bc

MY JERK STEPBROTHER

book_age18+
10.9K
FOLLOW
60.6K
READ
love-triangle
possessive
one-night stand
dominant
highschool
childhood crush
virgin
addiction
seductive
shy
like
intro-logo
Blurb

Bata pa lamang si Madey ng ikasal muli ang kanyang ama. Naging masaya naman siya para sa kanyang ama dahil mabait ang napangasawa nito sa kanya at nagkaroon muli siya ng pangalawang ina. Pero hindi ang sa anak nitong si Ford. Na una palang ay nagparamdam na ng 'di pagkagusto sa kanya. Hanggang sa sila ay nagdalaga at nagbinata ay hindi ito nagbago ng pakikitungo sa kanya. Palagi itong galit at masungit sa kanya. Pero nagbago ang lahat ng may mag umpisang nanligaw sa kanya.Naging protective kuya si Ford ang Stepbrother niya  na kalauna'y nagtapat din ng pag-ibig sa kanya dahilan para umiwas si Madey at layuan ito. Hindi nagustuhan ni Ford ang malamig na pakikitungo ni Madey sa kanya kaya mula sa kabilang kwarto ay tinatawid ni Ford ang kwarto ni Madey upang parusahan lang ito sa pamamagitan ng nakaw na halik mula dito.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Madey's POint of view. Dahan dahan akong lumalapit sa kwarto ng anak ng step mom ko na si Clinford. Pinapatawag na kasi siya ni mama na mama talaga nito, pero natatakot ako rito dahil noong unang dumating ako rito ay pinaramdam talaga nito na galit siya sa akin. Kaya naman hindi ko alam kung kakatok pa ba ako o hintayin ko nalang siyang lumabas. Pero sa bandang huli mas pinili ko ang katukin siya at sabihin dito na pinababa na siya ni mama. Dahan dahan akong kumakatok pero lumipas na ang ilang minuto ay hindi pa rin nito binubuksan ang pinto. ''Kuya Clinford pinababa kana ni mama.'' mahina kong sabi rito, pero wala pa ring sumasagot dito o kahit buksan man lang ang pinto, kaya nagpasya akong sumilip nalang. ''May tao kaya?'' Mahinang tanong ko sa sarili ko. Kaya naman naisipan kong katukin muli ng mahina ang pinto at ng wala pa rin sumasagot, hinawakan ko na ang doorknob at sinubukan buksan ang pinto. Doon ko nalaman na hindi pala ito nakasara ng maayos, kaya naman dahan dahan akong sumilip at doon ko siya nakitang nakadapa at himbing na natutulog. ''Kuya Clinford?'' kalabit ko rito pero umungol lang siya at tumihaya. Napasinghap ako dahil ngayon lang ako nakakita sa personal ng lalaking naka hubad ng pang itaas kaya pakiramdam ko nag iinit ang pisngi ko. Mas matanda siya sa akin ng tatlong taon, kinse na siya at 3rd year high school na, samantalang ako naman ay grade six palang. Bahagya akong nagulat ng makita ko siyang gumalaw at bahagya ng dumidilat. Agad akong lumayo dahil baka bigla nalang ako nitong suntukin o batuhin dahil wala akong paalam na pumasok dito sa kwarto niya. At gaya nga ng nasa isip ko galit siyang bumalikwas ng kama at umupo. ''Anong ginagawa mong babae ka sa kwarto ko?'' sigaw nito, bahagya pa nga akong naluluha dahil sa nararamdaman kong kaba. ''Ano kasi kuya Clin~~'' naputol na salita ko dahil sumigaw na naman ito. ''Anong kuya? Nagpapatawa kaba? Hindi kita kapatid kaya wag mo akong tawaging kuya, stupid.'' sigaw nito. ''Wag ka namang sumigaw Kuya, si Mama ang nagsabi na Kuya ang itawag ko sayo.'' katwiran ko. ''Mama? Wow may instant Mama kana agad? Wow naman pero sorry ka nalang dahil ayoko ng instant na kapatid kaya 'wag mo akong tawaging kuya, lumabas ka dito sa kwarto ko, layas.'' sigaw nito sa akin, palabas na ako ng kwarto nito ng humahangos nang dumating sina Mama at Daddy. ''Anong nangyari bakit ka sumisigaw Clinford?'' tanong ni Mama. Saka kami tiningnan parehas. ''Sa susunod Mama 'wag n'yong paakyatin at papasukin ang babae na iyan sa kwarto ko, at isa pa wala akong kapatid kaya 'wag na 'wag n'ya akong tatawaging Kuya.'' sabi nito kay Mama. Alam kong tila napahiya si Mama at lumapit dito. ''Wag mo akong utusan at sagutin ng ganyan Ford, dahil sa ayaw at sa gusto mo kapatid mo na siya dahil anak sya ni Daddy Martin mo.'' sabi ni Mama dito pero ngumisi lang ito saka tumingin sa kanya. ''Si Daddy Martin tanggap ko bilang Daddy pero yung anak niya nayan ayoko sa kanya. Kaya kung gusto n'yo syang patirahin dito sa bahay, tawagin niya ako sa pangalan kong Ford kung hindi mag aaway lang kaming dalawa.'' yun lang ang sinabi nito saka siya lumabas at dumaan sa harapan ko, bahagya pa nga siyang huminto sa tapat ko at tinitigan ako pero pagkatapos non ay diretso na siya ng labas at iniwan akong maluha luha at inaalo nila Daddy. ''Pagpasensyahan mo na ang anak ko Hija. Hindi siya salbahe nagkataon lang na ayaw nito ng kapatid, kaya sana Ford nalang ang itawag mo sa anak ko huh?'' sabi ni mama na tinanguan ko nalang.. ''Lalabas muna kami kakausapin ko lang si Ford okay?'' sabi ni daddy saka siya umalis habang kasunod nito si mama. At ako naiwang mag isa sa kwarto ni Clinford, saka ko dahan dahang nilibot ang mga mata ko sa kabuuan ng kwarto nito, bago ako tuluyang lumabas at sinara ang kwarto nito. 6 Months later.. Madey's Point of view.... Bakasyon na namin ngayon at iniisip ko kung saan ako papasok ngayong Grade Seven na ako, naabutan ko kasi ang pagpapatupad ng k to 12, kaya imbes na Highschool na ako ay Grade seven pa lang. pero ngayong bakasyon. Lahat kami ay kasalukuyang nasa isang resort sa Cebu, sa totoo lang 'di ko maiwasan ang humanga sa ganda ng lugar. Nasa ganun akong sitwasyon ng makita kong palapit si kuya Ford sa cottage kung saan ako lang ang naroon, dahil sila Daddy at Mama ay nasa may tabing dagat at nagpapa tan ng kulay ng balat. Nagulat pa nga ako ng makita ko si kuya na naka tingin sa akin habang palapit sa kinatatayuan ko na conscious tuloy ako dahil napaka perfect ng katawan nito at sa totoo lang napaka manyak ng utak ko dahil pinagnanasaan ko na ata ang kuya ko. ''Tumabi ka nga, bakit ba naka harang ka sa daan?'' bahagyang sigaw ni kuya na ikinagulat ko. ''Sorry.'' tangi kong nasabi saka ako gumilid para makadaan ito. ''Ewan ko sayo kahit kailan talaga perwisyo ang gaya mo.'' sabi nito saka ako tinabig para kunin nito ang tuwalya na nasa may likuran ko pala. Nasa ganun akong sitwasyon ng makita ko si daddy na palapit sa amin. ''Madey andyan ka pa rin? sabi ko naman sayo diba lumabas ka doon at ng makakita ka naman ng ka edad mo.'' sabi ni daddy. ''Opo susunod na po ako.'' sabi ko saka ako lumakad palabas ng cottage. marami na rin pala ang tao sa may tabing dagat kaya naman naisipan kong umupo sa may buhanginan. ''Ang ganda talaga dito sana nakikita nyo rin po ito mommy...'' bulong ko ng biglang may tumama na bola sa ulunan ko. ''Arayy.....''daing ko saka ko nahawakan ang ulo ko. ''Sorry miss.'' sabi ng baritonong boses mula sa likod ko, kaya naman dahan dahan akong tumalikod upang kilalanin yung taong naka tama sa akin. kaya laking gulat ko ng makilala ko kung sino ito. ''Hyun?'' tanong ko pa dito. ''Madey?'' tanong din nito saka lumapit sa akin. ''Daney ikaw nga, kamusta?'' tanong din nito sa akin at daney naman ang tawag nito sa akin. saka ako inalalayang tumayo. ''Salamat, dito rin pala kayo nagbakasyon? Sino kasama mo?'' tanong ko dito. nakita kong ngumuso ito kaya naman tumingin ako sa itinuturo nito. mga ilang estudyante at ilang mga kabataan rin ang naroon. ''Hey Hyun, na istranded kana yata dyan?'' sigaw ng lalaki sa ka lumapit sa amin. ''Pasensya na nakita ko kasi ang anak ng kaibigan ng mom ko.'' sabi ni Hyun ''Hi!'' sabi nito ng biglang may humawak sa balikat ko, pag tingin ko si Kuya Ford masama ang tingin sa akin at kay Hyun. ''Kuya Ford?'' tanong ko dito. ''Kuya? Diba nag iisa ka lang anak?'' tanong ni Hyun. ''Oo! pero siya ang anak ng bago kong mama, nagpakasal na kasi si dad.'' sagot ko dito ng bigla na naman nagsalîta si kuya Ford. kahit kailan talaga hindi ako masanay na tawagin lang ito sa pangalan nya. ''Kanina ka pa hinahanap nila mama,nandito ka lang pala at nakikipag harutan.'' sabi nito. ''Hindi naman sa ganun kuya.'' sabi ko pero sumigaw na naman ito. ''Diba sinabi ko sayo na hindi mo ako kuya? wala akong kapatid mahirap bang intindihin yon?'' sigaw nito sa akin. saka ako nito hinawakan sa braso ko. nahihiya ako kay Hyun dahil ngayon na nga lang kami ulit nagkita pero ganito pa ang makikita niya. ''Brad! nasasaktan na si Madey bitiwan mo siya.'' may banta sa tono ni Hyun ng sabihin iyon. kaya naman nagpasya na akong humarang at mamagitan sa kanila. ''Wag kang makialam, at ikaw babae anong plano mo? sasama ka ba o hindi. kung hindi bahala ka dyan.'' sabi nito sa akin. saka nito binitawan ng badabog ang braso ko. kaya naman naging alerto ako agad akong humarap kay Hyun at sa kasma nito at nag paalam.. ''Pasensya na Hyun next time naĺang ulit.'' sabi ko dito. nakita ko itong tumango kaya naman balak ko na sanang humabol kay Ford pero bigla akong tinawag ni Hyun. kaya muli akong lumingon. nakita ko ito patakbong na lumalapit sa akin. at ng tuluyan na itong makalapit sa akin ay may inabot ito sa akin. ''Tawagan mo ako, ito ang number ko.'' yun lang ang sinabi nito saka nito ginulo ang buhok ko at tuluyang tumakbo pabalik sa mga ka grupo nito. ''Baka gusto mong lumakad na kesa tumanghod dyan sa lalake mo.'' inis na sigaw ni Ford na ikinagulat ko. ''Hindi ko siya lalake, kaibigan ko siya dahil magkaibigan ang mama niya at ang mommy ko noon.'' paliwanag ko dito, pero tila waĺa lang itong pakieĺam dahil dumiretso lang ito ng lakad papunta kung saan andon sina daddy. habang ako naman nakasunod lang sa likuran ni Ford hanggang sa nakarating na kami kina dad. sa totoo lang masaya ako sa nakikita ko kay dad, masaya kasi ito sa piling ng step mom ko. ''Saan kaba nagpunta kanina Madey at kanina kapa namin hinahanap.'' tanong ni dad sa akin. ''Nagpahangin lang po ako sa may tabing dagat.'' sagot ko dito ng biglang sumagot si Ford. ''Nagpahangin? baka nakipag harutan sa lalake.'' sabi ni Ford naikina nguso ko at ikina kunot ng noo ni dad. ''Hindi po totoo yon dad.'' sagot ko dito. ''Anong hindi? dala dalawa ang kasama mong lalaki, tapos sasabihin mo hindi. maharot ka kasing klase ng babae.'' sigaw nito sa akin. ''Ford bakit ka ba ganyan magsalita sa kapatid mo.'' may banta sa tono ng mama ni Ford. ''Sorry mom. pero inuulit ko hindi ko yan kapatid dahil wala akong kapatid.'' pabalang na sagot ni Ford. ''Ford ano ba?'' sigaw na ni mama, habang si dad naman ang nagtanong. ''Sino ba yung lalaking kasama mo?'' tanong ni dad sa akin. ''Si Hyun po dad, natamaan po kasi ako ng bola nito kaya hindi po inaasahan na nagkita po kami.'' sagot ko kay dad. ''Si Hyun yung anak ni ninang Alice mo?'' tanong ni dad sa akin na tinanguan ko naman. ''Opo dad...'' sagot ko. ''Talaga nasaan siya? kasama ba nya si ninang mo?'' tanong ni dad na inilingan kong muli. ''Hindi ko po alam nagpa alam din po kasi ako agad.'' sagot ko. ''ganun ba? kung ganon lumapit kana dito at ng matikman mo yung luto ng mama mo. ganun din ikaw Ford kumain kana rin.'' sabi ni dad sa akin at kay Ford. pero imbis na kumain din si Ford ay nagpaalam lang ito. ''Ayoko busog ako kayo nalang..'' sabi nito saka lumakad paalis, pero bago ito tuluyang umalis ay tumingin muna ito sa akin sa paraang blangkong bĺangkong aura. ''Nga pala Madey naisip mona ba kung saan ka papasok?'' tanong ni mama. ''Hindi pa nga po eh, pero nag sesearch na po ako kung saan mas magandang mag aral.'' sagot ko dito. ''Kung gusto mo sa school na pinasukan na lang ni Ford ikaw pumasok gusto mo ba? para pwede na kayong magsabay sa pagpasok at pag uwi.'' sabi ni mama, bagamat gusto ko ang ganung set up, pero alam kong aayaw si kuya. ''Ok lang po sa akin, pero dapat po munang malaman natin kung papayag po si kuya Ford na doon din ako mag aral baka po kasi lalo itong magalit sa akin.'' sabi ko na tinanguan naman nila mama at daddy. saka kami muling nag salo salo sa pagkain. To be continue.......

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook