I took a quick shower paguwi namin sa condo ko. They were busy preparing the liquors on the table kaya nag-ayos na lang ako ng aking sarili. I sent a message kay Josh, nakasanayan ko nang gawin yon parati.
"Ano 'yan?" takang tanong ko nang bumungad sakin ang busangot na mukha ni Kezaiah.
Ini-straight ni Lexi 'yong hawak nya. "Broken." she pointed at Kezaiah.
"Tangina, bakit di ako naging sapat?" she chuckled pero andon 'yong sakit. I'm not in her situation pero nakaramdam ako ng bigat sa dibdib ko.
"Kalma..." hinagod ni Ish 'yong likod nya, patuloy pa rin sa pagrarant si Kezaiah.
"Nagbago naman ako... inayos ko naman ang sarili ko ah?" punong-puno ng sakit 'yong tinig nya. Tila ba'y puro sakit lang ang nararamdaman nya sa mga oras na 'to.
"Kelan pa?" Yanzy asked, her brows were furrowed. "Bat di mo agad sinabi samin?"
Umiling agad si Kezaiah, her lips parted na para bang may gustong sabihin ngunit di nya mabigkas. "I... I didn't know where to start." mariin na nagdikit ang mga labi nya, halatang pinipigilan ang pagbagsak ng mga luha.
Wala sa plano kong uminom ngayon, but seeing her like this sucks. Sa bawat katagang binibitawan nya nahahalata kong napakarami nyang gustong sabihin ngunit hindi nya magawa dahil 'di nya rin yon alam sa sarili nya. Ayokong dumaan sa ganon... natatakot ako dahil baka hindi ko kayanin. Internal pain is dangerous, mas malala yon.
I took a bottle of vodka from the fridge, maingat kong isinampa ang sarili ko sa sink habang nakatukod ang isang kamao ko sa countertop. My eyes were locked at Kezaiah, tila ba'y umaalon ang paningin ko at ang tanging nakikita ko lang ay ang panginginig ni Kezaiah.
She was able to hide that pain from us. Nagmall kami kanina and she seems so fine, 'di manlang kami aware na may ganon syang pinagdadaanan.
"Release them." I broke the silence, walang nagsasalita dahil lahat ay nakatitig lang sakanya. "Ilabas mo yong sakit, wag mong pigilan. Scream if you want, just don't stop them...don't stop your emotions from going out."
She weakly wiped her tears, she was about to take a shot kaso hinablot 'yon ni Yanzy mula sakanya at sya na ang uminom.
"Huwag ka ng uminom, paggising mo bukas masakit yang ulo mo." she rolled her eyes. "Masakit na nga dibdib mo, pasasakitin mo pa ulo mo... sana nagsuicide ka na lang."
"Potch—" tumama sa ulo ni Yanzy 'yong unan na ibinato ni Lexi. "Broken yan!"
"Mga sira!" bahagyang tumawa si Kezaiah kaso halatang 'di totoo yong saya nya.
"Pero seryoso, tama si Makayla... release the pain. Pwede kang umiyak kung gusto mo, isigaw mo lahat. Magbasag ka ng pinggan kung gusto mo." anito ni Jana, she shrugged. "Kaso papalitan mo yong mga nabasag mo." she joked, natawa na lang kami.
"Idea mo yon, ikaw magbayad aba." tugon ni Ish sakanya.
Jana chuckled. "Wag na magbayad."
"Mga abno, psh!" I laughed. Bumaling ako kay Kezaiah na nakatulala na lang. "Yong pain na hindi nailalabas parang internal bleeding lang....mas delikado."
Umayos ng upo si Kez, she's staring at the liquor on the table. "Nakakatanga masaktan noh? Minsan okay ka... minsan hindi. May times na masaya ka, may times na malungkot ka." she lifted her gaze at us. "Naranasan nyo na ba yon?"
I chuckled, healing is messy. "Hindi ka naman talaga sumasaya habang andyan 'yong pain. Nadedestruct ka lang mula sa lungkot. Think of an anesthesia as a destruction, hindi mo mararamdaman 'yong pain while it's working on you... but once na mawala 'yong destruction na 'yon, mararamdaman mo na ulit yong pain and this time mas malala na."
"Napagdaanan mo na?" baling sakin ni Lexi.
I smirked, bumaba ako mula sa sink. "Hindi pa. Wala akong balak na dumaan sa ganyan, wag sana maligaw." I laughed.
"The eff? Pano 'yon?" tumatawang tanong ni Ish, nagbikit-balikat na lang ako habang natatawa.
"Sinaktan nya ako..." bumalik 'yong mga luha ni Kezaiah sa pag-agos. "Pero umaasa pa rin ako na babalik sya." pahina ng pahina ang boses nya, doon pa lang sigurado na akong sobra 'yong sakit na dinadanas nya ngayon.
"You can give another chance to the same person who gave you pain, but make sure that you won't give him the same person na sinaktan nya. If you give him another chance, dapat ibang tao ka na. Use that pain as a lesson." I shrugged. "Giving another chance doesn't mean you'll give someone the same person you were before.... or else, bibigyan ka nyan ng same pain."
I saw how her hands trembled, pulang-pula rin ang mga mata nya. "Natatakot ako.... natatakot ako na baka kapag nagbago ako, iwanan nya ako. Nasanay sya sa kung sino ako dati eh, if I change then—"
Lexi cutted her off, inilapag nya sa mesa 'yong hawak nyang shotglass. "He left the person you were before. Ganon ba 'yong gusto mong mangyari ulit ngayon? You need to fix yourself, pull out the real you... If you will give him the same person you were before, iiwanan ka lang ulit non."
"You ever felt like.... parang may nakabara sa lalamunan mo? Yong dibdib mo parang tinutusok ng karayom? Sobrang sakit... you'll feel so dead kahit buhay ka naman?" Kezaiah seems so miserable, para bang gulong-g**o na rin sya.
"Dahil sa pain." maikling anito ni Ish.
I checked my phone nong umilaw 'yon, nagchat si Josh. I was about to excuse myself for awhile kaso nong nakita ko 'yong chat nya ay halos manghina ako.
Josh: Goodnight baby! Iloveyou.
Ayon lang ang sinabi nya, he didn't even ask me how's my day. He's really off, 'di nya rin ako masyado kinakausap nitong mga nagdaan. Fck it!
They were still talking when I stood up, dumiretso ako sa kwarto ko para magpahinga. I wanna know kung bakit nagkakaganito si Josh, he's not like this. Gusto nya naguusap pa rin kami kahit saglit bago matulog, hindi 'yon basta-basta nago-goodnight.
Ako: Usap muna?
It took him a lot of time bago magreply. Why is he being like this? Nagaalala ako, geez!
Josh: Sige po.
He's cold. He usually replies 'gusto akong makausap ng baby ko', 'miss na ako ng baby ko', 'okay po iloveyou!'.
Sobrang bigat ng pakiramdam ko, 'di ko mawari kung anong sasabihin ko sakanya. Sa huli ay tinapos ko na lang din ang usapan namin.
Ako: I'm sleepy na... lambing muna pleaaase?
Josh: Matulog ka na HAHA lalambing pa eh, di ko na alam sasabihin ko paulit-ulit lang naman.
I felt my eyes heating up, anytime ay tutulo na 'yong mga luha ko. He's changing... Sobrang sakit nong part na nagbago na sya at wala akong kaalam-alam sa rason nya.
Ako: Goodnight! Iloveyou po.
He just reacted heart on my chat, I waited for almost half an hour...baka sakaling magreply pa sya but he didn't.
I wasn't able to sleep properly, ilang oras na akong paikot-ikot sa higaan ko. Gulong-g**o 'yong isipan ko, gusto kong malaman kung bakit sya nagkakaganon.
Kinukusot ko ang mga mata ko habang palabas ako sa kwarto, sandali akong natigilan nong may naamoy akong pagkain.
"Kain na, Kayls!" bungad nila Lexi.
"Aga nyong nagising." kumunot ang noo ko. "Wala kayong hangover? Si Kez, nasan?"
"Natutulog, di agad nakatulog yon kagabi eh... broken talaga." Jana shook her head. "Walang hangover ka dyan, ayan mga soup oh." she pouted at cups.
I shook my head in disbelief. "Di naman kasi broken umiinom pa... anong trip nyo?" I hissed.
