Sabrina, ano ba ang kasalanan ko sa 'yo? Bakit mo ba ako ginaganito? Sino ka ba talaga, ha? Bakit halos lahat kaming nasa paligid mo ay pinagdidiskitahan mo? Lahat na lang kinokompetensiya mo?!" may halong galit na tanong ni Dominic kay Sabrina. Ngumiti lang si Sabrina, bago dahan-dahang tumayo at lumapit kay Dominic. Saka nito mapang-akit na hinaplos ang mukha ng lalaki, bago muling nagsalita. "Relax, my man. Actually, hindi ito competition kung sino ang may tama o mali. It's all about trust, honesty, being faithful, and loyalty." Kasunod noon ay kinuha niya ang wine glass na hawak ng lalaki na may laman pang alak. Napapikit na lamang si Dominic nang ibuhos iyon ni Sabrina sa kaniyang ulo. Muli pang nagsalita ang babae. "You ask me who I am? Remember these words." Yumuko nang bahagya si Sabrina para ibulong mismo sa tainga ng lalaki ang huli niyang sasabihin, "Because I'm telling you... I am the revenge!" "Tandaan mo, Sabrina, may misyon kang dapat tapusin. Kaya lakasan at tibayan mo ang isip mo. Huwag kang magpapadaig sa mapanlinlang mong puso dahil ito ang magpapabagsak sa lahat ng plano mo," saad ni Joaquin sa seryosong mukha ni Sabrina. Maya-maya ay sumilay na ang nakakatakot na ngiti sa mga labi ng babae. "Handa na akong makipaglaro sa larong inumpisahan nila. At sisiguraduhin kong ako ang tatapos sa larong nasimulan nila," seryosong saad ni Sabrina, bago ipin*tok ang bar!l sa shooting range. "Iisa-isahin ko sila. Wawas*kin ko ang lahat sa kanila. At ipapatikim ko ang lahat ng klaseng hirap na puwede nilang malasap sa bagsik ng kamandag ng isang Sabrina Mendez." Sino nga ba talaga si Sabrina Mendez? She is elegant, beautiful, attractive, adorable, magnificent, mysterious... and she is silent but dangerous! Kaya huwag kang paaakit sa kaniyang taglay na kagandahan. Huwag ka ring palilinlang sa kaniyang matatamis na ngiti, dahil sa likod nito ay may nakukubling malagim na rebelasyon. She is like a rose—beautiful and attractive, but it has thorns that will hurt you. The game has begun! Kaya hindi mo dapat ito palampasin... Dahil kailangan mong tunghayan at saksihan ang babaeng dapat katakutan at dapat luhuran ng lahat. Dahil siya na ngayon ang babaeng magtatanggal sa mga sungay nang may mga sungay!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Heartless Don's Angel

read
79.3K
bc

Secretly Living With My Boss | SPG

read
835.3K
bc

Mafia Heir Declan Madrigal

read
484.3K
bc

Red Lady Is Now Live! (SPG)

read
15.7K
bc

I Married The Arrogant CEO

read
32.4K
bc

In Bed With Kuya Red

read
56.6K
bc

Owned by an Arrogant Billionaire- Montenegro Obsession 1

read
58.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook