Kabanata 41

1295 Words
"Makayla..." he uttered. "T-Tigil na natin 'to." sobrang lamig ng tinig nya. Parang may bumara sa lalamunan ko, 'di ko alam kung anong sasabihin ko. "Ayoko na..." he shook his head, kunot-noong nakaiwas sakin ang tingin nya. "Pagod na ako." I wasn't able to speak, hinintay ko syang magpaliwanag. Pagod din naman ako.... He gulped. "Pagod na pagod na ako..." he uttered. "When you were away, I cheated on you." he slowly nodded, tila ba'y gusto nya akong kumbinsihin. "I cheated on you, Makayla... sobrang hirap nong wala ka. Para akong nawalan, para akong naligaw..." namumula na ang mga mata nya. "Tangina! Ikaw dapat 'yon eh... ikaw dapat 'yong kasama ko non kaso wala ka!" I started trembling, onti-unti akong nanghihina. Sinubukan kong ibuka ang bibig ko para magsalita ngunit nauna sa pagtulo ang mga luha ko. I trusted you.... "N-No..." I shook my head. "You won't do that. Hindi ka ganon, boo... kilala kita eh." "Makayla, I did!" he yelled at me. Sht! Para akong sinaksak ng pagsigaw nyang 'yon, ang bigat sa pakiramdam. "Josh....bakit?" my tears rolled down. "A-Akala ko ba tayo hanggang dulo? Akala ko ba....walang iwanan?" "Alam kong pagod ka na rin, magpahinga ka na... I'm breaking up with you...." he stated, nahimigan ko ang sakit mula sa boses nya. Pilit akong umiiling, he's lying! "No... we're not breaking up." I convinced him. "Hanggang dulo..." he chuckled, nodding. "Tangina! Ito na 'yong dulo, Makayla." his eyes were burning in anger. Fck it! Ako dapat 'yong galit diba? Ako dapat 'yong gumagawa nito kasi pagod na pagod din naman ako... "Pagod din naman ako, Josh..." my voice cracked. "Pagod na pagod din naman ako pero kahit kelan hindi ko naisipang iwanan ka." I gulped. "Masaya ka pa ba?" he asked, nagsimula na rin manginig ang tinig nya. "Masaya ka pa ba sa relasyon na 'to? Kasi ako hindi na... hindi na ako masaya sayo. Gusto ko ng makalaya mula sayo, gusto ko ng oras para sa sarili ko." "Wasn't I giving you enough time?" humina ang boses ko, 'di ko na kayang magsalita ng maayos dahil punong-puno ako ng sakit at bigat sa mga oras na 'to. He shook his head, nakatungo lang sya. When he lifted his gaze at me wala na don ang pagmamahal, wala akong makitang kahit na anong emosyon mula sa mga mata nya. Sobrang lamig.... "Ayoko na, Makayla. Itigil na natin 'to... wala na 'tong patutunguhan pa. Kung susubukan ulit nating ayusin, ganito lang din naman ang kahahantungan nito sa huli..." he uttered. "I want to focus on my dreams." "Without.....me?" I slowly tried to meet his gaze. "You will focus on your dreams without me? Sabay natin tutuparin ang mga pangarap natin diba? 'Yong mga plano natin.... sabay natin tutuparin 'yon." "Without you." he coldy gave in, sinalubong nya na ang mga mata ko. "I want a life.... without you." Napaawang ang mga labi ko kasabay ng pagbuhos ng mga luha ko. The cold breeze went to wrap around me, para akong binuhusan ng napakalamig na tubig hanggang sa onti-unti akong maestatwa sa kinatatayuan ko. I want a life.... without you. Tangina! Para akong pinapatay ng paulit-ulit. Gusto ko syang saktan, gusto ko syang sigawan, gusto ko syang gisingin sa mga oras na 'to. "S-Sure ka na ba?" I sniffed. "Tigil na natin 'to." he was so sure to break up with me. Dahan-dahan akong umayos ng tayo, lumapit ako sakanya ng nakangiti kahit tumutulo ang mga luha ko. Punong-puno ng pagtataka ang mga mata nya, maya-maya lang ay napalitan na ulit 'yon ng lamig. I wrapped my hands around his waist, ibinaon ko ang ulo ko sa dibdib nya kasabay ng paghikbi ko. Gusto kong sumigaw. Gusto kong ilabas 'yong sakit na nararamdaman ko pero hinang-hina na ako. "If....that's what you want, I'm letting you g-go." humigpit ang kapit ko sa damit nya. Sobrang sakit! "I love you.... Happy 7th year to us, baby." 7Th year na nauwi sa hiwalayan.... "T-Thank you.... kasi pinaabot mo pa ng pitong taon 'tong relasyon natin. Salamat kasi sobrang ganda ng regalo mo sakin ngayon..." patuloy akong humihikbi sa dibdib nya. "Thank you so much for killing me on the same day as our 7th anniversary." "Kayls..." he tried to pull away pero humiwalay na ako. I gave him a sad smile. "I don't believe you.... you didn't cheated on me." onting-unti na lang ay sasara na ang mga mata ko. "I trust you enough, Josh..." I took my bag, bumaling ulit ako sakanya at marahan kong dinampian ng halik ang pisngi nya patungo sa tip ng ilong nya hanggang sa labi nya. My tears started to flow heavily habang kinakabisado ko ang huling dampi ng mga labi ko sa labi nya. "I love you so much...." I broke the kiss. Tuluyan na akong naglakad palayo sakanya. Mabigat ang bawat hakbang ko, gusto kong bumalik sa harapan nya at magmakaawa na huwag syang makipaghiwalay sakin. Humigpit ang hawak ko sa lace ng bag ko, pinipigilan ko ang sarili ko sa paglingon sakanya. My lips were trembling kasabay ng paghugot ko sa hangin. I feel so fckin' lost.... Lost in the middle of this dark night. "Wake up!" I changed my position in bed, sinubukan kong takpan ng unan ang mukha ko. "Gising na!" patuloy na panggigising sakin ni Lazh. How would I wake up if I didn't even sleep? Sobrang hirap matulog, antok na antok na ang katawan ko pero gising na gising ang diwa ko. Tuwing pumipikit ako ay para akong binabangungot. Nanunumbalik sa isipan ko ang mga oras na masaya pa kami ni Josh. Naalala ko 'yong araw na unang beses kaming lumabas, 'yong araw na nag-away kami, araw na umamin kami sa isa't isa, araw na naging kami, araw na away-bati kami, araw na puro messages and calls nya ang bumubungad sakin paggising ko, araw na iniyakan nya ako, araw na umalis ako, araw na inangkin nya na ako ng buong-buo....hanggang sa araw na binitawan nya na ako. Para akong pinapatay. Hindi ko magawang matulog, hindi rin ako ginaganahang kumain. Natatakot akong buksan ang phone ko dahil baka sa pagbubukas ko non ay wala ang hinihintay ko... wala ang inaasahan ko. I stood up, dumiretso ako sa kusina kung saan nandon si Lazh. Nakatulala lang ako sa kawalan nang magbeep ang phone ko, bedtime mode is off! My boo: Thank you so much sa pagdating mo sa buhay ko, Kayls. Thank you kasi naging parte ako ng buhay mo. Ingat ka palagi, wag magkakasakit ha? I'll miss my baby so much... I'm sorry if I broke you. I love you... 'till we meet again. My lips parted, kumirot nanaman ang dibdib ko. Nanginginig ang mga kamay ko habang nagtitipa ng reply sakanya. Ako: Let's talk please? Bawiin na natin 'yong breakup kagabi... nabigla lang naman tayo diba? Pagod lang tayo boo. Walang susuko, walang mang-iiwan.... My boo: Sorry. "Aaaah!" I screamed in pain, halos maibato ko ang phone ko dahil sa nararamdaman ko. "Tangina...." I lifted my feet on the chair, sinubukan kong ipatong ang dibdib ko don na sobrang bigat dahil baka sakaling gumaan kahit papaano dahil may nakasuportang tuhod ngunit walang epekto. Naramdaman kong niyakap ako ni Lazh mula sa gilid ko, her arms were wrapped around my neck. Napahawak na lang ako sa braso nya at patuloy na umiyak doon. "Lazh...." I cried. "I did everything....I tried to do everything just to keep him...." napailing na lang ako habang patuloy sa paghikbi. "Bakit di ako naging sapat?" halos mahatak ko na sya sa sobrang higpit ng hawak ko sakanya. "Bakit....bakit ganon kadali sakanya yon?" "Shhh....." hinagod nya ang likod ko. "Time will take care of everything.... kaya mo yan." A life without him is a life that I can't live anymore.... *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD