Kabanata 79
Napahinto ako sa paglalakad nang magvibrate ang phone ko. Tumabi muna ako sa gilid ng kalsada dahil masiyadong mabilis ang takbo ng mga sasakyan sa tabi ko.
*riiing* *riiiing*
"Bakit?" pagbati ko sa tumawag.
[Kahit kailan talaga di uso sayo yong 'hello' o 'hi'. Anyways, Makayla pinapatanong nila Alexa kung nakuha mo na daw yung results ng checkup mo nong huling araw?]
Naghanap muna ako sandali ng mauupuan. Good thing, may mga vacant benches pa pala dito sa labas ng convenient store.
Sandali akong natigilan sa tanong ni Keziah. Ngayon ko kinuha yong results ng huli kong checkup sa doktor ko. Hindi muna ako lumapit sa personal doctor ko dahil may contact yon kay mommy. Ayokong malaman nila 'to kaya ang magulang ni Alexa ang tumayong guardians ko during that time. Pero maging sila ay walang kaalam-alam sa dahilan kung bakit ako nagpa-checkup. Ang tanging alam lang nila ay kailangan ko yon for school activity.
[Hello? Earth to Makayla? Nandiyan ka pa ba?]
Agad akong napakurap nang muling magsalita ang nasa kabilang linya. I breathed silently and composed myself.
"Oo, nakuha ko na. Good thing ay naabutan ko yong mismong doktor para makausap ko na din siya about sa results. Pagkarating ko kasi kanina ay paalis na pala sana siya. Well...." I shrugged my shoulders. Sinakbit ko na ang bag ko sa aking balikat at muling ini-scan ang mga nakasulat na resulta sa papel.
Of all people, of all instances and of all situations... hindi ko maintindihan kung bakit muling bumabalik ang sakit kong 'to. Malinaw na malinaw pa rin sa akin hanggang ngayon ang mga dahilan kung bakit kinailangan kong makipaghiwalay kay Julian noon. Hindi dahil trip ko lang, hindi dahil napagod ako o nagsawa. Pero dahil kailangan. Kailangan para hindi lumala ang sakit ko at para na rin hindi siya masaktan dahil sa nangyayari sa akin.
[pupunta.....] nagtaka ako sa huling kataga na binitawan ni Keziah.
"Anong pupunta?" nagtatakang tanong ko rito. Sandaling binalot ng katahimikan ang linya sa pagitan naming dalawa. Hanggang sa malalim siyang huminga.
[Hindi ka nakikinig, Makayla. Lutang na lutang ka! Tell me.... anong naging resulta ng checkup mo? For sure naman positibo yan diba?]
Nahimigan ko ang labis na pag-aalala mula sa boses niya. Mahigpit kong hinawakan yong mga papel ng resulta na kinuha ko kanina, saka ako nagsimulang maglakad patungo sa malapit na sakayan.
"Anong positibo ba ang inaasahan mo? Yong maganda ba o yong hindi?" mediyo natatawang tanong ko.
[Makayla, naman eh! Huwag ka ngang ano... siyempre yong maganda. Positibo nga diba?]
Napahinto na lang ako sa pagtawa nang mahimigan ko ang paghikbi kasunod nang pagsasalita niya. Umiiyak siya! Gusto kong matuwa dahil may nagaalala sa akin, pero hindi ito ang tamang oras para doon. They have to be brave kasi ako mismo.... pilit kong pinapatatag ang loob ko.
Tinanong ko lang naman sakaniya kung magandang positibo ba o hindi dahil gusto kong pagaanin ang vibes. Knowing Keziah? Babarahin agad ako nun, eh.
"May positive ba na negatibo?"
"Luh, Makayla! Gamitin mo nga utak mo, may hindi magandang positibo ba?"
"Ay, positibo tinatanong ko diba? Malamang.... tinatanong ko yong MAGANDA."
Those were the answers na inaasahan ko mula sa kaniya at susundan niya nang pagtawa. Ang kaso.... hindi ko sinasadya na mas pabigatin pa yong awra ng linya namin. Hindi ko inasahang iiyak siya sa gitna nang paguusap naming dalawa.
"Shhh. I know.... binibiro lang kita. The results were all fine. Ok? Maganda ang kalagayan ko, Kezi. Huwag ka nang umiyak, lagot ako kela Tala pag nalaman nila 'to." sinubukan kong patahanin siya. I even chuckled to make sure na tatahan na siya.
[E-eh... I-ikaw n-naman kasi eh....] sinisinok siya habang sumasagot. Bahagya na lang akong napailing at pinara na yong taxi na dumaan.
"Alright, I'm sorry...." I sincerely apologized. "Sa SM lang po, kuya." baling ko sa driver.
[Teka... Makayla? Nasaan ka?] gulat na tanong ni Kezi.
"Nasa taxi. Papunta ako sa SM, may bibilhin lang...." tugon ko. Napatingin ako sa labas ng sasakyan. Nagsisimula nang pumatak ang bawat butil ng ulan.
[May bagyo, Makayla! Ghad..... ano na?! Go home!] she started using her strict tone at me. Napahagikhik na lang ako nang bahagya.