"Wala naman." they chuckled. "Kain na!" bumaling ako sa wall clock, 9:36 am na pala.
"Di ako makakasabay, may pupuntahan ako eh." I shrugged. "Kayo na muna bahala rito sa condo."
Lakad-takbong tinungo ko ang cr, they were shouting my name repeatedly pero binalewala ko na 'yon. I took a warm bath dahil maulan 'yong panahon ngayon. I finished my routine bago ako nagbihis. Nagsend ako ng chat kay Josh para alam nyang papunta na ako don, he's online pero 'di nya ako nireplyan.
"Di ka na ba kakain?" tanong ni Ish nang makalabas ako. "Hindi ka rin kumain kag—"
"Baka late na ako makauwi ha? Love yah! Una na ako." dire-diretso akong naglakad palabas, narinig ko pa 'yong mga bilin nila sakin na tinanguan ko na lang.
Madali akong nakarating sa condo ni Josh, kumunot ang noo ko nang buksan nya ang pinto na 'tila ba'y wala pa sa mood.
"Goodmorning." I gave him a hug, tinapik nya lang ang likuran ko. "Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ko.
"Uh.." he nodded.
I bubbled my cheeks, pinagmasdan ko lang sya. I flinched when he grabbed me and wrapped his hands around my waist. Sobrang higpit ng yakap nya sakin, pilit nyang isinisiksik sakin ang ulo nya na para bang baby.
"Josh..."
"Shh..." he hushed me. "Let's stay like this for a while." his soft voice uttered.
My heart pounds heavily, punong-puno ng saya at pagmamahal ang nararamdaman ko mula sa yakap ni Josh. Para bang takot na takot syang mawala ako, mabigat ang bawat paghinga nya. Ramdam ko yon dahil sa higpit ng yakap nya sakin, his breath touches my skin as he released it. My fingers started stroking his messy hair, ang isang kamay ko ay marahang humahagod sa likuran nya.
"I love you." he huskily said. "Sobrang saya ko sayo, kahit 'di pa ako ready sa relationship andyan ka para tulungan akong mag-grow as a person. You brought out the man in me, ayokong mawala ka sakin. Andami kong pagkukulang sayo pero 'di mo 'yon hinanap sa iba, tuwing may mali ako andyan ka para itama ako. Thank you.... Thank you so much kasi akin ka. Wag ka ng mawawala sakin ha....'di ko kaya yon." lalong humigpit ang yakap nya sakin, I felt a warm liquid on my shoulder.
I planted a soft kiss on his right cheek, bahagya akong lumayo para punasan 'yong luha nya. My baby's crying...
I chuckled. "Sino bang nagsabi na mawawala ako sayo? Never akong mawawala sayo... unless kung ikaw yong mang-iiwan?" I glared at him. "Iiwan mo ba ako?"
It took him a second before he could even reply. "Hindi..." he shook his head, tumayo na sya. "Prepare ko lang foods natin, di ka pa ata kumakain." he walked away.
Pinagmasdan ko lang syang maglakad palayo, andaming katanungan sa isipan ko sa mga oras na 'to. Hinilot ko ang sentido ko nang bahagyang sumakit 'yon, I was about to stand up kaso tumunog 'yong phone sa gilid ko. It's his phone. I took his phone, nagscroll ako sa photos nya para tignan 'yong mga pictures namin.
I was smiling the whole time I scrolled through his phone, but that happiness suddenly fade away when something popped up on his screen. My hands trembled, halos mabitawan ko 'yong phone nya. Mabilisan kong iniscroll 'yon, napatigil lang ako nong tinawag nya na ako. I composed myself, acting as if I didn't see anything.
"Kakain na po..." he pouted. Tumalikod sya, he took a water from the fridge.
Umiinit na ang mga mata ko, I don't know what to do. All I know is I want to hug him kaya't lumapit ako sakanya. I wrapped my hands around his hips, hugging him from behind. Hinayaan kong nakasandal 'yong ulo ko sa likuran nya, amoy na amoy ko 'yong manly scent nya.
"I love you. I never wanted a life without you... please remember that." may nakatakas na luha sa mga mata ko na agad kong napunasan bago pa 'man sya makaharap sakin.
Living without him was never part of my plans....
******