Kabanata 62
It's already Saturday in the afternoon at wala pa din akong ganang kumilos. Pailing-iling na inayos ko na lamang ang aking laptop pati ang mga chichirya sa aking gilid. Nasa kalagitnaan na ang movie na pinapanood ko nang mag-vibrate bigla ang phone ko.
Ate Lou:
Happy Birthday! Nagdadalaga na talaga, hmp!
Nanlaki kaagad ang mga mata ko at halos mapatili ako dahil sa nabasa ko. Ate Lou just sent me a message!
Ako:
OMG! Ate, I missed you naaa sobra!
Natatawang sinend ko iyon sakaniya, hindi ko na pinansin ang laptop ko na napaka-ingay dahil sa movie at itinuon ko na lamang ang buong atensyon ko sa aking kachat.
Ate Lou:
Pupuntahan kita kapag hindi ako busy. College life, you know!
I just chuckled and chat with her the whole time. Sobrang dami pa naming napagusapan about life. I even knew that she's hanging out with a guy from her school already. Hanggang sa napagdesisyunan ko nang magpaalam sakaniya dahil kailangan niya na daw magpahinga.
Ate Lou:
Sorry, by. Kailangan ko nang magpahinga. Babawiin ko 'yung tulog ko, haist!
Ako:
It's fine, ate. See you soon. :))
Ate Lou:
Yeah, sure! Basta kapag kailangan mo akong kausapin, gora na agad. Love you!
Napahagikhik na lamang ako at lumabas na sa conversation naming dalawa. Sunod kong binuksan ay ang group chat namin ng mga kaibigan ko.
-Squad-
Ako:
Hey, guys! So tuloy na tayo bukas?
Excited na ako para bukas. Halos mapunit na ang mga labi ko sa kakangiti habang naghihintay ng reply mula sa kanila.
Ulan:
Where?
Zet:
Saan?
Ngumuso na lamang ako at natatawang nagtipa ng irereply sakanila.
Ako:
Swimming ba or padeliver na lang tayo kela Ulan?
Reina:
Hala, sorry! Hindi ako makakasama bukas. Bawi na lang ako after exam. Doon natin i-celebrate 'yung birthday mo.
Animo'y pinagbagsakan ako ng langit at lupa dahil sa itsura ko ngayon. Nanghina ako at napakagat na lamang sa aking pang-ibabang labi. I even tried to compose myself for a second before tapping the keys in my phone.
Ako:
Ah, sige sige. Ok lang! HAHA.
Message lang naman 'yon kaya't madaling ibahin ang nararamdaman. That's the best part of messaging. Sa message, you can fake everything, but in personal? Oh, damn! Only stupids won't notice.
Reina:
Sorry talaga! Celebrate na lang natin after exam.
Mapaklang napatawa na lamang ako at saka tumango nang ilang beses. Ok lang naman 'yon. Kahit nga 'wag na naming i-celebrate, ok lang, eh.
Ako:
Ok lang talaga! HAHAHAHA.
Para saan pa kung ic-celebrate namin 'yon after exam? I mean, anong essence no'n? Pero naiintindihan ko sila. Their parents won't allow them tomorrow dahil malapit na ang exam namin. Well, it's really fine. I just shrugged my shoulders and activated the 'Mute' selection in my phone. Naka-activate na din ang 'do not disturb' mode dito dahil may mga gagawin pa ako.
I stood up and went to my closet area. Pumili ako ng susuotin ko bukas kapag nagsimba kami. Pagkatapos kong mamili ay bumaba muna ako at nagtimpla ng gatas. I brought it in my room and placed it on my side cabinet.
Humiga ako sa aking kama at binuksan ko ulit ang phone ko. I can't receive any messages right now dahil lahat ng kachat ko ay naka-'ignore messages' sa akin. Well, palagi naman. Nakasanayan ko na 'yon, after all.
Binuksan ko kaagad ang Beauty MNL na app at naghanap ng acne patch dahil kakailanganin ko na naman 'to lalo na't nalalapit nang muli ang aming examination week. I started breaking out when I didn't get enough sleep for a week before our last examination week. Noong first quarter 'yon.
Aside from the acne patch, naghanap din ako ng mga cosmetic products kasi naisip kong simulan na ulit ang pagaalaga sa aking balat kapag nag-Christmas Break na kami. Alam kong may 2 months pa kami before that break, pero mas maiging maghanap na ako ngayon ng mga products para ma-budget ko na.
Napakunot ang noo ko nang tumigil bigla ang phone ko. What the eff?! Seriously? Napairap na lamang ako sa hangin at padabog na inalis ko ang sounds mula sa laptop na katabi ko lamang.
BumCalling..
I suddenly dropped my jaw with my eyes enlarged. Sino 'tong 'Bum'? Kunot-noong sinagot ko na lamang ito.
"Hello?" marahan kong pagbati sa tao mula sa kabilang linya. Napangiwi na lamang ako dahil tanging paghinga niya lamang ang aking naririnig.
"Speak up." I rolled my eyes when the person from the other line stayed silent. "If you still don't speak, I'll hang up." pagbabanta ko rito ngunit hindi pa din ito nagpatinag. Sa halip, mas nanatili itong tahimik.
Dahil sa inis ko ay ie-end ko na sana ang call ngunit kaagad akong nanghina kasabay nang pagtulo ng mga luha ko nang marinig ko ang boses na matagal ko nang binaon sa limot. His voice.
[A dangerous plan, just this time. A stranger's hand, clutched in mine. I'll take this chance, so call me blind. I've been waiting all my life.
Please don't scar this young heart. Just take my hand.~~]
He started singing the first verse of the song. 'Please don't scar this young heart.' Kalokohan! Mapaklang tumawa na lamang ako habang pinapakinggan ang pagkanta niya. I raised my both knees and bowed my head on it.
[I was made for loving you. Even though we may be hopeless hearts just passing through.
Every bone screaming (I don't know what we should do). All I know is, darling, I was made for loving you.~~]
Bahagyang napabulong na lamang ako sa hangin at dinama ang napakalamig niyang boses.
"Liar." bulong ko rito. Naramdaman ko ang pagtahimik niya mula sa kabilang linya kasabay nang pagpipigil ko sa aking paghikbi.
[I want us to talk.] napailing na lamang ako dahil sa sinabi niya.
"Talk to yourself." inis kong tugon sakaniya.
[Please, Makayla?] hindi ko na napigilan ang paghikbi ko pati ang mga luha ko dahil sa sinabi niya. Ang sakit. Ang sakit marinig ang pagmamakaawa mula sa taong minahal mo noon.
"When I begged for you to stay back then, what did you do?" I bitterly chuckled while biting my lips. I heard his heavy breathing kaya't naipikit ko nang mariin ang mga mata ko.
[I tried to stay, Makayla. Belie—] I weakly laughed while holding back my tears.
"Don't ask me to believe you, coward!" hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasigawan ko na siya. Ngunit ang galit na nabuo sa aking sistema ay kaagad na napalitan nang panghihina nang mahimigan ko ang pagkabasag ng kaniyang boses.
[Meet me tomorrow, I'll explain everything to you. I'm sorry, baby. I'm sorry. Happy birthday.....] akala ko ay iyon na 'yon, ngunit mas nanghina ako nang dagdagan niya pa ang sinabi niya. [...bum.] akala ko ay ako pa ang magbababa sa tawag, ngunit napahawak na lamang ako sa aking bibig nang siya na mismo ang nagbaba nito.
"Bum." I unknowingly whispered with my tears falling from every corner of my eyes. I gasped and when out from my room. Mabuti't maayos ang itsura ko noong lumabas ako dahil hindi ko inaasahang nasa salas pala ang mga pinsan ko.
"Happy Birthday, bunso!" natawa na lang ako at tumango sakanila.
"Salamat." ngumisi ako sakanila at saka tumalikod.
"Daddy, anong oras tayo uuwi bukas?" kaagad kong tanong dito nang maabutan ko siya sa kusina.
"Madaling araw. Bakit namamaga ang mga mata mo?" nagtatakang tanong niya. Mabuti't magaling ako sa ganito kaya't nagawa ko siyang mapaniwala sa aking alibi.
"Oh, ghad! Nakakainis 'yong pinanood ko, daddy. Seryoso, parang ewan 'yong dulo! Nakakaiyak, hmp!" I even pouted to make it realistic. Good thing, he easily believed my excuse kaya't napangisi na lamang ako nang makatalikod na ako sakaniya.
"Matulog ka na dahil maaga pa ang alis natin bukas. Tigilan mo na muna ang kakapanood. Ang pangit mo na." kaagad akong napatigil sa paglalakad at napanganga.
"Daddy!" I hissed. Kaagad akong tumakbo patungo sa kuwarto nila ni mommy nang tumawa lang si daddy.
"Mommy, pangit daw ako sabi ni daddy. Argh!" inis kong pagsusumbong dito ngunit tinawanan lamang ako nito.
"Alright! Matutulog na po ako sa room ko, goodnight." I kissed her cheeks and went to my room. They're— aish! Nevermind.
"Tomorrow's your birthday, sweetie! Sleep tight for now."
Boring day will be tomorrow, ghad!
*****