Kabanata 78

1345 Words
Kabanata 78  "Hala, may practice ba tayo mamaya?" gulat na tanong ni Gab. Kunot-noong napatingin naman ako sa relo ko. "Hindi na muna... Tuesday pa lang naman ngayon. Sa Friday pa tayo tutugtog. Siguro bukas na lang pagtapos ng klase." tugon ko. 3:34 pm na kasi. Kailangan kong umuwi nang maaga ngayon dahil may aasikasuhin ako sa bahay. "May practice daw ba ngayon? Pinapatanong po ni Lil." tanong ni Paulo na kararating lang. Bahagya na lang akong bumuga sa hangin at sumulyap kay Gab. Tumalikod na ako at inayos ang bag ko. "Wala po, bukas na lang daw tayo magpractice sabi ni Makayla." rinig kong tugon ni Gab. "Bukas?! May practice tayo ng volleyball bukas diba?" nagtatakang tanong ni Paulo. Kusa akong napatigil sa pagsasara ng bag. "Weh?" gulat na tanong ni Gab. "Oo nga pala! Nakalimutan ko..." Lumingon na ako sa kanila. Sinakbit ko na ang bag ko at dinampot ang mga librong ilalagay ko sa locker. Napataas ang isang kilay ko nang mapagtanto kong nakatitig sa akin yong dalawa. "Problema niyo?" takang tanong ko. Nagsenyasan pa sila kung sino ang magsasalita. I heaved a sigh... ayokong magsayang ng oras. "Ano kasi, Makayla...." sambit ni Paulo. "Eh kasi...." patuloy ni Gab na di niya rin matuloy. Bumuga ako sa hangin at inayos ang mga librong hawak ko. "May volleyball practice kayo bukas? Sige lang. Sa Thursday na lang tayo magpractice, lunch and break time." bahagya akong ngumiti sa kanila. Natuwa naman agad silang dalawa dahil nakuha pa nilang mag-high 5 at mag-'yes!'. Napailing na lang ako at naglakad na palayo sa kanila. Kahapon naganap yong masaya kong moment kasama si Paulo. Yon yung time na kinurot ko siya at namula nang husto ang braso niya. Ngayon naman ay tapos na ang Tuesday at isa lang ang masasabi ko.... sobrang bilis ng oras! Pagkarating ko sa bahay ay hindi ko na nagawa pang magbihis dahil agad ko nang inasikaso ang mga kailangan kong gawin. Nadatnan ko din ang pamangkin ko na mahimbing na natutulog. "Oh, tulog pala si Harvey?" patanong na sambit ko. "Oo, kanina pang nag-aaya yan sa Jollibee. Ikaw lang ang hinihintay nila, eh nakatulog naman kahihintay." natatawang tugon ni daddy. Napatango na lang ako nang ilang beses. "Ma, gisingin mo na po si Harvey... alis na tayo. May kailangan pa kasi akong gawin mamaya." sambit ko habang naghahanap ng damit pamalit. Sa wakas ay makakapagbihis na din ako! Sobrang init kaya ng uniform namin. Napailing na lamang ako at naglakad patungo sa cr. Sunod-sunod na tunog mula sa phone ko ang aking narinig pagkabalik ko sa kuwarto. Ang daming nagch-chat.... -GOV- Xandra: Aba, Makayla.... buhay ka pa ba? Antagal mong di nagparamdam tapos puro ka pa seen. Ish: Oo nga! Kala mo bula, eh. Bigla-biglang nawawala. Keziah: Kasoy lang ang peg.... kung kailan niya trip saka lang paparamdam. Drite: Transformer ang lola niyo, teh! From being a human to bula hanggang sa kasoy. Jusko! HAHAHA. Ish: Try niyo pagsunod-sunurin, mga bakla! HAHA. Xandra: Oo nga HAHA. Drite: Kasoy muna kasi sumisibol, or should I say 'dumarating'.... tapos bula dahil bigla siyang nawawala. Lastly, transformer. Kasi kasoy+bula= transformer HAHAHAHA! Napairap na lang ako sa hangin habang binabasa ang convo nila sa gc. Tumawa ako at nagtipa ng reply. Ako: Pinaguusapan niyo ako, haller? Online kaya ako. Sorry kung hindi ako masiyadong nakakapagparamdam. Bawi ako sa inyo soon, see yah! Mabilis na tumunog ang phone ko nang ilang beses senyales na sunod-sunod ang mga reply nila. Pero hindi ko na nagawa pang basahin ang mga chat nila dahil nag-out na agad ako. Madami pa kasi talaga akong dapat gawin bukod sa mga assignment namin. "Tita, I want Jollibee...." biglang may nagsalita sa tabi ko. Napatingin agad ako sa pamangkin ko na gising na pala. "Ok po.... wait lang natin si lola then pupunta na tayo sa Jollibee. Hmm?" kinarga ko siya at pinaglaruan. Tawa naman siya ng tawa kaya napangiti na lang din ako. Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil tuwing Miyerkules ay naglalakad lang ako patungo sa campus. "Birthday na ni sir! Excited na ako...." tuwang-tuwang sambit ng mga kaklase ko. Napatingin ako sa hawak ni Janella. Michael Kors na black yong nasa maliit na hard-box. Actually, hindi ko sure kung black ba yon or gray. I just shrugged my shoulders. Simula sa first subject namin hanggang fourth ay wala kaming ginawa kung hindi ang maglesson at sumagot ng seatworks. Pero after ng lunchtime ay hindi na kami nagklase dahil sinimulan na naming mag-ayos ng room para sa surprise namin kay Sir Cruz. Nakaupo lang kami nila Angeline at Nika sa paikot na upuan habang pinapalobo ang mga hawak naming lobo. Maya-maya pa'y sumali na sa amin si Nathalie. "Seryosong usapan na tayo...." pagbasag ni Angeline sa katahimikan. "Sige lang, game ako...." sambit ni Nika. Tumango lang si Nathalie. Ngayon ay nakatitig na silang tatlo sa akin kaya nagbikit-balikat na lang ako. "Bakit mo naging crush si Paulo, Makayla?" tanong ni Angeline. Sandali akong natigilan. Bakit ko nga ba naging crush si Paulo? "Ewan ko, basta ang alam ko lang masaya ako kapag nandiyan siya. Siguro dahil ang comfy niya kasama? Uh-huh. Tapos ano...." bumuga muna ako ng hangin at bahagyang ngumiti. "Sobrang bait niya...." natatawang sagot ko. "Comfy naman palang kasama.... ehem!" tumitikhim na pang-aasar nila sa akin. Natawa na lang ako at pilit na iniiwasan ang panunundot nila sa tagiliran ko. "Tapos?" nakangiting tanong pa ni Angeline. Animo'y kinikilig pa siya dahil sa itsura niya. Natawa na lang ako't umiling. "Tapos?" I asked. "Ano pa nga ba? Ah! Basta sure ako na siya pa lang ang unang lalaki na nakapagpasaya sa akin ng ganito kahit sa mga simpleng bagay." seryosong sambit ko. Mediyo nagtagal pa ang pag-uusap naming apat. Nagkaroon pa ng kaunting deep talks at iyakan pero at the end... nagawa pa din naming magtawanan dahil sa kalokohan namin. Birthday ng adviser namin tas nag-iiyakan kaming apat, parang ewan lang! Maya-maya'y sinimulan na namin ang surprise. Halos maiyak pa si sir dahil sa pasabog ng section namin. Nagsinungaling sila Jayrus na umusok yong aircon para mapaakyat si sir sa room. Tapos pagdating ni sir, saka namin siya sinurpresa. Pero akala niya tapos na yon. Hanggang sa dumating yong fiancée niya, doon na nagsimulang tumulo nang kaunti ang luha ni sir dahil sa saya. At siyempre, yong relo ay binigay na din sa kaniya ng aming president. Nakaupo kami nila Angeline sa pangatlong long-table kasama sila Warren na busyng-busy sa paglantak ng pizza. Ilang minuto pa ay nagsimula na ang kasiyahan. Mas umingay ang silid dahil sa sigawan at biruan ng mga kaklase ko. Nakatungo lang ako habang pinaglalaruan yong baso ng coke. "Si Paulo umiinom ng Coke!" sigaw nila Camryn. Napaangat agad ako ng tingin. Nandoon sila sa kabilang table. Kunot-noong hinanap naman siya ng mata ko. "Hala, oo nga! Ayaw papigil, eh...." sumbong pa ni Maye. Pero mas nagulat ako nang may sumigaw sa pangalan ko. "MAKAYLA!" tili ni Shei. Nanlaki ang mga mata ko at sinamaan siya ng tingin. Baka makahalata si Paulo, anak ng tupa! Pero ang loka, nagawa pang tumawa.... "Oh?" kunwari'y nagtataka kong tanong. "Coke? Gusto niyo pa ng Coke? Wait lang...." "Weh, Makayla....." pangungutya ng mga kaklase ko. Napasimangot na lang ako at tumungo. "Luh, ayaw talagang magpapigil ni Paulo! Umiinom pa din ng Coke." sigaw naman ni Vhalerie. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magsalita. "Paulo!" lumingon naman agad siya sakin. "Huwag ka daw uminom ng Coke sabi ni Suzette...." labag 'man sa kalooban ko ay sinabi ko pa din. Nagsinungaling na ako para lang tumigil na siya sa pag-inom nong softdrinks. Hindi siya puwedeng uminom non dahil acidic siya, tsk! Baka mamaya magsuka pa siya. "Hoy, anong sab—" tatanggi pa sana si Suzette pero pinanlakihan ko na agad siya ng mata. Wari ko'y nakuha niya naman agad yon dahil tumango na lang siya. Umangat ulit ang tingin ko sa puwesto nila Paulo. Ibinaba niya na yong hawak niyang baso ng Coke. Mediyo napangiti na lang ako... ayoko lang naman na mapaano pa siya dahil sa kakulitan niya. ********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD