Kabanata 86

1638 Words
Kabanata 86 Yakap-yakap ko ang aking sarili habang sinasalubong ang napakalamig na simoy ng hangin. Magp-Pebrero na pero mas lumalamig ang panahong dumadaan. Buong weekends ko ay wala akong ibang ginawa kundi ang matulog ng matulog. Literal na binawi ko ang ilang araw kong pagpupuyat para sa exam namin. "Goodmorning!" masiglang pagsalubong ni Peren sa akin. Nginitian ko lang siya sandali at saka nilagpasan. I dropped my bag on the chair before walking back to Peren. "Wala pa yong iba?" pagtatanong ko rito habang inaayos ko ang necktie kong sumasagabal sa collar ng uniform ko. "Wala pa, eh. Ay, si Janella nasa taas." tugon niya. Tumango na lang ako rito at naupo sa tapat niya. Ilang minuto din kaming naupo lang sa may hallway habang hinihintay ang mga kaibigan namin. Malakas na boses ang nagpaangat sa aking ulo nang marinig ko iyon. "Hala! Naiwan ko ang ID ko, nakakainis!" boses ni Nika yon. Agad akong lumingon at doon ko napagtantong tama ako. "Shhh! May nagk-klase, ang ingay mo!" saway dito ni Peren. "Ay!" agad namang napatakip sakaniyang bibig si Nika. "Sorry.... Huy, wala akong ID!" mediyo pabulong niya ng sambit. Napangiwi na lamang ako at tumayo. "Huwag ka diyan mag-ingay. Tara na sa gym, andiyan na sila Angel at Suzette." pagaaya ko sakanila. "Si Reigne?" biglang tanong ni Nika. Agad kong iginala ang paningin ko, sakto namang may tumigil na pulang kotse sa harap ng campus. "Ayan na, oh. Sakto." maikling tugon ko rito habang nakaturo sa may gate. Nang makalapit na sa amin yong tatlo ay sabay-sabay na kaming nagtungo sa gym. As usual, naabutan namin ang tropa nila Warren na nasa iisang table kasama ang tropa nila Chantal. "Dito na lang tayo sa kabilang table..." sambit ni Suzette na nakatungo at kinukusot ang mata. Agad kong hinablot ang kamay niya at winaksi. "Ano ba yan? Huwag mong kusutin, baka ma-infect. Ang dumi pa naman ng kamay mo..." kunot-noong pagsaway ko rito. "Ang kati... napuwing ata ako?" hindi siguradong tugon niya. I just clicked my tongue and rolled my eyes from nowhere. "Ewan ko sayo. Basta wag mong kusutin, jusko." nakangiwing utos ko rito. Sanay kami na tuwing umaga ay uma-attend kami ng morning assembly before classes. Well, tuwing Monday to Friday, kami ang nagbabantay sa mga grade 7 and 8 sa oras ng break time and lunch time. Sa umaga naman ay ang mga higher levels ang nagbabantay. Marshals nga kasi kami, nakakaloka! Tuwing Wednesday naman ay ganoon pa din, pero sa umaga ay kami na ang nagh-handle sakanila dahil may service na ina-attendan ang higher levels. "Huy, Makayla! Kumain ka kako...." pagpitik ni Angeline sa aking harapan. Napakurap agad ako at napailing. "H-huh?" nagtatakang tanong ko. Ano raw? "Sabi ko kumain ka!" inis niyang tugon. Napangiwi na lang ako. "Ayoko, busog ako...." nakasimangot kong tugon. Para kasi akong nasusuka tuwing napapatingin ako sa mga kinakain nila. Hindi ko lang alam kung bakit. "Psh! Ay, Makayla.... tingin ka sa likod..." nakangusong pagsingit ni Nika. Sa pag-aakalang si kuya Jace ang nandoon ay lumingon ako. Pero kahit anong paglinga ko ay walang Jace sa paligid kaya't nagtaka ako. Hanggang sa napatigil ang paningin ko sa mga lalaking nakatayo sa tapat ng isang stall. Kumpleto sila, nandoon sila Warren na animo'y naghahanap ng makakain. "Anong gagawin ko?" takang pagbaling ko kay Nika. Paglingon ko sakanila ay para silang naguusap-usap nila Suzette gamit ang mga mata nila at animo'y nagpipigil ng kilig o tuwa kaya't napakunot ang noo ko. Anong meron? "Nauuhaw ako!!!" biglang sigaw naman ni Suzette. Agad na bumagsak ang panga ko nang may maalala ako. Oo nga pala, MU sila Jed at Suzette... baka ayon ang dahilan kung bakit ganoon ang reaksyon nila Nika kanina. Paglipas ng ilang minuto ay umakyat na rin agad kami pagtapos naming magpapila at magpaakyat ng mga grade 7 and 8. Ang kukulit kasi ng mga yon kaya't madalas sumasakit ang ulo namin sakanila. "Makayla, paano ang ESP natin?" biglang paglapit ni Camryn sa akin. Napanganga ako nang maalala kong may project nga pala kami doon. "Oo nga pala... wait lang." ani ko rito at sandaling tumalikod. Kinuha ko ang ESP book ko sa aking bag at muling humarap sakaniya. "Ikaw na lang ba ang gagawa? Ako ang magsusulat saka magd-design..." she smiled widely at me, releasing her cuteness' visibility. "Ok, sige..." mediyo natatawang tugon ko sakaniya dahil ang cute niya. She just smiled wider and thanked me before walking away. "Ano yan?" biglang sulpot ni Nika sa tabi ko. "ESP... wait lang, kagrupo namin sila Josh." tugon ko rito bago bumaling kay Josh. "Pst, Josh! Tulungan mo ako sa ESP natin...." halos pasigaw ko nang sambit dahil sa distansya naming dalawa. "ESP?" paguulit niya. Tumango lang ako at naglakad palapit sakaniya. "Sige, saglit..." inangat niya yong kamay niyang punong-puno ng pintura. He went out the room para siguro maghugas ng kamay. Science ang subject namin ngayon pero wala na kaming lesson kaya PT week na ngayon. Halos lahat ng mga kaklase ko ay gumagawa ng project nila for Science na by group, pero dahil may naitulong na naman ako sa kanila ay gagawa na ako ng ESP PT namin. "Ano? Tara, g na..." pagbabalik ni Josh. Naupo siya sa tabi ko at binuklat ang kaniyang ESP book. "Ano bang gagawin natin?" muli niyang pagtatanong. Sandali kong binasa yong nasa libro. "Division-of-labor schedule ng newly-wed couple. Dapat public teacher yong babae, tapos yong lalaki ay isang government employee." tugon ko rito nang maunawaan ko na ang nakatala sa libro. "Pano yon?" nagtatakang tanong niya. I bit my lower lip and grabbed a sheet of paper. Agad akong sumulat ng 4 columns para sa Sunday, Monday to Thursday, Friday and Saturday. Sa pagkakaalam ko kasi ay iba ang schedule ng public teacher tuwing Friday kumpara sa Monday to Thursday. Isinulat ko yong maaaring maging schedule nila from Monday to Thursday. "Wait.... shi- ang hirap!" halos mapamura ako nang hindi ko magawa ng tama ang schedule. I know something about a public teacher, but I know NOTHING about a government employee, for pete's sake! "Huy, bakit?" nagtatakang tanong ni Josh. I heaved a sigh and lazily rested my back behind. Nanatili akong tahimik at nagiisip habang nakatitig sa sahig. "Ay, wait! Ganito...." agad akong umayos ng upo at isinulat yong naisip ko. Based sa book, Mar at Gie yong pangalan ng newly-wed couple. Inuna ko muna yong schedule ni Mar at saka ko ipinasok yong kay Gie. Halos 10 minutes din ang inabot ko sa pagsusulat ng schedule at nong natapos na ay pinakita ko na agad yon kay Josh. "Ayos na ba 'to? Kapag may mali, ayusin mo na lang...." sambit ko rito habang hinahati yong isa pang paper. "Ayos na 'to.... pano yong tatlo pang araw?" tanong nito sa akin nang matapos na siya sa pagbabasa nong sinulat ko. "Wait ka lang.... eto na nga, gagawin ko pa lang, eh." natatawang tugon ko rito, excited kasi. Natawa na lang din siya kaya't naglitawan na naman ang magaganda niyang ngipin. Habang sinusulat ko yong schedule for Saturday ay umupo sa harapan namin si Nika. Nakasandal siya sa inuupuan niya at nakangiting tinititigan ako-or should I say kami? Nginiwian ko lang siya bago ako nagpatuloy sa pagsusulat. "Anong oras ko isisingit yong paglalaba nila? Ay, dito ko na lang ba yon ilalagay sa Saturday?" tanong ko kay Josh. Sandali siyang nag-isip at ini-scan yong papel na sinusulatan ko. "Oo, puwede rin. Kasi kapag Friday, may pasok pa sila kinabukasan. Kapag naman Saturday, wala na silang pasok the day after so pwede silang magpuyat non." he stated the obvious. Well, tama nga naman siya. "Sabagay. Pero anong oras?" tanong ko ulit. "Hmmm.... after na lang ng dinner nila. Kasi kapag tanghali nasa trabaho pa sila diba? Ang kaibahan lang naman ay mediyo mas maaga silang umuuwi kapag Saturday kumpara sa Monday to Friday na sobrang hectic ng schedule nila." he answered then bit his lower lip while staring on the paper. Oh, jeez! I gulped and tried to avoid looking at him. Sa pag-iwas ko ng tingin sa kaniyang gawi ay napatingin naman ako kay Nika na halos maihi na sa pagpipigil ng ngiti. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang reaksyon niya pero napangiwi na lang ako at sinubukang salubungin ang kaniyang tingin. I stared at her with my 'bakit-ganiyan-ang-itsura-mo?' look. Pero tanging paghalakhak lamang ang itinugon niya kaya't napatingin sakaniya si Josh. Nika bit her lips and acted as if zipping it. Bumaling na ulit sa akin si Josh at sandaling nagsalubong ang tingin naming dalawa pero agad akong napatungo. "Josh, papinturahan nga nitong part na 'to." biglang may tumawag sakaniya from his Science group. I lifted up my head nang mapansin kong 'di gumagalaw si Josh. He's looking at me na animo'y nagtatanong kung puwede na ba siyang umalis. "Tawag ka ng kagrupo mo sa Science, go na... ako na ang tatapos nito." sambit ko rito habang nakangiti. "Eh, sigurado ka?" nag-aalinlangan niya pang tanong. Natawa na lang ako at tumango sakaniya. "Oo naman... tatawagin na lang kita kapag may hindi ako maintindihang part." I smiled to assure him. "Ok, sige..." then he stood up and walked towards his groupmates. Nang makaupo na siya sa lapag ay sandali siyang tumingala at tumingin sa akin, tinaasan ko lang siya ng isang kilay at bahagyang tinawanan. Parang ewan, psh! Natatakot atang mawalan ng grades ang lolo mo. Napailing na lamang ako at agad na nag-iwas ng tingin. Sinubukan ko na ulit ituloy yong schedule kahit mediyo nakakadistract yong tingin ni Nika sakin, bahala siya diyan! ***** a/n: UNTIL HE FELL is back for book 2!!! Bakit kaya puro Josh na yong lumalabas dito? Wait... who's up for- #TeamJace? #TeamPaulo? #TeamDrake? #TeamJosh? I know na hindi pa masiyadong visible si Josh, pero wait niyo sa mga susunod. HAHAHAH. Vote muna kayoooo. Muwaps❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD