*** Pinadaan ko ang mga daliri ko sa aking buhok habang sumasayaw at masayang nagtatalon sa dance floor. Sumasabay rin ako sa tugtugin at napapasigaw rin na parang kalalaya ko lang sa kulungan. Nandito ako ngayon sa Ace Club kasama ang mga barkada ko, weekend ngayon at walang pasok bukas kaya heto kami at nagsasaya. "Hey, what's up?" Natigilan ako nang may lumapit sa aking isang lalaking matangkad, pag-angat ko ng tingin ay nakita ko ang pinalit sa akin ni Kelsey, iyong ex-girlfriend ko. Hindi naman iyon big deal sa akin dahil hindi ko naman minahal si Kelsey, pareho lang naming pinaglaruan ang isa't isa. "Zarina, right?" Tanong pa nito at inabutan ako ng isang shot ng tequila. Tumango ako. Imbes na kunin ang iniaabot niya sa akin ay nilagay ko ang isang kamay ko sa batok niya at si

