*** Nagising ang diwa ko nang may maramdaman akong kamay na kumapa sa aking noo at leeg. Masakit man ang aking mga mata ay pinilit ko pa ring magmulat at agad kong nakita ang mukha ni Mrs. Perez. Medyo madilim pa at sa tingin ko ay sobrang aga pa pero gising na siya at heto't may pag-aalala pa rin akong nakikita sa mga mata niya. "Mainit ka pa rin, Ms. Villaflor. Huwag ka na munang pumasok ngayon. Bukod sa akin, sino pang mga prof mo ngayon? Ipapaalam na lang kita sa kanila," sambit nito. Lumunok muna ako at tumikhim para hanapin ang boses ko, "i-ikaw lang at si Miss Jessica, ma'am," masakit pa rin ang lalamunan ko pero kahit papaano ay may lumalabas ng boses hindi gaya kahapon. Mabuti na rin ito. "Okay. K-kaya mo bang mag-isa rito?" Nag-aalangang tanong niya. Tumango lang ako at ngum

