***
"Oy, saan ka na naman pupunta? Gusto mo na talagang matuluyan?"
Nang makuha ko ang susi ng kotse ko ay tumingin ako kay Avery nang masama. Nandito na naman siya sa unit ko at hindi lang 'yon, kasama niya iyong mga katulad niyang bugok. Nang dahil sa kanila ay ubos na naman ang mga groceries ko. Mga patay gutom talaga.
"Oo nga, Zari. Siguradong hindi ka titigilan ni Darren at ng mga kasama niya."
"Saan ka ba pupunta?"
"Kotse naman ang gamit ko. Hindi naman alam ni Darren na akin iyon. Pupuntahan ko si Mrs. Perez, babawi ako sa naudlot naming date," ngisi ko sa kanila at kumuha ng cookies.
"Utot mo! Date daw. Asa!" Sigaw ni Zeke sa akin at inagaw muli ang kinuha kong cookies kaya nasuntok ko siya sa dibdib.
"Date man 'yan o hindi, susuportahan pa rin kita, Zari," sambit ni Caleb, "basta galingan mo. Dahil kung hindi," napatingin siya sa kabuuan ng condo ko, "amin to."
Nagtawanan silang lahat at nakipag-apir pa si Vincent sa kanila, "ang tigas pa naman ni Perez."
"Sus, daanin mo sa paspasan, Zari. Hina mo!" Wika ni Avery habang lumalamon.
"Gaya ng ginawa niya sa Ate mo?"
Mas lalo silang humagalpak ng tawa dahil sa sinabi ni Zeke na siya namang ikinatahimik ni Avery.
Napailing-iling ako, "bahala kayo sa buhay niyo," sigaw ko sa kanila at lumabas na ng unit ko.
Bago ako dumiretso sa bahay ni Mrs. Perez ay nagtake-out muna ako ng mga pagkain at alak sa paborito namin ni Daddy na restaurant, sa Residencia. Dito ko balak dalhin si Mrs. Perez kagabi dahil alam kong magugustuhan niya rito. Sa ganda ba naman ng place at sarap ng pagkain.
Huminga muna ako nang malalim bago pinindot ang doorbel ng gate ni Mrs. Perez. Nakailang pindot ako ro'n bago ko siya nakitang papalapit na sa akin.
Napalunok ako nang makita ang suot niya. Naka-nighty dress na siya ngayon at.. napakagat ako sa loob ng ibabang labi ko nang mapansing wala siyang suot na bra. s**t!
"Ms. Villaflor? What are doing here?" Tanong nito at tumingin sa dala ko.
Agad akong nag-iwas ng tingin sa dibdib niya at winala iyon sa isipan ko. Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa kaniya and smiled from ear to ear at tinaas din ang hawak kong alak at pagkain na tinake-out ko pa sa Residencia.
"Hi, ma'am. Good evening! Tara, dinner?" Sambit ko.
Bago tumingin nang diretso sa akin ay napatingin muna siya sa balikat ko, "how's your shoulder?" Tanong nito at pinapasok na ako sa bahay niya.
Napangiti ako habang sumusunod sa kanya, "oks na oks na, ma'am," sagot ko.
Habang naglalakad papuntang dining room nila ay napapatingin ako sa mga display sa bahay ni Mrs. Perez. May nakita akong isang picture frame, lumapit ako ro'n at tinignan, picture ng isang bata na sa tingin ko ay apat o limang taong gulang. Sino 'to? May hawig sila ni Mrs. Perez, anak niya ba 'to? May anak na siya?
Shit! Kung sakali mang may anak na siya siguradong mas lalo akong mahihirapan sa gagawin ko. Hindi naman siguro, wala pa naman siguro siyang anak kahit na may asawa na siya. Hindi halata sa kaniya.
"Ms. Villaflor?"
Muli na akong naglakad ulit hanggang sa makarating na kami sa dining area at agad na nilapag ang dala ko. Habang kumakain ay hindi ko mapigilang mapatingin sa mukha ni Mrs. Perez, ang ganda niya talaga, lalo na sa malapitan. Nakakainis, ni kaunting blemishes ay wala. Ano kayang gamit niyang pang-skin care?
"Eat, Zarina. Stop staring."
Natigilan ako at agad na nag-iwas ng tingin. Ang sungit niya talaga at ang taray kapag nagsalita na siya. Siguro kung bata lang ang kausap niya ay matatakot agad iyong bata o hindi kaya ay maiiyak.
"Ah, ma'am, balak mong maging presidente ng Pilipinas?" Tanong ko, pambasag sa katahimikan.
Kumunot ang noo niya pero agad din iyong nawala, "why are you asking me that?"
I shrugged, "hmm, wala lang, ma'am. Baka kasi gusto mo, para kapag naging presidente ka.. makakadalaw ako sa Malacañang Palace. Curious ako sa loob no'n, eh," sambit ko. Napailing-iling siya kaya natawa ako, "kidding. Pero, ma'am? Bakit mag-isa ka lang dito?"
Tumingin siya sa akin nang seryoso kaya napalunok ako. Ano bang pwedeng itanong sa kaniya? About sa lesson namin? Mai-stress ako lalo, wala na nga sa school, eh.
Tangina naman kasi! Sa dinami-rami ng pwedeng ipalandi sa akin ng mga barkada ko ay itong propesor pa naming yelo, sobrang sungit, at parang bato dahil ang tigas ng bawat emosyong meron siya.
"Ah, ma'am? Nagustuhan mo ba 'yang binili ko? Masarap, 'di ba? Sa susunod-"
"Wala nang susunod, Ms. Villaflor."
Napakamot ako sa ulo ko, "edi, next time, ma'am?"
"Are you making fun of me?"
"No, ma'am," agad na sagot ko saka napainom sa beer na binili ko, "ma'am, nag-iinom ka?" Tanong ko nang mapansing hindi niya binubuksan iyong alak na nasa harap niya.
She just nodded. Naghintay ako ng ilang segundo kung magsasalita siya pero wala. Ang tahimik niya, ang cold niya. Pero kapag naglelecture kami ay naeexplain niya ang lahat ng tinuturo niya. Pero kapag kinausap na siya ay para siyang pipi.
Bato nga talaga yata 'tong si Mrs. Perez. Wala siyang sense of humor. Ang hirap niyang akitin o landiin. Paano siya nasulot ng asawa niya? Ang haba ng pasensya niya, ha.
Muli na naman kaming binalot ng katahimikan. Tangina, hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko sa kaniya. Mukha ngang mahihirapan ako rito. Masasapak ko talaga sila Zeke after nito.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko nang maramdaman ko itong nagvibrate. Mula sa ilalim ng mesa ay pasimpleng binuksan ko ang message nila Zeke sa group chat. May sinend siyang picture nila kasama ang banda ng pinsan niyang si Charles, sa dulo ay naroon ang isang babaeng vocalist sa banda ng ACB na madalas naming tambayang bar. Si Savien na walang pakialam sa paligid at nag-iinom lang.
Nakilala namin sila dahil madalas kami sa ACB at pinsan pa ni Zeke iyong isang member sa banda na laging tumutugtog roon. Magaling sila sa totoo lang, lahat sila ay may itsura, lalo na si Savien na nag-iisang babae lang sa grupo.
Sunod kong binuksan ay iyong larawan ng isang misteryosang babae, walang kaemo-emosyon ang mukha pero ang ganda. Parang si Mrs. Perez lang iyong expression ng mukha niya, halatang bato rin ito. Sinasabi ni Zeke na kapatid daw iyon ng kasama ko ngayon kaya napaangat ako ng tingin.
"Ma'am, kapatid mo?" Tanong ko at pinakita sa kaniya ang picture na sinend ni Zeke sa group chat namin.
"Who's that?"
I pursed my lips bago binulsa ulit ang cellphone ko. Sabi ko nga hindi niya 'yon kapatid at pinagt-tripan na naman ako ng mga gago kong barkada.
"Ah, ma'am, may sauce ka sa gilid ng lips," sambit ko nang mapansin ito.
Pinunasan niya ang gilid ng lips niya gamit ang tissue pero may natira pa. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko at tumayo ako para tanggalin iyon sa demonyong paraan. Lumapit ako sa kaniya at yumuko para maglapit ang mga mukha namin. Nilagay ko ang isang kamay ko sa kabilang pisngi niya at unti-unting nilapit ang mukha ko, walang anu-anong dinilaan ko ang sauce roon sa gilid ng labi niya. Agad kong nalasaan iyon, naramdaman ko ang pagsinghap niya dahil sa ginawa ko. Ilang segundong ganoon pero natigil ako nang itulak niya ako nang bahagya.
Kita ko ang gulat sa mga mata niya nang makalayo ako sa kaniya. Hindi inaasahan ang ginawa ko. Nakagat ko ang ibabang labi ko at hindi nagsalita.
"What the hell are you doing, Ms. Villaflor?" Singhal nito sa akin.
"Ma-"
Hindi niya ako pinatapos at muling sumigaw, "just leave!" tinuro niya ang pintuan, galit na galit siyang tumingin sa akin, "leave!"
To be continued...