"May bibilhin lang talaga ako saglit.... dapat kanina pa ako dadaan don. Kaso pumunta pa ako sa bahay nila tito sa Antipolo. Alam mo naman yon.... magtatampo kapag di ko pinuntahan eh birthday niya ngayon." mahabang paliwanag ko rito. I heard her heaved a sigh. Alam niyang wala na siyang magagawa para pigilan ako sa pagpunta sa mall.
[Ok, fine... pagbibigyan kita ngayon, Makayla. Just make sure na hindi ka magpapagabi, got it?]
"Got it.... promise, nasa bahay na ako before 6 pm." natatawang sambit ko. I pressed the end button and placed it inside my bag.
Napasandal na lang ako sa kinauupuan ko at tumingin sa labas. Sobrang ganda ng paligid... hindi ko maintindihan kung bakit pilit na sinisira ng mga mamamayan ang natatanging kayamanan na meron ang bawat isa. Ang magandang kalikasan. Ang ibang tao ay gustong-gusto na magkaroon ng maaraw na panahon. Pero ako.... I prefer having a rainy day. Dito ko kasi nakikita ang kapayapaang pilit na natatakpan dahil sa karahasan ng mga tao.
"Ang sama ng panahon ano, ma'am?" biglang sambit ng driver. Sandali ko siyang binalingan ng tingin. Napangiti na lang ako nang bahagya.
"Dahil maulan?" marahan akong tumawa habang nakatingin sa kalsadang dinaraanan namin. Napansin kong sumulyap siya sa akin mula sa rear-view mirror ng sasakyan.
"Ganon na nga po. Dahil sa maulan na panahon, nagkakagulo ang mga tao sa labas. Lalo na ang mga walang masilungan." pailing-iling niyang sambit.
"Saka, tuwing umuulan hindi maiwasang bumaha. Yon ang pinakamalaking problema para sa aming mga driver." patuloy niya pa. Napabuntong hininga na lamang ako.
"Alam mo, kuya? Yong mga problema na nararanasan natin dahil sa ulan ay kagagawan din naman ng mga tao." I started to defend the rainy day.
If it wasn't because of the people na binabasura ang kalikasan, hindi naman magiging trahedya ang pag-ulan, bagyo o baha, in the first place. Saan nga ba naka-locate ang Pilipinas? Ang bansa natin? Hindi ba't maganda ang lokasyon nito sa mundo? Pero nasisira ang kagandahang iyon dala ng masasamang gawain ng mga tao na dapat nag-aalaga rito imbis na lumalapastangan.
"You know what, sir? Simula pagkabata ko, I also used to hate the rainy days. Bakit? Kasi ayaw akong palabasin ng nanay ko tuwing umuulan. Ang mga kalaro ko, nagtatampisaw sa labas. Pero ako? Tamang silip lang sa bintana dahil nakalock ang bawat pintuan namin. I used to hate the rainy days before dahil pakiramdam ko dati ay nilalayo ako nito mula sa kasiyahan ko." bahagya akong napangiti habang inaalala ang masasayang nakaraan ko.
"Nako, yong anak ko din naman po.... hindi pinapayagan ng nanay niya na maglaro sa labas ng bahay kapag umuulan." natatawang tugon niya. Natawa na lang din ako.
"Pero ngayon? Mas gusto ko na ang maulan na panahon kesa maaraw. Sa maaraw, tanging sunkissed photos lang naman ang pinakagusto ko doon. Well, pati na rin yong beneficial effects ng araw sa health and skin natin, siyempre. Pero when it comes to my inner interaction with the weather? Masasabi kong ang ulan ang nakakapag-pagaan sa loob ko." marahan akong napangiti.
Naaalala ko yong time na umiiyak ako, ayon din ang araw na bumuhos ang malakas na ulan. Kaya pagdating ko sa bahay, hindi nila napansin na umiyak ako. Siyempre, inisip nila na basang-basa lang ang mukha ko dahil sa ulan.
"Rainy days can be our bestfriend during the times na hindi natin maintindihan ang dinadala ng damdamin natin...."
Sinalubong ko ang tingin ng driver mula sa mirror. Napangiti naman agad siya kaya't tumango na lang ako.
"Naku, ma'am... nandito na po tayo. Salamat po sa pakikipagusap. Malaking tulong po iyon para maibsan yong antok ko habang nagmamaneho." bahagya siyang natawa. I just chuckled and gave him my cash.
Dali-dali akong bumaba mula sa taxi at tumingala sa langit. Nagsisimula nang kumidlat kasabay nang malakas na kulog. Nagmadali na ako sa pagtakbo papasok sa mall, pero hindi ko inasahang sa pagmamadali ko ay may makakabanggaan ako.
"Hala, sorry po." paghingi ko ng paumanhin.
"Hindi, miss, ok lang.... sorry din." tugon niya. Nakatungo lang ako at pilit na hinahanap ang tissue sa aking bag.
Nang mahanap ko na yon ay inangat ko na ang ulo ko. Animo'y bumagal ang bawat galaw sa paligid ko. Nagkasalubong ang mga mata naming dalawa at kailanma'y hindi ko inasahang dito pa kami magkikita. I felt my heartbeat racing....
"Makayla...." he uttered.
*********