*** Nailipat na ang anak ni Mrs. Perez sa isang private room at hinihintay na lang namin kung kailan ito magigising dahil unconscious pa rin siya. Kasama ako ngayon ng professor ko habang binabantayan ang anak niya at hindi mawala-wala ang ngiti ko sa tuwing bumabalik sa pandinig o isipan ko iyong sincere na pag-thank you niya sa akin kanina. Ang saya ng pakiramdam ko. "Ms. Villaflor?" "Yes, ma'am?" Nakangiting tanong ko. Pinipigilan kong ngumiti at baka isipin ni Mrs. Perez na nababaliw na ako pero hindi ko mapigilan ang mga labi ko. Nakakainis. "Wala bang pumalit sa akin kanina na magtuturo sa inyo?" Napalunok ako nang marinig iyon, "a-ano, ma'am... k-kasi–" natigilan ako sa pagsasalita nang biglang tumunog ang cellphone ko. Medyo kumalma ang puso ko dahil doon, ibang klase talag

