Hyun's Point of view Madaling araw na ng magising ako. ngunit hindi ko katabi si Madey sa kama. kaya naman dahan dahan akong umalis ng kama at lumakad pa punta sa pinto. Marahil 'don na naman natulog si Madey sa kwarto ng anak namin. Lagi itong ganito kahit ng nasa America pa kami. tuwing nagigising kasi ito ay sa kwarto na agad ni Kat ang tungo nito. Balak ko na sanang sunduin si madey sa kwarto ni kat ng matanaw kong bukas ang ilaw sa ibaba ng sala. Kaya dahan dahan akong bumaba ng hagdan pero Hindi pa ako tuluyang nakakababa hagdan ng mabigla ako sa nakita ko. Si Madey kahalikan si Ford habang nakaupo sa lapag at nakasandal sa may pinto. Nanlamig ang buong katawan ko, at dahan dahan kong naikuyom ng mariin ang mga kamay ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kong sugudin si Fo

