*** "Aray! Bakit ka ba nananapak, Zari?" Tinignan ko nang sobrang sama ang mga barkada ko nang makauwi sila dito sa unit ko. Halatang nakainom ang mga gago, mabuti na lang at hindi sila lasing ngayon. Halos maiyak na ako kanina noong palayasin ako ni Mrs. Perez dahil sa hiya. Ano ba kasing pumasok sa isip ko at ginawa ko ang bagay na 'yon? Galit na galit tuloy siya sa akin. Paano na lang ako sa klase niya? s**t! Napahilamos ako sa sarili kong mukha at padabog na naupo sa sofa at tila batang nagpapadyak, "tangina niyo!" Sigaw ko sa kanila, "leave!" Tuloy ko pa at ginaya ang pagsigaw kanina ni Mrs. Perez sa akin. "T-teka, ano ba kasing nangyari?" Tanong ni Avery. "Sabi niyo daanin ko siya sa santong paspasan, ayon at ako ang pinaspasan at pinalayas!" Natigilan ako sa pag-ngawa at kum

