"Pupunta ka ba mamaya?" tanong ni Lazh habang abala ako sa pag-aayos ng gamit ko.
I shrugged. "Siguro." I'm still unsure kung pupunta ako mamaya sa BGC, nagyaya kahapon ang tropa eh.
"I'll go with you kung pupunta ka." anito niya, she helped me arrange our closet.
Kumunot ang noo ko. "Tulungan mo akong mag-ayos sa condo next week, nakakuha na raw si mommy eh."
I sat on the couch, scrolling through my phone. Karamihan sa mga unread messages ay galing sa tropa, nangungulit na pumunta daw ako.
"Nakakuha na pala si mommy, malamang ipapaayos nya na rin yon." she shrugged. "Wala ka ng kelangan ayusin don kapag ganon."
I playfully rolled my eyes. "Bruh? Personal stuffs!" I chuckled. "Anyways, let's go sa BGC tonight. Ghad! Tinatamad ako... ang layo kaya non! Pahatid na lang tayo kay Jarred, buti sumama satin 'yon."
"Sige! Ay, nandon ba mamaya si Josh?" she reminded me. "Alam nya bang nandito ka na ulit sa Rizal?"
I shook my head, tumayo ako para maghanap ng isusuot mamaya. "Nope, plano ko syang isurprise mamaya." I uttered, roaming my eyes through the closet.
"Pupunta naman kaya? Who knows... baka 'di yon pumunta kasi wala syang idea na pupunta ka don." tugon nya na animo'y mas namromroblema pa kaysa sakin.
"Kalma." I chuckled. I picked a cowl-necked black silk cami top, hindi ako makapili ng isusuot ko pambaba. "Pupunta yon. Anyways, anong maganda i-pares dito bukod sa pants?" I lifted the top na hawak ko, showing it to her.
"Black denim skirts." she shrugged, animo'y wala don ang atensyon nya. "Eh pano ka nakakasiguradong dadating 'yon?" she asked, bringing back the topic.
I smirked. "Tiwala ka lang." I winked, kinuha ko na 'yong mga isusuot ko bago ako dumiretso sa bathroom. I took a warm bath, shaving and exfoliating every parts of me. I did my routine for an hour, paglabas ko ay naabutan ko si Lazh na nag-aayos na rin. I checked the time, medyo maaga pa naman.
"Tabi dyan." pagtataboy ko sakanya, nakaharang kasi sa vanity table.
She pouted. "Salbahe!" she laughed, pabiro na lang akong umirap.
I applied a light amount of makeup on myself before fixing my hair into soft curls. Seriously, why am I even fixing myself? Guguluhin lang din naman 'to ni Josh mamaya. I bit my lips, preventing a laugh dahil sa mga naiisip ko.
I buckled a multi-layered chain belt on my denim skirts, pinatungan ko ng beige bomber jacket ang top ko. Paglabas namin ay nandon na si Jarred, patiently waiting for us. Umalis na agad kami at nagtungo sa BGC, it will take us a lot of time dahil medyo malayo 'yon dito.
"Makayla, nandon din ang hood pati GOV." pansin kong sumulyap samin si Jarred mula sa salamin. My eyes widened, speaking of hood...kailangan kong bumawi! Hindi ako nakapag-enjoy nong huling pagkikita namin... well, una't huli to be exact.
Pagkarating namin sa club ay sumalubong samin ang maingay na paligid, I checked my phone to see kung nagchat ang tropa. Nasa gc namin 'yong table number nila, nagpaalam lang ako saglit sa pinsan ko bago kami nagtungo ni Lazh sa pwesto ng tropa.
"Ay, text mo ako kapag—"
"Huh?" tanong ko kay Lazh, hindi ko sya maintindihan dahil sobrang ingay. She shook her head bago lumapit sakin ng husto.
"Chat mo ako kapag may kailangan ka, punta muna ako sa table nila Kara... pinapunta ko rin dito eh." she uttered, chuckling while giving me a peace sign.
"Oh? Reunion?" I asked.
"Oo, sila na pinag-adjust ko." she chuckled, tumango na lang ako.
Pagkaalis nya ay tuluyan na akong lumapit sa tropa, si Janella pa ang pinakaunang nakapansin sakin. She formed her lips into an 'O' kaya napalingon na rin sakin 'yong iba. My eyes were locked into Josh's gaze, pansin kong natigilan sya nang makita ako. I chuckled a bit, sandali lang akong sumulyap sa tropa.
"Hey." bungad ko. Tumabi ako kay Josh, gulat pa rin sya sa pagdating ko. I quickly kissed his cheeks, umupo ako sa tabi nya. It took him a second bago sya makabawi, I chuckled right away.
May lumipad na jacket sakin galing kay Janella. "Hayf na to, 'di manlang nag-inform na pupunta sya." she glared at me, laughing. "Seener ampupu!" she raised her middle finger, I jokingly gasped.
"Sige, inform ko kayo sa sunod." humagalpak ako sa tawa, mas napamura lang tuloy si Janella. "Nakailan na kayo?" I asked, napansin ko 'yong mga nasa table. May Bacardi, Elyx, Gold Label saka 'yong iba hindi na pamilyar sakin.
Jed took the Gold Label, sya na rin ang sumagot. "Isa pa lang, boss." he laughed.
Maya-maya pa'y nawala na sa table 'yong mga babaita, nandon na sila sa dance floor at halatang may mga tama na. Ghad! Ang naiwan na lang sa tabi ko ay si Zette pati sila Josh, wala sina Warren at Jed dahil naghahanap ng babae. 'Yong dalawang yon, naknang!
"Oy, nakadanggit nanaman si Janella ng gwapo." sambit ni Zette, pointing somewhere. Sinundan ko 'yon ng tingin, naabutan ko si Janella na nakangiti sa kausap nya.
"Bet." I chuckled. "Piloto?"
Umiling agad si Zette, napaayos pa ng upo. "Engineering!" she uttered, may patango-tango pa. I just shrugged.
"Bat di ka nagsabi?" tanong ni Josh nang lumayo na si Zette. He held my thigh, 'yong isa nyang kamay ay may hawak na shot glass. Namumungay na ang mga mata nya habang nakatitig sakin.
I gave him a smack. "Uso naman siguro 'yong surprise."
Natahimik sya, walang masabi. "I miss you." he huskily whispered.
"Nandito na ako..." I smiled. I took the Elyx, nagsalin ako sa shot glass ko bago ko 'yon ini-straight.
I'm like, yeah, she's fine
Wonder when she'll be mine
She walk past, I press rewind
To see that a*s one more time —
"— And I got this sewed up!" sumabay ako sa kanta. Nahagip ng paningin ko si Lexi mula sa taas, she sat on a random guy's lap. What the eff?! Speed talaga nong isang 'yon! Nakailang straight shots pa ulit ako bago ako nakaramdam ng bahagyang pagkahilo.
I stood up, nag-angat ng tingin sakin si Josh. "Sayaw tayo." hinawakan ko ang kamay nya, pulling him up.
He shook his head, napalabi ako. "May tama ka na." he sighed, nakatuon sakin ang mga mata nya.
"No..." sunod-sunod akong umiling. "Just...tipsy." I giggled.
"Dito ka nga." he chuckled, hinatak nya ako paupo. Imbis na sa tabi nya ako maupo ay dumiretso ako sa kandungan nya. I wrapped my hands on his neck, pouting.
"Let's dance... please?" I tried to sound cute, but it seems like I failed. I sound so wasted, for damn's sake!
"Nah, baby... stay here." he arched his brows, animo'y pinagsasabihan ako. I made sa sad face, nagtatampo ako!
"Tch! E'di wag... hanap na lang ako ng makakasayaw." padabog akong tumayo, he was about to pull me back kaso umiwas agad ako. "Ayaw akong isayaw." I pouted, rolling my eyes.
My eyes widened, napansin ko si Harrison na naglalakad patungo sa gawi ko. I quickly blocked his way, pati sya ay nagulat nang makita ako.
"Makayla?" paninigurado nya.
I raised a brow. "Oo." I uttered, laughing.
"Gusto mo ng drinks?" he asked, umiling agad ako. "Sayaw?" he scratched his neck, animo'y nahihiya pa.
Pasimple kong binalingan si Josh, his jaw aggressively clenched. If glares could kill, I might be a cold-body right now. He shots me with his deadliest glare na tila ba'y nagwawarning, I just shrugged, pang-asar lang. Bumaling ulit ako kay Harrison, I gave him a nod.
"Sure." I smirked. Sabay na kaming naglakad patungo sa dance floor, naabutan pa namin don sila Keisha na halos lumupagi na sa sahig. Napailing na lang ako, chuckling.
Seriously, wala sa plano ko na makipagsaway with other guys. Bahagya akong nagtago sa likuran nila Keisha, pasimple kong sinulyapan ang pwesto ni Josh. Wala na sya don sa table namin, kumunot ang noo ko. Fvck! Namisinterpret nya pa ata 'tong pinaggagagawa ko, damn it! I was expecting na hahatakin nya ako out of nowhere tapos papayag na syang sumayaw kami, but I guess mali ako.
I quickly acted na para bang nasusuka ako, needing to excuse myself. "I need to use... cr." sambit ko kay Harrison, umarte pa ako na nahihirapan.
"Ha?" his eyes widened. "s**t! Sige sige, sasamahan ki—" I quickly shook my head.
"Hindi na, I'll go on my own... sorry." I gave him a stop-sign, tumango naman sya sakin pero nandon ang pag-aalala.
I quickly ran towards the comfort room. Hindi naman talaga ako nasusuka, I just need to find Josh para makausap ko sya. I roamed my eyes, hindi ko sya mahanap. Sobrang daming tao, pano ko sya mahahagilap?! Argh! I entered the comfort room, bahagya pa akong gumilid nong may mga lumabas. I fixed myself, pati 'yong bomber ko ay inayos ko.
I heard the door opened, tinignan ko mula sa reflection ng salamin kung sino ang pumasok. My eyes widened, it's Josh! Mabigat ang pagtaas-baba ng dibdib nya habang nakatitig sakin, I saw his fingers locked the door. Pasimple akong napangisi nang mapagtanto ko ang mangyayari in a minute. I ignored his presence, he was uttering my name but I didn't spoke.
Napasinghap na lang ako nang hatakin nya ako paharap, his lips met mine as soon as I faced him. Mariin ang bawat halik nya, I gasped when I felt the pain on my lips. I was about to pull away kaso naunahan nya ako. I glared at him, malamig na tingin ang isinukli nya sakin.
"Anong ginawa mo?" even his voice was cold as his dark eyes.
I gulped, nervousness swallows me. "He's j-just a—" he cutted me off by cornering me, sobrang lapit nya sakin that I'm able to feel his minty breath that touches my skin.
"Hindi ko tinanong kung sino 'yong ulupong na 'yon." mariin nyang sambit, his jaw clenched. "I'm asking kung anong ginawa mo."
I pouted, napatungo ako kasabay ng pagdidikit ng magkabilang daliri ko. "I just want you to—" he cutted me off again, bastusan amp!
"To get jealous?" he arched his brows. Napanganga ako, I quickly lifted my head.
"You're jealous." I smirked.
***