Kabanata 34

1332 Words
"Makayla." pagtawag sakin ni mommy, nagpatuloy lang ako sa pagtytype sa laptop ko. "Makayla." she repeated, I heard her sighed. "Kailan ka uuwi?" she asked, natigilan ako. I shrugged, closing my laptop. "After po siguro ng exam, bakit po?" She nodded, pansin kong may bumabagabag sakanya. "About Josh—" Tumikhim ako, cutting off her words. "Ma, alis po muna ako... may tatapusin lang po ako sa school." I stood up, taking my school blazer. Akmang aalis na sana ako kaso nagsalita ulit sya. "Makayla, kung ano 'man yang problema nyo, pagusapan nyo yan." she adviced, concern was written all over her face. "Gusto mo bang malaman kung bakit may mga relasyon na nasisira?" I gave her a weak smile. "Dahil sa ganitong setup ng relationship?" I asked, guessing. She chuckled, shaking her head. "Dahil mas pinipili nilang sumuko imbis na ayusin ang pagkakamali't pagkukulang ng isa't isa." she stated, nakuha non ang atensyon ko. I sat on the corner of my bed, thinking of any excuse. "I guess it's normal... kapag sobra na 'yong pagod at sakit, wala ka ng ibang magagawa kundi ang sumuko, ma." I clicked my tongue, unsure with what I've said. "Lalo na kung marami na syang binibigay na dahilan sayo para sumuko ka..." She made a face, animo'y nakuha ang pinupunto ko. "Ganon ba? Marami ng dahilan para sumuko... pero nagstay ka." she nodded, chuckling. "Ngayon ka pa ba susuko? Sayo na rin mismo nanggaling, Makayla... maraming dahilan para sumuko pero asan ka ngayon? Nandyan, mahal mo pa rin sya. Nagstay ka kahit napakaraming dahilan na para itigil lahat..." she sighed. "Ma..." I uttered, onti-unti ko ng nakukuha ang pinupunto nya. She smiled at me. "Makayla, bago ka sumuko... isipin mo muna kung bakit ka kumapit ng ganyan katagal sa kabila ng mga dahilan na meron ka to give up. Why did you stay?" she arched her brows, naghahamon. "I.... don't want to see another day na wala ng sya sa buhay ko." I gulped. "M-Mahal ko sya, ma..." I uttered, composing myself to prevent my tears from building up. "Alam ko, Makayla..." she smiled, pero nandon yong pag-aalala nya. "Dumaan din kami sa ganyan ng ate mo." she nodded, kumunot ang noo ko sa pagtataka. "You did?" She raised her brows, nodding at me. "Lahat naman tayo aabot sa ganyang punto, Makayla... iba-ibang panahon nga lang." she shrugged. "Nauna lang ako, sumunod ang ate mo... ngayon, ikaw naman." I sighed, wanting to surrender big time. "Kinaya nyo..." pakiramdam ko'y may bumara sa lalamunan ko. "Kakayanin mo rin, Makayla." she stated, encouraging me. "Hindi lang namin inexpect na ganito kaaga mong haharapin yan... kaya ayaw ng mga kapatid mo na pumasok ka sa relationship eh, kaso wala naman silang magawa kundi suportahan ka na lang kasi dyan ka masaya." I pouted, naalala ko 'yong mga panahon na ayaw nila kuya na magkaron ako ng boyfriend. Samantalang si daddy ay todo suporta pa sakin, baliktad eh. "Ma..." I lifted my gaze at her. "Pwede po bang magcondo na lang ako sa—" "Rizal?" she arched her brows, I nodded out of nervousness. "Sige, ako na ang kukuha ng condo mo don para sure na safe." My eyes widened, hindi ako makapaniwalang pumayag si mommy. "S-Seryoso...ma?" Seryosong tingin ang binaling nya sakin. "Gusto kong matuto kang tumayo sa sarili mong mga paa, hindi habang buhay nandito kami.... alam mo yan, Makayla." tugon nya, bumigat ang dibdib ko. I hate it tuwing umaabot sa ganito ang usapan namin. Hindi ko pa kayang isipin sa ngayon na balang araw magiging mag-isa na ako sa buhay. Matagal pa yon... sobrang tagal pa. "Ma... cut it, ayoko nga po ng ganyang usapan eh." I pouted. She sighed. "Makayla.." "Ma!" I uttered, making a sad face. She laughed, surrendering. "Sige na... sige sige." she shook her head, still laughing. Hindi rin naman nagtagal ay lumabas na sya, magluluto daw sya. My phone rang, nakita kong tumatawag si Josh. I clicked my tongue, taking my phone from the bed to answer his call. [I miss you.] bungad nya. "I miss you too." I sighed, thinking of any topic. "Boo, si mommy na daw 'yong kukuha ng condo ko dyan.... she wants to make sure na safe 'yong place." I chuckled. [Hmm...] he uttered. [Mas okay yon...] matamlay nyang anito. Kumunot ang noo ko, bat parang may problema sya? "Baby... okay ka lang?" [Oo naman.] tugon nya ngunit 'di ako kumbinsido. Tumaas ang kilay ko nang may maalala ako. "Ay, baka isuggest ko na lang na isang condo na lang tayo." I joked in a serious tone. Rinig kong napasinghap sya, I prevented a laugh. [Seryoso?] tanong nya, nahimigan ko don 'yong tuwa. "Uhm.... hindi." I burst a laugh. He 'tsk-ed' from the other line. [Ako na lang magsusuggest non kina tita... kala mo huh!] he stated, laughing. "Okay, I'll wait." paghahamon ko. [Aba...] I heard him clicked his tongue, animo'y hindi makapaniwala sa tugon ko. [Hmp... saka na lang kapag may ipapakain na ako sayo.] he chuckled. "Hmm..." I bit my lips. "Ikaw na lang." I joked. [Makayla.] mariin nyang sambit na tila ba'y nagwawarning na. "Yes, baby?" patuloy kong pang-aasar. [Pang-asar talaga, tsk! Uwi ka na sakin...] he sighed. [I miss you so bad.] natigilan ako, matagal pa bago ako makakauwi sakanya. "I love you." nasambit ko na lang. There was a long silence between our lines, tila ba'y parehas kaming walang masabi. [Di ka na umuuwi sakin...] his voice cracked. Mariin akong napapikit, naiinis ako sa sarili ko. "Uuwi ako sayo boo... may tatapusin lang ako rito." marahan kong sambit. [Uwi ka sakin ha...] his words made me stop for a while. Lagi akong nagtatampo sakanya dahil sa kulang na oras na nabibigay nya sakin, pero fvck.... mas marami pala akong pagkukulang sakanya. He needs me by his side pero wala ako... "Uuwi ako sayo." We talked about some stuffs, nagpaalam lang sya nong may gagawin na sya. Lumabas ako, walang katao-tao sa salas. I thought they're sleeping, kaso may narinig akong ingay mula sa kitchen. "Mali, wag mo damihan 'yong grahams!" rinig kong sambit ni ate. "Para nga masarap, eh." tugon ni Lazh, rinig ko pa ang pagtawa nya. "Tay, yong cookies?" boses ulit ni ate ang narinig ko. My lips parted, nagbabake sila! Argh! Hindi manlang ako tinawag, I feel so betrayed. I entered the kitchen, napatingin sila sakin. Pabiro kong inirapan si ate na nakangisi sakin, she chuckled. "Yan! Bebe time pa..." hiyaw ni Lazh. I tucked out my tongue. "Nyanya! Oy, cheesecake ba yan?" She shook her head. "Hindi, cream lang 'to." pambabara nya. "Bara kita sa inidoro, you want?" She laughed. "Strawberry cheesecake.... tulungan mo nga ako rito." kunot-noong sambit nya. "Balakajan, gagawa ako ng truffles." tugon ko, napalabi na lang sya. "Wala pang gumagawa ng truffles?" "Wala pa, patulong ka kay Jane." she pouted at Jane's place. "Makayla, kuhanin mo 'yong cookies sa oven." utos ni daddy, sumunod agad ako. I was busy putting the tray on the table when I felt something cold on my cheeks. Pinunasan ko agad 'yon, icing! "Lazhmaine Jespril!" I yelled out of frustration, they all burst into laughter. "Paktay ka, ate! Buong pangalan mo na..." pananakot sakanya ni Jane. "Asa!" anito ni Lazh, tumatawa pa rin. I formed my lips into an 'O', amused. "Ah... ganon ha?" I nodded, chuckling. I took a scoop of an icing, nagtungo ako sa gawi ni Lazh. Iilag pa sana sya kaso may lamesa sa likuran nya, pinahid ko sakanya 'yong icing. She pouted, glaring at me. "Tigil na, magkakalat nanaman kayong—" Nagkatinginan kami ni Lazh, we share the same idea. Dumutdot ulit kami ng icing at ipinahid sa magkabilang pisngi ni ate. Napasinghap sya, she uttered a cuss. Nagkagulo na sa buong kusina dahil sa kalokohan namin, pati sila daddy ay napasali na rin. "Wait..." humahangos kong sambit nang akmang papahiran nanaman ako ni ate. She burst a laugh at itinuloy ang pagpahid sakin ng icing. "Salbahe!" I chuckled. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD