Kabanata 63
"Goodmorning!" napaigtad kaagad ako nang maramdaman ko ang paglubog ng kama sa aking tagiliran.
"Argh! Let me sleep." mahinang pag-angal ko rito. Halos mapangiwi ako nang marinig ko ang tawanan sa aking paligid.
"Gising na!" natatawang nilamutak ko na lang ang aking mukha at padabog na bumangon mula sa kama.
"Ano?" sinamaan ko ng tingin ang mga pinsan ko at pinagbabato ko sa kanila ang mga unan na nakakapa ko.
"Stop, Makayla. Aish!" ilag lang sila nang ilag habang ako naman ay tuwang-tuwa dahil sa mga itsura nila.
"My rule." sambit ko sa mga ito. Kaagad naman silang napa-irap sa hangin at sabay-sabay na nagkatinginan.
I just raised my right brow at them with a playful smile. Sunod-sunod silang bumaling ng tingin sa akin at nakasimangot na sumagot.
"Makayla's rule number 1," panimula ni ate Sep. "Never disturb her sleep." sabay-sabay nilang sambit na animo'y tumutula.
Ang kaninang mapaglarong ngiti ko ay kaagad na napalitan nang mas malawak na ngiti. A victory smile. I just smirked when I heard them murmuring.
"Happy birthday!" bigla naman akong napangiti nang seryoso noong bumati silang lahat nang sabay-sabay. Araw ko pala ngayon.
"Thank you." I just smiled at them and went out from my room.
"Mommy, daddy!" I called them out.
"Uuwi na tayo, mag-ayos ka na." napanganga na lang ako dahil naunahan na kaagad ako ni mommy.
"Sabi ko nga po." bulong ko. Tumalikod na ako at dumiretso na sa banyo upang mag-ayos. Nang makapag-gayak na ako ay saktong ako na lang pala ang hinihintay nila daddy sa salas.
"Tara na." tumayo na sila ni mommy at nauna nang maglakad palabas si daddy habang bitbit ang mga gamit namin. That's my dad!
I opened my phone right away nang makaupo na kami sa bus. I wore my earphones and played a music. Nang buksan ko ang aking messenger ay marami nang chat ang 'di ko pa nababasa. Ang aga pa, ah? Nang mabuksan ko na lahat 'yon ay iisa lamang ang laman ng mga iyon. They were all greeting me a 'happy birthday'.
Nathalie:
Makayla, what time tayo aalis?
Ay, oo nga pala! Dahil hindi puwede lumabas ngayon ang mga kaibigan ko ay si Nathalie na muna ang niyaya ko. Napagdeisyunan ko kasi na ngayon na bumawi sakaniya. At least, my birthday will be more special today. Boring, eh.
Ako:
After namin magsimba. Chat na lang kita. :>>
Nathalie:
Ok, ok. Happy birthday nga pala. :))
Napangiti na lamang ako at nagpasalamat sa kaniya bago ko isinara ang aking cellphone.
Pumikit ako at sumandal sa bintana. Dinama ko ang bawat kataga at linya mula sa kantang pinapakinggan ko.
Hey, crush. Bakit di ka maharap,
Pinangungunahan ng kaba at ng red flush.
Hey, Crush. 'Wag ka sanang maharas
Kung patagong kang mahalin ng wagas.
Isang araw ay naglakas ng loob, ~~
Natawa na lang ako nang maalala ko 'yong unang beses na sana'y lalapitan ko siya. Ayon din ang unang beses na nakatabi ko siya sa upuan at hanggang ngayo'y kinikilig ako kapag naaalala ko 'yon.
Dalang Rosas sayo'y inabot.
Kamay nagdaplis, puso'y kay bilis.
Parang ayaw nang umalis sa tabi mo magandang miss. ~~
Bahagya akong napatawa nang malakas dahil sa huling kataga. 'Magandang miss'. Mabuti na lamang at tulog na sila mommy. Kuya Jace is the guy, pero mas babae pa 'yon kaysa sa akin.
Ghad! Naalala ko tuloy 'yong kinuwento sa akin ng isa kong kaibigan. Pagbaba niya daw kasi sa hagdan ay nakasalubong niya si kuya Jace na bigla na lang daw sumigaw ng 'Ang gwapo, shet!' Damn! Natatawa ako.
Oh, please di ko matiis
na sabihin sayong akin ka, sayo ako.
Hey, crush. May pag asa ba tayo, ~~
Bahagya akong natigilan kasabay nang aking pag-ngisi dahil sa liriko. Para sa akin, kaniya na ako. I mean, 'yung puso ko ay kaniya na talaga. Pero, siya? Sobrang labo. Napaka-imposibleng maging akin siya. Pagasa? Wala yata.
Hindi ko na namalayang sa kakaisip ay nakatulog na pala ako. Napamulat na lamang ako nang maramdaman ko ang pag-uga sa akin ng isang kamay.
"Hmm." kinusot ko ang mga mata ko at tumingin kay mommy.
"Bababa na tayo." I just smiled at her. Sumunod na kaagad kaming dalawa kay daddy na bumababa na sa bus.
Dumiretso kami ni mommy sa simbahan, si daddy naman ay dumiretso sa bahay upang i-uwi ang mga bitbit namin mula sa Batangas.
Pagkadating namin ni mommy sa simbahan ay nakita ko na kaagad ang mga pamangkin ko kasama ang isa pa nilang lola.
"Mare!" nagbeso-beso si mommy pati ang kaniyang biyenan. Ngumiti na lamang ako sa kanila bago ko nilapitan 'yung mga bata.
"Hey, Harvey!" nakangiting lumuhod ako upang mapantayan siya. Siya ang pinakabata sa kanilang tatlo.
Binuhat ko na siya at dumiretso na kami nila mommy papasok sa simbahan. Hindi din naman kami nagtagal doon dahil wala daw misa ngayon. Ah, may binyagan pala.
"Bakit umuwi kaagad si tita Tere, ma?" tanong ko sakaniya habang inaalalayan ko sa pagbaba si Harvey.
"Naghihintay daw sa kaniya 'yung mga apo niya sa bahay. Wala daw nag-aalaga." tumango na lamang ako sakaniya at nagchat na ako kay Nathalie.
Ako:
Punta ka na. Sa Jollibee ka na dumiretso, doon sa baba nang malaking simbahan.
Akala ko ay hindi siya makakapagreply kaagad dahil naka-inactive siya sa akin ngunit napangiti na lamang ako nang may reply na agad akong natanggap.
Nathalie:
Oo, sige. Palabas na ako. :>>
Ako:
Sige, ingat ka.
Um-order na si mommy ng pagkain habang kami naman ay nakaupo lamang sa isang mesa at naghihintay sa mga pagkain.
Ilang minuto din kaming naghintay doon at ilang minuto din akong naging babysitter ng mga pamangkin ko. Ang lilikot!
Nathalie:
Nasa loob ka ba? Nandito na ako.
Kaagad kong nabasa ang chat niya dahil naka-open naman ang chatbox naming dalawa.
Ako:
Oo, nasa b****a.
Pagkababa ko sa aking cellphone ay kaagad akong umayos ng upo at kumaway sa labas. Para siyang kawayan na mababali na dahil sa kakakaway. Kahit natatawa ay nagawa ko pa din syang ngitian nang maayos.
"Upo ka muna." hinila ko ang isang upuan na nasa tapat ng akin. Doon ko na siya pinaupo dahil sa tabi ko nakaupo ang pamangkin ko.
"Happy birthday." mahinhin niyang pagbati kaya't tumango na lang ako at ngumiti.
"Nagyaya kasi kumain 'yung mga bata. After natin kumain saka na lang tayo dumiretso sa mall." agad kong pagpapaliwanag sakaniya. Tumango na lang siya. Wala pang ilang oras ay naging malapit na siya sa mga pamangkin ko. She was playing with Harvey when my mom arrived.
"Lipat tayo doon para mas malaki." lumipat na kami doon sa sofa-styled seats.
"Ang dami." nakangiwi kong sambit habang pinagmamasdan ang mga inorder niya. Kakain pa kami mamaya sa mall, eh! Aish.
"Diet ka?" natatawang sambit ni mommy kaya't napanguso ako.
"Nathalie, kain ka na din." inabot sakaniya ni mommy 'yung isang pagkain na kaagad naman nitong tinanggap habang nakangiti.
"Salamat po."
Kumain na lamang kami at nagkuwentuhan habang ang mga bata ay nagkukulitan lamang sa aming tabi.
I hope this day won't be boring.
****