*** Nang muling makapasok si Mrs. Perez sa loob ng kwarto ng bata ay umalis na rin ako at pumunta sa isang office ni daddy. Siguro ay roon muna ako mags-stay while waiting for him. Siguradong kasalukuyan pa lang ngayon ang surgery na ginagawa nila. Sigurado naman akong succesful 'yon dahil magaling talagang doctor si daddy. Nahiga ako sa isang malaking couch, nilagay ko ang isang kamay ko sa noo ko at napatingin sa itaas. Muling pumasok si Mrs. Perez sa isip ko, iyong pag-iyak niya kanina. Halatang sobra siyang nasasaktan. Bukod sa pag-aalala ay nakita ko rin ang galit niya noong sampalin niya ang lalaki. Napailing-iling ako at winaglit ko na iyon sa isipan ko. Sunod kong naisip iyong pinapagawa sa akin nila Zeka, magagawa ko pa ba 'yon? Magagawa ko 'yon! Mas hindi ko kayang i-surrender

