Kabanata 40

1742 Words
"Okay ka lang, boo?" he asked. I nodded, kumunot ang noo ko. "Oo naman." nagpatuloy lang ako sa pagtapos ng kinakain ko. Ibinaba nya 'yong kubyertos sa plato nya, tapos na pala syang kumain. "Kanina ka pang tahimik. Boo, anong problema? Meron ba?" nahimigan ko ang pag-aalala mula sa kanya, para akong binuhusan ng malamig na tubig at natauhan na lag ako. "Meron nga ba?" I asked, clicking my tongue to prevent my voice from cracking. "Boo..." he uttered, tila ba'y di nya alam ang sinasabi ko. I shook my head, tapos na akong kumain. "Iiwan mo ba ako? Araw-araw tayong nagaaway saka nagkakaron ng mga tampuhan, magsasawa ka ba? Masaya ka pa ba sakin? Will... will you ever let me go?" sunod-sunod kong tanong. I just want an assurance from him. "Hindi, boo. Normal naman 'yong mga tampuhan saka away sa relasyon, 'di kita iiwan kahit kelan. Mas pipiliin kong ayusin nating dalawa 'yon kesa tapusin 'to." he heaved a sigh. "Nagooverthink ka nanaman ba? Masaya ako sayo, boo... sobra! Never kitang pakakawalan, akin ka lang kaya." he pinched my nose. "Sure?" I asked. "Sure na sure, baby..." he stood up, lumapit sya ng bahagya para halikan ako sa noo. He took our plates patungo sa sink. I watched him do the dishes, napatigil sya nong tumunog ang phone nya. He answered the call, kunot-noo syang sumulyap sakin at inangat ang kamay nya. Lumayo sya sakin to take the call, 'di ko maintindihan kung bakit kumabog ang dibdib ko. Hanggang ngayo'y hindi mawala-wala sa isipan ko 'yong nakita ko sa phone nya. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko, para bang gusto ko syang kausapin tungkol don pero mas pinili kong hintayin sya na magkusang iopen up sakin 'yon. I stood up, tinapos ko na 'yong paghuhugas sa mga pinagkainan namin dahil 'di nya pa tapos 'yon. Pagtapos ko'y naupo muna ako sa sofa. It took him a lot of time bago kunot-noong bumalik sa pwesto namin. He was off the whole time since he came back from the phone call. May mali talaga! I was about to open my mouth and talk about the stuff I saw on his phone earlier kaso nauna syang magsalita. He took my arm and grabbed me closer to him. "What if mawala ako?" he asked. Sumakit 'yong dibdib ko sa tanong nyang 'yon, 'di ko kaya 'yon. "I'll find you." I uttered. He shook his head, pumulupot ang braso nya sa bewang ko. "Pano pag nagbreak tayo?" he asked. At that moment I realized na meron talagang mali. "We'll start again....baka maling panahon lang para satin kaya tayo nagbreak, pag tamang panahon na saka ulit tayo magsisimula." I lifted my gaze at him. Kitang-kita ko 'yong lungkot sa mga mata nya na agad namang naglaho nang magsalubong ang paningin naming dalawa. "What if I hurt you....before the breakup?" I heaved a sigh, 'di ko na kinakaya ang mga tanong nya. Bahagya akong lumayo sakanya, I wrapped my legs around his hips. I rested my arms around his neck habang nakasandal lang sya sa sofa. I met his gaze. "Whatever happens in the future... or maybe in the next day, lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Hurt me if that will make you decide easier, leave me if you need to, break me if it completes you... but when everything's fine again... when you wanna fight a battle with me again, don't ever hesitate to come back to me. Balik ka sakin... I'll always be waiting for you." marahang bumagsak ang noo ko sa noo nya, I closed my eyes when I felt the pain as I uttered those words. Days have passed at hindi kami nagkakasalubong sa paguusap ni Josh. Sobrang busy nya na! Hanggang ngayo'y malinaw na malinaw sa isipan ko 'yong mga nangyari sa condo nya. Mabigat pa rin ang dibdib ko pero binabalewala ko na lang dahil may tiwala ako sakanya. My phone beeped, bumungad sakin 'yong message ni Josh na magusap daw kami. I don't know why I felt a sudden nervousness. I fixed myself as I checked the time, it's already 8:46pm. I went to his condo, madilim ang silid nang pumasok ako. My lips parted when I saw scattered roses on the floor, tila ba'y path na nagtuturo kung saan ako dapat pumunta. Sinundan ko lang 'yon, kumakabog na ang dibdib ko sa pinaghalo-halong emosyon. Andon 'yong kaba, tuwa, kilig, sabik. Dumiretso 'yon sa terrace, I gasped as soon as my eyes caught a table na biglang nagsindi ng ilaw mula don sa vase na may bulaklak. Romantic! Biglang nagplay 'yong music sa paligid ko, Together 'yong kanta. Since the day that we met girl I never had anyone make me feel this way And my heart is sure it wants to be with you Wanna give you the whole world If you make the promise to me, You're gonna stay Without you guiding me, I'm lost and so confused Inilibot ko ang paningin ko, namamangha ako sa sobrang ganda ng setup. Halatang pinaghandaan talaga, may mga polaroid pictures na nakasabit, dahan-dahan kong pinasadahan ng tingin bawat litrato na nandon. I chuckled when I saw our very first picture together, sa Mcdo 'yon! The night when he asked me out para lang kumain. May mga pictures din ako don na nakasimangot saka natutulog, may stolen picture ako nong kumakanta ako sa gilid ng bonfire. Karamihan sa mga pictures na nandon ay litrato ko, sa ibabaw naman ay puro pictures naming dalawa. What will it take to show you I'll be by your side Girl I got you and I want to give you what you never had Girl everyday I hope to make you part of my life Cause you know me and I know you Girl your love is where it's at Ohhh... My tears fell nong napagmasdan ko ng maayos bawat pictures namin. Merong picture na nakahoodie kami parehas tapos nakasakay ako sa likuran nya habang nakaspread 'yong kamay ko, nakabend sya ng onti habang nakaturo sakin. Nandon din 'yong picture namin nong nag-out of town kami one time. Pangatlong anniversary namin 'yon! May pictures din kaming dalawa don na nagpapahiran ng icing, pang-anim na anniversary 'yon! Simple lang namin cinelebrate 'yon kasi busy kami parehas pero sobrang worth it nong araw na 'yon! I'm gonna be the love that's gonna last And be the one that got your back Ain't nothing ever that bad that we won't be together And though we both made our mistakes And some we never wish we made But we'll be okay if we just stay together I was so mesmerized with the setup. Napaigtad na lang ako nang maramdaman ko ang kamay na tumakip sa mga mata ko. I smiled, I know it's him. "Josh..." I uttered. Dahan-dahan nyang inalis ang kamay nya sa mga mata ko. "I love you." he softly whispered at me. Iginiya nya ako sa upuan na napapalibutan ng mga petals, he sat in front of me. I pouted to prevent myself from smiling from ear to ear. "Trip mo?" I bubbled my cheeks. He shrugged, tinitigan nya ako. "Gusto ko lang ibigay sayo 'yong deserve mo... I want to set something special for my special girl... for the best girl in my life." Kung sa iba ko siguro narinig 'yon ay mac-cringe ako, pero dahil sakanya nanggaling 'yon ay wala akong ibang naramdaman bukod sa saya at kilig. He really knows how to make me feel so special and worth it. "Ang ganda..." pansin ko sa paligid namin. "Who helped you?" He scratched his neck, namumula pa sya. "A-Ako lang..." I pinched his cheeks, adorable! "Cute..." I giggled. "Thank you, baby..." I planted a soft kiss on his lips. Sya 'yong naglagay ng mga pagkain ko sa harap ko. We started eating, humina na 'yong background music saka naging instrumental na lang 'yon. We were talking about different stuffs, nagkamustahan kami at nagkwentuhan tungkol sa mga ganap namin araw-araw. Bago kami matapos kumain ay napansin kong pabaling-baling na ang tingin nya sa orasan nya, tila ba'y hindi mapakali. I gulped, nandito nanaman 'yong pakiramdam ko na baka may mangyari na hindi maganda. "Boo..." I uttered. Tapos na kaming kumain parehas, magkasiklop ang mga kamay nya sa ibabaw ng mesa habang nakatanaw sya sa labas. He heaved a sigh, tumayo sya. Inalalayan nya rin akong tumayo bago nya ko giniya sa may railings. I stayed silent, napakalamig ng gabi na 'to. Parang may bagyong paparating dahil sa direksyon ng hangin, sobrang dilim din ng langit tila ba'y wala ng mga bituin. "Ang ganda ng buwan noh?" I admired the moon, there's something on it. "Makayla..." he uttered. Sobrang lamig ng tinig nya, nagsimula nanamang kumabog ang dibdib ko. I tried to lessen the tension of our atmosphere. "Naalala mo ba 'yong pinakaunang gabi na niyaya mo akong kumain sa labas?" I chuckled. "Oo naman, 'di ko makakalimutan 'yon kahit kelan." he chuckled. "Kulit natin parehas noh?" I laughed. "Same vibes..." hinawi ko ang buhok kong tinatangay ng hangin. "Sobra." he crossed his arms, diretso ang tingin nya sa unahan. Pinagmamasdan lang namin ang kagandahan ng paligid namin. "Simple netong condo mo pero ang gaan sa pakiramdam." I bit my lower lip, bumaling ako sakanya. "Hindi masikip tignan." I shrugged. "Pinili ko talaga 'to dahil sayo." he licked his lower lip para mabasa 'yon. "Alam kong ganitong ambiance 'yong gusto mo..." "I know..." I chuckled. "Gusto mo atang dito na ako patirahin ih." He chuckled, itinukod nya ang magkabilang kamay nya sa railings. "Kung pede lang eh..." Sinubukan kong sumingit sa pagitan ng mga kamay nya, I stood in front of him kaya't para syang nakayakap sakin. Naramdaman kong bumigat ang paghinga nya, he wasn't able to control himself kaya't sa huli'y ipinulupot nya ang mga braso nya sa bewang ko. Ramdam na ramdam ko ang mainit na hangin na lumalabas mula sakanya na dumadampi sa balat ko. He rested his head on my shoulder, nanatili sya sa ganong pwesto for like...5 minutes? I don't know, pero matagal syang nakayakap sakin. Humiwalay na sya, I faced him right away. Kumunot ang noo ko nang mapansin kong may mali sa mga mata nya, kumikinang 'yon na tila ba'y dulot ng buwan. I chased my breathing, para akong kinakapos sa hangin. "Boo..." I tried to hold him pero lumayo sya. My brows furrowed, pakiramdam ko'y may tumusok sa dibdib ko. "Makayla..." he uttered. "T-Tigil na natin 'to." ******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD