Kabanata 28

1181 Words
It has been months simula nong umalis sila mommy, sobrang hirap kasi hindi ako sanay. Hindi rin naman namin mayadong ramdam 'tong school year na 'to dahil last year na namin 'to bilang junior high schools, napakaraming ginagawa. May schedule din kami ni Josh kung kailan kami sabay pumupunta sa gym, hindi sya pumapayag na pumunta ako don ng mag-isa. "Baby...." Josh uttered. He hugged me from the back. "I love you..." I chuckled. "I love you so much." "Malapit ka ng umalis..." he hugged me tighter, iiyak nanaman 'to. Humarap ako sakanya, I held his face to see him clearly. "Babalik ako, boo." tumamlay ang tingin ko sakanya, ramdam ko 'yong hirap mula sa mga mata nya. "Baby..." I gave him a smack. "Labas tayo next month?" I asked him. "Sure, saan ba?" he pulled away. "Kahit saan..." I shrugged. "Malapit nang matapos ang school year na 'to, maybe we can go out of town for two days?" "Sige." he gave me a smile. Gaya ng napagusapan, we went out of town after a month. Syempre kasama namin ang tropa pati sila kuya. Ang sarap nilang pagmasdan, ang kukulit. I chuckled as I roam around, ang ganda ng view. I heard the camera clicked, Josh took my pictures again. I pouted. "Crush mo nanaman ako, boo." I laughed. "Lagi naman." tumawa din sya. He held my hand as we walked around. "Swimming tayo..." I grinned. He raised his brows. "Hindi na masyadong mainit, sige.. tara." We went back to our room kung saan kami nakacheck-in. Nakahiwalay 'yong boys samin, ibang room ang gamit namin ng girls. I took a very quick shower, just enough to clean myself before I wore a knitted top and shorts. Paglabas ko ay nandon na si Josh, hinihintay ako. He raised his brows when he saw what I'm wearing, simula ulo hanggang paa ay pinagmasdan nya ako. He rolled his eyes. "Tch..." "Epal!" I laughed, tumawa rin sya. Pagkarating namin sa pool area ay nandon na ang tropa, naglalaro sila ng bola. Ang iingay nila, mamimiss ko 'yon. Naramdaman kong umangat ako mula sa lupa, binuhat ako ni Josh. Nanlaki ang mga mata ko nang tumalon sya sa pool kasama ako, langhiya! "Josh!!!" I yelled. Sinamaan ko sya ng tingin, tawa naman ng tawa ang tropa. Sumisid sya, maya-maya pa'y naramdaman kong umangat sya in between my legs. Tuluyan na syang umangat, having me on his shoulders. "Put me down..." utos ko. He just shook his head, lumapit sya sa tropa. Kung ano-anong laro na ang nagawa namin, nangingibabaw sa buong area ang tawanan namin. Sobrang saya nilang kasama. First time namin icecelebrate ni Josh ang monthsary namin kasama ang tropa. After we swim, pumunta na kami sa restaurant na tinext sakin ni kuya. It's almost dinner time. Hawak ni Josh ang kamay ko habang naglalakad kami papasok sa kainan, bumitaw lang sya nang makalapit na kami sa pwesto nila kuya. It took us an hour before we finished eating. Pagtapos ay nagpunta kami sa may malaking space sa labas to build a bonfire. Abala 'yong boys sa pagpapalaki sa apoy habang todo hanap naman kaming mga babae sa kahoy na pwedeng isama don. Nadulas si Zette. "Tanga!" puna ni Janella, tatawa-tawa pa. "Langhiya kayo!" sumama ang tingin samin ni Zette. I chuckled, I offered her a hand... ganon din ang ginawa nila Angel. "Salamat..." Okay na 'yong bonfire, umupo na kaming lahat ng nakapalibot doon. Nasa tapat ko si Josh, kasama nya 'yong boys. Sila Zette ay nag-iihaw ng marshmallow habang nasa gilid ko, 'yong boys naman ay nagsimula nang magkwento tungkol sa high school journey nila. "Nong first year ko talaga sa campus natin, si Warren una kong naging kaibigan eh." panimula ni Dylan. "Tapos pinakilala nya sakin si Makayla dahil sa ML pati ROS. Tapos niyaya ko syang maglaro, don na kami naging close..." he laughed. "Grade 7, crush ni Makayla 'yong kaibigan ko..." tumatawang sambit ni Jed. "Bakit puro ako ang laman ng kwento nyo, huh?" I chuckled as I pouted. "Para naman kasi talaga sayo 'to... aalis ka na after a month." tugon ni Reigne, nakatungo lang sya habang pinagmamasdan ang bonfire. Natigilan ako, naramdaman ko nanaman 'yong bigat sa dibdib. "Babalik ako..." I whispered. Bumalik na ulit sa magandang mood ang paligid, natapos na kaming lahat sa pagkukwento. I stood up, kinuha ko 'yong gitara sa likuran ni kuya. I started strumming. I turned my gaze at Reigne, tinanong ko sakanya kung anong magandang kantahin. Instead of giving a song title, she started singing. Isang ngiti naman, pampabuhay ng araw ko... My eyes widened, sinimulan kong ayusin ang pags-strum para masabayan sya. I bit my lower lip before lifting my gaze at Josh. Nakangiti sya habang nakatitig sakin. I started singing the next line, I raised a brow at him. Isang ngiti na galing sayo ay sumisigla itong puso ko.... Di na hahanap ng iba, ikaw lamang sinta.... Hindi ko na kailangang humanap ng iba, nahanap ko na 'yong taong gusto kong makasama sa habang buhay eh. Sa tuwina ay mamahalin kita, Sa tuwina ay iingatan ka... Mahal ko sya, wala akong ibang gustong gawin kundi ang ingatan sya. He's always part of my prayers, I want him safe everyday at gusto ko rin na parati syang masaya. Damhin mo ang pintig ng puso kong ito.... Hindi ka ipagpapalapit sa mundo, Sa tuwina.... Even if the world goes against us, hindi ko sya ipagpapalit. Who would have ever thought that I'll fall for someone like him? Someone who doesn't even want a commitment before... Oh, itong puso ko ay umiibig dahil sayo, Sa panaginip araw-gabi, Ika'y laging kasama ko.... Di na hahanap ng iba, Ikaw lamang sinta.... Sa tuwina ay mamahalin kita, Sa tuwina ay iingatan ka.... Damhin mo ang pintig ng puso kong ito, Hindi ka ipagpapalapit sa mundo. Di na hahanap ng iba, ikaw lamang sinta..... The corner of my lips curved upwards as I met his gaze, I strummed for the ending before I put the guitar by my side. I mouthed at him. "Di na hahanap ng iba... I love you." I raised a brow, napangiti agad sya. "Babae na 'yong nanghaharana ngayon." pang-aasar ni Jed. "Panira ka, pre!" tumatawang sambit ni Josh. "Inggit ka lang, tsk!" he uttered, nagtawanan agad kami. Lumipas ang mga oras, puro kami tawanan at asaran. Hanggang sa naisipan na naming bumalik sa kwarto para magpahinga, uuwi na kami bukas. I was about to check my wristwatch when I heard a fireworks above, napatingala agad ako. My lips parted when I realized na sila Josh 'yong nagpaputok non. I was about to speak when I suddenly felt a hands wrapping on my waist, it was Josh. He whispered at me. "Happy 1 year and 5 months, baby..." My tears started to fall, umabot kami ng ganon katagal. "Happy 1 year and 5 months..." I bit my lips, pumunta sya sa harapan ko at pinunasan ang pisngi ko. "Still my crybaby...." he heaved a sigh. "I love you so much." he gave me a kiss that lasted for a minute. *******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD