Madey's Point of view
Pababa na ako ng hagdan dahil kanina pa ako tinatawag ni mama para mag almusal.
ngayon kasi ang first day ko sa school at talaga namang excited ako, gusto ko na kasing makilala ang mga new classmates ko.
kaya ng makababa na ako ng hagdan dumiretso na agad ako sa dinning area para batiin ng good morning sina mama.
''Magandang umaga po...'' sabi ko kina mama at daddy. nakita kong lumawak ang ngiti ni mama ng makita ako.
''wow Madey ang cute mo at bagay na bagay sayo ang uniform mo.'' puri ni mama sa akin na sinigundahan naman ni daddy.
''tama hindi ka lang cute ang ganda mo na rin.'' puri din ni dad.
''thank you po.'' pagpapasalamat ko sa kanila ng biglang may naka bunggo sa akin, pag tingin ko si kuya Ford dire diretsong lumakad na tila walang nadaanan.
Nawala nalang ang atensyon ko kay kuya Ford ng magsalita sina mama sa akin.
''Ford isabay mo sa pag pasok ang kapatid mo huh? hindi pa n'ya kasi alam kung saan ang mga daan.'' sabi ni mama pero tumanggi ito.
''ayoko mom may dadaanan pa ako.'' sagot nito, kaya napayuko ako, lagi naman kasi itong galit at inis lalo na kung may gagawin itong pabor sa akin..
''pero ihatid mona muna si Madey.'' pilit parin ni mom kay kuya Ford, kaya naman sumingit na ako sa usapan nila.
''Mama ako nalang po ang papasok mag-isa t'yak ko po hindi ako maliligaw...'' sabi ko kay mama, kita ko ang pagka disgusto nito sa sinabi ko kaya umiling pa rin ito.
''No Madey sumabay ka kay Ford.'' sabi nito saka matalim na tumingin kay kuya Ford at nagsalita.
''Wag mo akong hintayin magalit Ford, ihahatid mo ang kapatid mo sa ayaw at sa gusto mo or else hindi ka makakasali sa basket ball ngayong taon..'' pinal na sabi ni mama saka pinapaupo ito para kumain pero umiling ito.
''Wala akong ganang kumain, aalis na ako.'' sabi nito saka matalim na tumingin sa
akin kaya napa yuko ako, sa totoo lang naiiyak ako ngayon, pakiramdam ko kasi napaka pabigat para dito na kilalanin akong kapatid.
''Pero di pa kumakain ang kapatid mo! sabi ni mama.
'' 'di ko problema 'yon basta aalis na ako, kung kakain pa s'ya okay, maiwan siya.'' sabi nito saka mabilis na tumalikod at naglakad. napansin kong naikuyom ni dad ang mga kamay nito na ang ibig sabihin ay nagagalit na ito, kaya ang ginawa ko ay yumakap na kay dad at kay mam saka naka ngiti na nagpaalam sa mga ito.
''Dont worry mom sa canteen nalang po ako kakain ng breakfast.'' sabi ko sa mga ito saka mabilis na naglakad pasunod kay kuya Ford.
mabilis itong lumakad kaya naman tumatakbo na ako.
''Kuya Ford sandali lang please..'' sabi ko pero hindi ito huminto bagkos naglakad pa rin ito kaya ng naabutan ko ito ay agad ko itong hinawakan sa mga kamay.
napahinto naman ito at napatingin sa kamay niya na kasalukuyang hawak hawak ko.
''Sorry!'' sabi ko sabay bitaw sa kamay nito.
''Bakit ba? kung susunod ka lang sa akin sana sumunod ka nalang hindi yung nag iingay ka pa nakakainis.'' sigaw nito sa may mukha ko.
''I'm sorry kung naiingayan ka sa akin. but please kahit sigawan mo ako basta tayo lang ang magkaharap o kahit pa may mga ibang tao okay lang sa akin.
pero sana kung si dad na ang kaharap mo kahit ka plastikan na kabaitan lang sa akin okay na hindi ako magrereklamo..ayoko lang kasi na naaawa si dad sa lagay ko at baka sisihin pa nya ang sarili niya sa nangyayari sa akin.'' mahabang sabi ko pero tinawanan lang ako nito.
''Bakit kawawang kawawa ka na ba sa lagay mo na yan? umpisa palang ayoko na sayo kaya pinaparamdam ko iyon sa iyo.'' sigaw nito kaya napaiyak na talaga ako ng sobra..
naramdaman ko ang pagkagulat at pagkabigla nito sa pag iyak ko kaya naman hindi ito agad naka pag salita agad.
''Tumigil ka sa pag atungal mo pinagtitinginan na tayo.'' impit na bulong nito sa akin, pero lalo lang akong napaiyak. akala ko lalayasan na ako ni kuya pero laking gulat ko ng hawakan nito ang kamay ko at hilahin ako.
narinig kong sumigaw ito ng taxi at maya-maya pa ay hinila na ulit ako nito at itinulak at sumakay sa taxi,
''Bakit tayo sumakay? baba nalang ako.'' sabi ko pero isang nakakatakot na tingin ang ibinigay nito sa akin.
kaya tumahimik nalang ako.
''Saan kayo hijo.? tanong ng driver.
''Pakihatid na lang po kami sa
St. Qualfie Montessori Collage, manong.'' sagot ni kuya ford sa matanda.
hindi na nagsalita si manong basta naramdaman ko nalang na umaandar na kami.
''Susundin ko ang sinasabi mo! hindi ako magpapakita ng pagka disgusto ko sa iyo sa harap ni uncle dad, sa isang kundisyon.'' sabi nito kaya napatingin ako bigla dito.
''Ano yon.?'' tanong ko.
''Mula ngayon hindi ko na maririnig mula sa bibig mo ang salitang kuya, dahil hindi kita kapatid at kahit kailan hindi kita gugustuhin bilang kapatid ko.'' mahina pero may diing sabi nito sa akin kaya napa yuko nanaman ako...
''Okay Ford.'' sagot ko, akala ko tapos na pero di papala...
''At isa pa, pag nasa school tayo hindi kita kilala at hindi mo rin ako kilala. meaning strangers tayo sa school.'' sabi nito kaya naman napatanggo nalang ako.
saka ako napatingin sa labas..
''Manong dito nalang ako.'' sabi ni Ford kaya napatinggin ako dito kaya nagtama ang mga mata namin.
''Oo dito nalang ako, diba sinabi ko naman sa iyo na may lakad pa ako? kaya ikaw dumiretso ka sa school at ako naman ay may pupuntahan pa.
''Manong paki hatid hanggang sa tapat ng gate.'' sabi nito saka walang sabisabing umalis at malakas na isinara ang pinto ng kotse.
kaya naiwan akong nakayuko at awang awa sa sarili.
''Hija, andito na tayo '' sabi ng matanda kaya naman bababa na sana ako ng biglang tawagin ako ni manong.
''Hija, one hundred fifty pesos ang metro n'yo'' sabi nito.
''Hindi naman nagbayad yung binatang kasama mo eh.'' sabi ni manong. kaya naman napahawak ako sa bulsa ko.
''My god one hundred fifty lang ang pera ko...'' bulong ko, pero dinukot ko pa rin 'yon at saka inabot kay manong.
''Salamat po.'' sabi ko sa matanda saka ako tuluyang lumabas ng taxi.
''paano na ngayon 'yan? nagugutom na ako, pero wala naman na akong pera na.
''Bahala na nga.'' bulong ko saka ako lumakad para hanapin ang room ko.
di rin naman ako gaanong nagtagal dahil nakita ko rin ito agad.
yun nga lang nanunuyo na ang labi ko at nangangasim na ang sikmura ko sa sobrang gutom.
kaya naman naisipan ko nang pumasok sa room ko at mag hanap ng mauupuan ko para makapag pahinga, sa ngayon kasi gusto kong yumuko na dahil sobrang nahihilo na ako.
pero palakad palang ako ng biglang umiikot ang paningin ko na tila may pumitik sa mga mata ko at nag blackout ang paningin ko.
pero bago ako tuluyang nawalan ng malay narinig kong may tumawag sa pangalan ko na.
''Daney?'' sigaw nito kaya pinilit kong idilat ang mata ko. Doon ko nakita si Hyun, bakas ang pag aalala.
''Hyun?'' tanong ko pa bago tuluyang nagdilim ang lahat sa paligid ko.