Kabanata 61
"Hala! Birthday ko na sa Sunday." natatawang sambit ko nang maalala ko iyon.
"Oo nga." tumawa din sila Angeline. Napangiwi na lang ako nang hilahing bigla ni Reigne ang mga kaibigan namin maliban sa akin.
"Seriously? Isali niyo ako diyan." nakangusong pumadyak pa ako sa sahig.
Pasulyap-sulyap lang sa akin si Reigne habang kinakausap ang mga kaibigan namin. Aish! Bakit wala akong marinig mula sa kanila?
"Come on! 'Di ko kayo marinig." nakasimangot na ginulo ko ang buhok ko dahil sa pagka-irita. Mga baklang 'to!
Hindi pa din nila ako pinansin at nagpatuloy lamang sila sa paguusap. Umirap na lang ako sa hangin at nakahalukipkip na hinintay ko silang matapos.
"Oh, tapos na kayo?" taas-kilay na tanong ko sakanila nang sa wakas ay naghiwa-hiwalay na sila ng puwesto. Tumatawang nagsitanguan na lamang silang lahat at mapang-asar na ngumiti sa akin.
Pagkatapos naming mag-lunch ay nagulat na lamang ako dahil hindi na kami pinapansin ni Reigne. Kunot-noong tumingin ako sa mga kaibigan ko at nagtanong.
"Anong nangyari kay Reigne?" mabilisang pagtatanong ko sa kanila habang hinahanap ko ang libro ko.
"Ewan ko." maging si Angeline ay umirap na lang at nagbikit-balikat. Gosh!
Sandali akong sumulyap sa puwesto ni Reigne at Nathalie na ngayon ay naguusap na nang masinsinan. Mariing isinara ko na lamang ang aking mga mata at saka bumuntong hininga.
Mabilis namang lumipas ang mga oras at ngayon ay nagsisimula na kaming maghiwa-hiwalay ng silid dahil club day ngayon at kailangan naming pumunta sa kaniya-kaniya naming club bago mag-uwian. Grabe!
"Ayokong mag-club day." natatawang umirap na lang ako.
"Bakit?" napansin ko ang bahagyang pagtawa ni Maye habang nakatingin sa akin.
"Katamad." I chuckled. Bahagya akong natigilan nang makita ko si kuya Jace na nakaupo sa isang bench kasama ang mga kaibigan niya.
"Sus!" tumawa na lang si Maye at sinabayan na ako sa pagpunta sa gymnasium. Doon kasi ang meeting place ng club namin.
"Ang gwapo talaga!" I formed my lips into a thin line while looking at him. Tumatawa siya hahang kausap ang mga kaibigan niya.
"Dito na kayong lahat!" sandali ko pa munang tinitigan si kuya Jace bago ako naglakad patungo sa mga kasamahan namin sa club.
"Wala tayong gagawin ngayon kundi ang..." tumigil muna si ate Johann sa pagsasalita at tumingin kay ate Donna.
"Maglaro!" sabay nilang sambit kaya't napuno ang gymnasium ng tawanan at sigawan. Ang saya nila! Natatawang napailing na lamang ako habang nakatitig sakanila.
"Ahhh!" nanlaki ang mga mata ko kasabay nang aking pagtili dahil nataya ako. Hindi pa ako ready no'n! Natatawang hinabol ko sila hanggang sa mapagod ako katatakbo.
"Ang saya bumalik sa pagkabata." natatawang sinalubong ko si Jayrus. Just like the old days.
Tumatawang tumakbo na ako ulit, ngunit iilan na lamang ang hindi pa natataya kaya napagdesisyunan kong tumakbo sa gilid at doon maghabol.
Taya-tayaan ang natatanging laro na nagpapasaya sa atin kahit na hinahabol natin ang mga taong lumalayo na mismo sa atin.
"Why do we have to keep on chasing the people who's running away from us?" napalingon kaagad ako sa nagsalita. I smirked at her and shook my head.
"For fun." natatawang tumakbo na ako ulit dahil nakita ko si Reigne na pachill-chill lang.
"Taya ka na?" alam kong hindi niya kami pinapansin kanina, pero gosh? This is a game, at saka no hard feelings. We're fine, baka nagm-mood swing lang siya kanina. Bipolar pa naman 'to. Ngumisi muna ako bago ko siya muling hinabol.
"Bagal." natatawang pang-aasar niya kaya't ngumisi ako.
"Malay ko ba kung taya ka na o hindi." tinawanan ko siya at mabilisang tinaya. "Oops!" sabay na lang kaming natawa hanggang sa napagdesisyunan naming magpahinga muna.
Inayos ko muna ang buhok ko at nakangiting pinanood ang mga schoolmates kong masaya habang naglalaro.
"Agawan base!" alam kong kanina pa akong natatawa, ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa din ito mapigilan. Ang sarap nilang pagmasdan.
Sa Agawan Base, isa lang ang tumatak sa akin. You can't get something without going through trials. Kailangan mo munang malampasan ang mga may hawak sa bagay na gusto mong makuha bago mo iyon maagaw sakanila. You need to prove them that you're worth taking what they own before you'll be able to get it.
Sa larong ito, doon mo mare-realize na hindi lahat ng gusto mo ay kailangan mo. Kagaya ng base ng kalaban, you just want it, but you don't need it. Bakit pa? Mayroon ka na namang sa'yo. Aside from that, it teaches you that it's better to grab someone right away bago pa 'man dumating sa puntong sila mismo ang hihila sa'yo. It's your decision.
"Tara na!" kaagad ko nang hinablot ang bag ko nang mapagtanto kong uwian na. Nang mapatingin akong muli sa kaninang gawi nila kuya Jace ay nagulat ako dahil nandoon na ulit sila.
"Ang aga namang lumabas ng mga 'yan." natatawang puna ni Reigne at saka naglakad patungo sa stage kung saan niya ipinatong ang bag niya.
"Nathalie." pagtawag ko rito. She looked at me gamit ang napakahinhin niyang itsura. Gosh! She's so different from the 'Nathalie' I've known before. I composed myself before speaking. "Thank you." seryosong ngiti ang itinapon ko sakaniya.
"Huh?" halatang nagtataka siya kaya't marahan akong natawa.
"Alam ko na 'yung about kay Aly. Kayo ang sumama sa kaniya noong fieldtrip—noong wala kami. Salamat." I sincerely smiled at her. Kasabay noon ay ang pagtango niya lamang sa akin.
Naglakad na kami nila Reigne patungo sa hallway at doon namin iniwan ang mga bag namin. Pagbalik namin sa gym ay nandoon pa din sila kuya Jace. Saktong nasa tapat nila kami nang may tumawag sa akin bigla.
"Makayla." kaagad ko iyong nilingon at napansin ko ang paper bag na hawak ni Nathalie.
"Hmm?" inangat ko ang tingin ko sakaniya at bahagyang ngumiti. Nagulat ako nang inabot niya sa akin ang hawak niya at bumulong.
"Happy Birthday. Regalo namin ni Nicole sa'yo." nakangiting tinanggap ko iyon at nagpasalamat.
"Sa Sunday pa ang birthday ko, Friday pa lang ngayon." natatawang sambit ko sakaniya.
"Tanggapin mo na!" tumawa din sila Reigne kaya't natawa na lang din kami.
Nang tumalikod na si Nathalie sa amin at naglakad palayo ay doon na tumulo ang mga luhang matagal ko nang pinipigilan. Why do I have this f-ckin' pride, after all?
"Takte! Para sa'n 'to?" natatawang pinunasan ko ang mga luha ko at pumadyak. Seryoso? Hindi ko 'to deserve.
"Tara, open natin." tuwang-tuwa na hinatak ako nila Melfa at Reigne patungo sa isang bench at sila na mismo ang nagbukas noon.
I gasped when I saw a paper strings with our pictures clipped on its cover. Ghad! Sa loob noon ay mayroong libro at liptint na nakapatong sa dalawang letters na naka-rolyo. Sobrang effort!
Melfa read Nicole's letter and Reigne read Nathalie's. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ulit ang mga luha ko habang nakikinig sa binabasa nilang dalawa. I guess it's time to step on my pride. It is enough. Ang tanga ko na masiyado para kalimutan silang dalawa dahil sa pride ko. I'm so stupid.
I wiped my tears and walked back to the hallway. Nakatingin si kuya Jace sa akin noong dumaan ako sa gilid niya ngunit binalewala ko na lamang iyon. I still have a lot of things on my mind.
Pagkauwing-pagkauwi ko ay nagbukas kaagad ako ng Messenger at binuksan ang conversation namin ni Nathalie.
Ako:
Baka may gusto kayong puntahan ni Nicole for my birthday, sabihin niyo sa'kin. Labas tayo.
Nang mai-send ko iyon ay bahagya pa muna akong natigilan at napahinga nang malalim. Am I ready for this? For another sh*ts? I guess I'm not yet ready for it. But, I need to. Bago iyon, I need Angeline's permission first. Ayokong magtampo ang mga kaibigan ko sa gagawin kong 'to.
Kailangan kong bumawi sa kanila.
******