Chapter 21

2109 Words

*** "Gwen, ikaw na muna ang bahala sa ate mo, ha?" "Opo, 'nay." Masakit man ang mata ay pinilit ko pa ring magmulat para makita ang paligid ko. Hindi na ganoon kasama ang pakiramdam ko, hindi na ganoon kasakit ang katawan at ang lalamunan ko. Pero teka, nasaan ako? Nang maimulat ko ang mga mata ko ay tanging puting kisame ang nakikita ko, puti ang kulay ng paligid ko. "Ate, gising ka na. Tatawagin ko lang si nanay at ang doctor," may tuwa sa boses na sambit ng kapatid kong si Gwenda pero bago pa man siya makatayo at makalabas ay pinigilan ko na siya. "Pa-paano ako napunta rito?" Kunot-noong tanong ko at pilit inaalala ang mga huling nangyari sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko iyong pagkakahalik ko kay Mrs. Perez. Totoo ba 'yon? Hinalikan ko siya? O baka panaginip lang?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD