Clinford James Point of view.. Hindi ako mapakali sa kwarto ko, narinig ko kasi ang sabi ni Madey na may date ito kasama si Hyun kaya lalong hindi ako mapakali hanggat hindi ko naku kompronta si Madey. ''Badtrip'' gigil na sabi ko saka ako padabog na lumabas ng kwarto, saktong nakita ko si Madey palabas na rin ito, nakabihis at nakaayos. ''Saan ka pupunta Madey?'' tanong ko dito. Kahit alam ko naman talaga kung saan ito papunta. ''May date kami ni Hyun ngayon Kuya.'' sabi nito na ikinainit na naman ng ulo ko. ''Di'ba sinabi ko na sa iyo na hindi mo ako Kuya? Talaga bang gusto mong nagagalit ako? Kahit kailan hindi kita kayang tanggapin na kapatid?'' Inis na sabi ko dito. Pero di na ito sumagot. Lumakad na lang ito at bumaba, hahabulin ko sana ito pero nakita ko si mommy na paakyat ka

