Kabanata 85
"Go, Dylan!!" tili nila Nika. Hindi ko alam kung anong tawag doon sa nilalaro nila, pero nakita ko na siya dati sa t****k.
"Kanina pa kaming nags-swimming, kayo hindi pa. Magswimming na kayo, oi!" baling ni Gab sa amin.
Ngumisi na lang ako ng bahagya at pinagmasdan sila. Sana palaging masaya, sana palaging ganito... yong puro tawanan, asaran at lokohan ang naririnig ko mula sa kanila. Never kong hinangad na maging masaya ulit dahil natatakot ako sa maaaring kapalit non. Pero yong maging masaya kasama sila? Damn.... I can take the risks soon.
"Si Makayla, ang daya! Hindi pa nags-swimming, oh!" biglang sigaw ni Reigne. Napalingon agad ako sakanya at napailing.
"Nagswimming na ako, ah?" natatawang tugon ko rito ngunit tinawanan niya lang ako.
Iginala ko ang paningin ko. Nakalubog sa tubig si Gab, si Warren naman ay nakatayo sa kanang bahagi ng poolside katabi si Jed, si Dylan naman ay nasa tapat ko. Nang ibaling ko ang paningin ko sa kaliwanang bahagi ng poolside ay nagsalubong ang paningin namin ni Josh. Bahagya akong tumawa at umiling dito.
"Magswimming ka, Makayla." sambit niya sakin.
"Ayoko, natatakot ako sa ashfall." pabirong tugon ko rito. Agad naman siyang umasta na para bang aangal pero kalauna'y ngumisi na lang din siya.
"Hindi ka pa ba magbibihis, Makayla?" umupo sa tabi ko si Angeline habang pinipiga ang kaniyang damit.
"Magbibihis na, tara..." sambit ko rito. Tumayo na ako at agad naman siyang sumunod sa akin.
Sandali akong lumingon sa mga katropa namin na busy na ulit sa paglalaro- well, maliban kay Dylan na nakaupo lang sa gilid ng pool.
"Kukuhanin niyo na yong coffee jelly, Makayla?" rinig kong sigaw ni Dylan.
"Magbibihis na kami sa bahay nila Reigne!" sigaw ko rito pabalik.
"Bakit ang aga?" nagtatakang tanong niya. I just shrugged my shoulders and glanced on Angeline.
Napatingin ako sa itsura ni Angeline, she looks angelic. Actually, dati pa naman, pero mas naging mala-anghel ang itsura niya ngayon. Idagdag pa yong curves niya na hubog na hubog sa kaniyang fitted shirt ngayon.
"Aayusin pa kasi namin yong coffe jelly." tugon ni Angeline sa tanong ni Dylan.
"Ah, sige! Babalik kayo?" tanong niya ulit. Napangiwi na lang ako dahil sa dami ng tanong niya.
"Oo, pagtapos ng gagawin namin." tanging tugon ko rito.
Tumango na lang siya kaya't tumalikod na kami ni Angeline at humakbang paalis doon. Agad kaming naligo at nagbihis pagdating sa bahay nila Reigne. Yong underwear namin ay saglit lang naming kinusot at ini-spin sa dryer.
Fitted black shirt at jogging pants ang pinangpalit ko dahil iyon ang nilagay ko kanina sa aking bag. Habang naliligo si Angeline ay inayos ko na yong coffee jelly nang mabilisan. Sakto namang pagkababa ni Angeline ay tapos na akong magtimpla nong coffee jelly kaya siya na ang nagbalik non sa freezer. Habang inaayos ni Angeline yong coffee jelly sa freezer ay nag-ayos na ako ng aking sarili.
"Nasa freezer na yong coffee jelly." paglapit niya sakin. Sipag talaga!
"Chat ka sa gc natin, sabihin mo pupunta na tayo doon." utos ko rito at bumaling sa wall clock. "4:45 pm na pala, eh. Tapos na yong mga yon."
Nilakad na ulit namin ang clubhouse para sunduin ang mga kaibigan namin. Pagdating namin doon ay nag-ring bigla ang phone ko, hudyat na may tumatawag.
Kezaiah calling....
Agad kong pinindot ang end button at itinago sa aking bulsa ang phone. Pagtingala ko ay muntikan na akong nadulas dahil basang basa yong sahig.
"Ang dulas!" tanging nasambit ko habang kinukuskos ang aking tsinelas sa sahig.
"Tara na. Ahon na kayo diyan!!!" malakas na sambit ni Angeline kaya napatakip ako sa aking tainga. Nakakaloka.
"Wait, may speech daw si Suzette." pagpigil dito ni Peren. Napanganga ako nang mapagtanto ko kung ano yon.
Ilang minuto kaming nakaupo at nakinig sa speech 'kuno' daw ni Suzette. Speech nga ba? O tula para sa kaniyang minamahal? Sus! Lumipas ang ilang minuto na puro tili ng mga kaibigan ko ang pumapasok sa tainga ko. Kilig na kilig sila dahil sa tula ay umamin na si Suzette sa totoo niyang nararamdaman para kay Jed.
Psh! Pinili niya pa noon si Paulo, kay Jed din naman pala ang bagsak. Kagaya ko, madaming nangyari sa Christmas break niya. Napapangisi na lang ako sa tuwing maaalala ko yong mga araw na sinabi niyang si Paulo ang gusto niya at hindi si Jed. Never spit something you'll take back again, lesson learned.
"Hoy, tikman niyo muna yong coffee jelly!!!" nakasimangot kong sambit nang marinig kong uuwi na daw sila Jed. Naglalakad pa lang kami dahil nagbanlaw pa sila sa clubhouse kanina bago kami umalis.
"Sinong gumawa?" tanong ni Josh na agad kong binalingan. Pangisi-ngisi lang siya habang nakatingin sa akin.
"Ako!" confident kong sagot. Bahagya na lang siyang tumawa at kinagat ang kaniyang pang-ibabang labi.
Ilang hakbang pa ay nakarating na kami sa bahay nila Reigne. Agad akong dumiretso sa freezer at inilabas yong coffee jelly na ginawa ko. Well, I'm confident with my own masterpiece kasi tinikman ko 'to kanina.
"Pahingi nga ako..." agad na nagsilapitan ang mga kaibigan namin at kaniya kaniyang pagsasalin na ng coffee jelly sa kanilang baso.
"Hala, ang sarap!!!" rinig kong tili ni Janella. Pati si tito ay nakisali na din at kumuha ng kaniya.
"Masarap, ah! Ganito din ba yong ginawa ni Suzette dati?" tanong niya.
"Opo, tito." tumatawang sambit ko.
"Ah.... Suzette, halika rito! Bakit ito may lasa, yong sayo parang tubig?" mapang-asar na tanong ni tito sakaniya. Agad naman kaming nagtawanan.
"Nagyeyelo kasi yon, tito!" tugon ni Suzette.
"May yelo din naman 'to, ah?" patuloy pa ni tito. Natawa na lang ako ng husto at umupo sa sofa.
"Makayla, ang sarap!!!" puri nila sa coffee jelly ko. Napangiti na lang ako at tinanguan sila.
"Weh? Salamat!!! Siyempre, ako gumawa." may halong biro kong sagot sa kanila.
"Oi, salamat mga pre! Uuwi na kami." paalam nila Josh. Agad akong napatayo at tinanguan sila.
"Hala, uuwi na kayo? Ingat kayo..." I waved my right hand at them. Ngumiti sa akin si Josh at saka siya tumalikod. Humakbang na sila palayo hanggang sa 'di ko na sila matanawan.
Nang balingan ko sila tito ay 'di pa din pala siya tapos sa pang-aasar kay Suzette. Napansin ko naman na mediyo napapasimangot na si Suzette kahit nangingibabaw pa din ang ngiti niya't pagtawa.
"Tito, masarap naman magluto ng pasta 'yan!" I tried to cover her up kasi baka maasar na siya kay tito.
"Oh sige.... sabagay!" tanging tugon ni tito at naupo na ulit.
"Tara, uwi na tayo!!! Makayla, salamat sa coffee jelly... hehe." sambit nila Warren.
Sabay-sabay na kaming umuwi. Pagdating ko sa bahay ay agad akong napahilata sa sobrang pagod at antok. Well, atleast mababawi ko na yong tulog ko this week. Thanks God!
******