Chapter 6

2041 Words
*** "Seryoso nga? May dinner date kayo?" Tanong sa akin ni Avery habang nilalantakan iyong cookies na nakuha niya sa kabinet ko kanina. Mabuti na lang at siya lang ang nandito ngayon sa unit ko dahil kung pati sila Zeke ay siguradong ubos na lahat ng groceries ko lalo na't puro sila patay gutom. Alas sinco pa lang ng gabi at seven ang sinabi ni Mrs. Perez na pagsundo ko sa kaniya sa bahay niya dahil nga wala pa iyong sasakyan niya. "Hindi iyon date pero iisipin ko na lang na date 'yon," ngisi ko at naglabas ng mga damit, "hoy, anong mas maganda? Ito o ito?" Tanong ko at itinaas ang pinagpipilihan kong pants. Avery rolled her eyes at muling sumubo, "ayos ka lang? Parehong-pareho 'yang pinapapili mo sa akin. Pwede ka namang mag-skirt para mabilisang tanggalin kapag naisipan ni Mrs. Perez na gahasain ka." Binato ko sa kaniya ang isang leather pants na hawak ko, "tanga! Magmo-motor ako tapos papasuotin mo ako ng skirt?" "Bakit ba kasi motor? Ayos naman iyong kotse mo, ah." "Mas ayos 'yung motor para mayakap niya ako at maamoy. Malay mo maakit," kindat ko sa kaniya at nagtanggal na ng damit para isuot iyong kulay black kong fitted na sando. Kita ang cleavage ko sa suot kong 'to kaya siguradong mapapatingin siya mamaya rito, "isa pa, malabong siya ang manggahasa sa akin. Sa tigas niyang 'yon," tuloy ko nang maisuot ko na ang black na leather jacket ko. "Edi, ikaw ang manggahasa sa kanya. Like you did to my Ate-" "Sapak you want? Anong ginahasa ko iyong Ate mo? Eh, siya nga itong pumaibabaw sa-" "Lalalala, wala akong naririnig. Sige na, mag-ayos ka na," iritang sabi nito at tumayo na. "Oh, saan ka pupunta?" "Kukuha pa ng cookies, may nakita akong nakatago kanina sa kabilang kabinet," nang masabi niya 'yon ay lumabas na siya ng kwarto ko. Pipigilan ko sana siya pero nang tignan ko ang oras sa phone ko ay malapit nang mag-six kaya nagmadali kong kinuha iyong pabango ko sa mesa at ini-spray ko iyon sa leeg at likod ng tenga ko, naglagay din ako sa may wrist ko. Nang makalabas ako sa kwarto ko ay kumuha na ako ng dalawang helmet, iyong isa ay ipapagamit ko mamaya kay Mrs. Perez. Nakangiting kinuha ko iyong susi ng motor ko at dumiretso na muna sa kusina. Nang matagpuan ko si Avery doon ay agad ko siyang binatukan. Eh, paano? Naglagay na siya ng mga pagkain sa bag niya at tila nagg-grocery na. "Oy, goodluck! Galingan mo sa kama, isagad mo! Idiin mo-" Hindi ko na pinatapos pa ang sinasabi ni Avery at sinarado ko na ang pintuan ng unit ko saka dumiretso sa basement para kunin ang motorbike ko. Iniwan ko na siya roon dahil doon daw siya matutulog. Hindi ko alam kung anong trip niya pero hinayaan ko na lang. Nang maayos ko ang pagkakalagay ng helmet na gagamitin ni Mrs. Perez sa likod ko ay pinaandar ko na ang motor ko habang ngiting-ngiti. Medyo malayo ang bahay niya mula rito kaya aabutin pa akong ng trenta minutos bago makarating sa kaniya. Malalampasan ko pa ang isang motor speedway bago makapunta sa kaniya. Masyado nang dumidilim kaya mas lalo kong binilisan ang takbo ng motor ko pero napatigil ako nang mapansing may mga nakahilerang motor sa dapat na dadaanan ko. Nandito na ako ngayong sa labas ng motor speedway pero hindi ko alam kung bakit nandito sila at hindi sa loob mismo. Nang medyo makalapit ako ay naaninagan ko si Darren at ang kanyang mga kagrupo. Napapilig ako ng ulo at napalunok nang makita ang hawak niya, isa itong baril. Tinaas niya ito at ngumisi. Alam ko na agad na ako ang sadya niya, nila. "s**t!" Bago tuluyang makalapit ay niliko ko na ang motor ko at mabilis itong pinatakbo. Rinig na rinig ko ang putok ng baril na gamit niya. Pinagewang gewang ko ang gamit kong motor para hindi ako matamaan. Hindi talaga siya marunong tumanggap nang pagkatalo, tama nga sila Zeke. Sa totoo lang ay alam ko nang mangyayari ito pero hindi ko inaasahan na ngayon ito mangyayari. Muntik na akong matumba nang maramdaman ko ang pagdaplis ng bala sa kabilang balikat ko, mabuti na lang at mabilis kong nabalance ang motor ko kaya bago pa man ako matamaan ulit ay mas lalo ko nang binilisan ang takbo nito. Ramdam na ramdam ko iyong sugat ko sa kabilang balikat ko dahil sa balang dumaplis doon. Sobrang init at sakit nito. Nanginginig na rin ang isang kamay ko pero hindi ako pwedeng tumigil. Nararamdaman ko na rin iyong dugong dumadaloy sa braso at sa dibdib ko. Daplis lang ito pero sobrang sakit na. Tangina naman, oh. Kailangan ko na talagang pumunta sa malapit na Hospital para ipalinis at ipagamot ito. Medyo malayo na ito sa condo ko at hindi ako pwedeng pumunta ro'n dahil siguradong hahabulin ako nila Darren. Mabuti nang sa Hospital na lang para maraming tao at malamang ay hindi sila makakalapit sa akin. May sariling Hospital si daddy at isa siyang doctor pero hindi ako pwedeng pumunta roon, ayaw kong magpakita sa kaniya na ganito. Ayaw ko siyang mag-alala at baka atakehin pa siya sa puso. Siguradong papagalitan ako no'n lalo na't sa pagmomotor ko ito nakuha. Dalawang rason lang ang naiisip ko kung bakit ito ginagawa ni Darren. Una ay gusto niyang mapasakanya ulit iyong isang milyon, gusto niyang ibalik ko iyon sa kaniya. Pangalawa ay naapakan ko ang ego niya dahil sa pagkakapanalo ko mula sa grupo niya lalo na't babae ako at lalaki sila. Bago ko tinigil ang motor ko ay napatingin muna ako sa side mirror. Nang mapansing wala nang humahabol sa akin ay pinark ko na ang sasakyan ko sa harap ng Hospital, tinanggal ko na ang suot kong helmet at leather jacket at pumasok na roon. Agad akong napansin ng isang nurse o doctor kaya agad niya akong inalalayan nang makita niya ang dumadaloy na dugo sa kamay ko. Pinaupo niya ako sa bakanteng bed at may ilang tinanong habang nililinisan at ginagamot ang sugat ko. "Doktora Amanda, ako na riyan. Tinatawag ka na ni Doc Sy para mag-assist sa kaniya sa OR." Natigil ang babaeng doctor na nag-aasikaso ngayon sa akin, tumingin siya sa relos niya saka tumingin sa likuran niya at tumango. Bago ito umalis ay ngumiti muna ito sa akin. Umaga na nang makauwi ako sa condo ko dahil pinagpahinga muna nila ako sa Hospital. Agad akong naligo at nagbihis dahil siguradong late na naman ako. Maingat ang mga galaw ko at baka dumugo na naman ang sugat ko sa balikat. Patakbo akong pumasok sa room ko dahil kaunting minuto na lang ay mal-late na talaga ako. Nang makarating ako roon ay nakahinga ako nang maluwag dahil wala pa si Mrs. Perez- "f**k!" Mahinang bulalas ko nang maisip si Mrs. Perez, iyong dinner date namin. Tangina, bakit ko nakalimutan iyon? s**t! Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa kaba nang bumukas ang pintuan ng room namin. Napalunok ako nang marinig ang tunog ng heels niya. Nasa table na siya ngayon at nang mailapag niya ang mga gamit niya ay nag-angat siya ng tingin sa amin. Nanlaki ang mga mata ko nang magtama ang mga mata namin. s**t! Patay talaga ako. Seryoso lang ang tingin niya sa akin, sobrang lamig. Galit ba siya sa akin? Malamang, Zari! Sinong hindi magagalit kapag nainjan? "Pass," maawtoridad na sambit nito nang maibigay niya ang mga test paper sa mga nasa harapan. Mas lalo akong napalunok nang maalalang hindi nga pala ako nakareview o kahit basa man lang lalo na't pre-test ito. Tangina! Halos masapo ko ang noo ko nang mabasa ko ang unang tanong sa test namin. Familiar ito pero hindi ko alam ang sagot. Hindi ko alam kung nakailang mura na ako sa isipan ko ngayon. Ramdam na ramdam ko na ring ang mga nabubuong butil ng pawis sa noo at sentido ko. "5 minutes more!" Naiiyak na ako dahil mas marami pa rin iyong hindi ko nasagutan. Iilan lang iyong alam ko rito. Patay talaga ako. "Uy, magpasa ka na." "Aray!" Halos maiyak ako nang maramdaman ang p*******t sa balikat ko dahil sa biglang pagtapik ni Zeke sa akin doon. "Ms. Villaflor?" Kagat ang ibabang labing tumingin ako sa harapan nang marinig ang galit na boses na iyon galing kay Mrs. Perez. Galit ang mukha niya pero bigla itong nagbago at napalitan nang pagtataka at pag-aalala—bakit? "Your right shoulder is bleeding," sambit niya saka tinuro pa ang balikat ko. "Uy, oo nga. Anong nangyari riyan, Zari?" Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya ngumiti na lang ako nang pilit saka napatingin sa balikat ko. Tama nga sila, may mantyang kulay pula na roon sa puting damit ko, dugo. "What happened to your shoulder?" Nakalapit na si Mrs. Perez sa akin. "W-wala, ma'am. Mantya lang 'yan, nalagyan yata ng ketchup kanina-" "Mr. Viernez, samahan mo si Ms. Villaflor sa clinic." Hindi na nagsalita pa si Zeke at agad na tumayo saka ako inalalayan. Hindi na rin ako nagsalita pa at umangal, sumama na lang ako kay Zeke hanggang sa makarating kami sa Clinic. Agad na lumapit ang nurse sa amin nang makaupo ako sa malinis at puting bed. Nang makalabas si Zeke ay tinulungan na ako ng nurse na tanggalin ang suot kong damit pati na rin ang bandage sa sugat ko. "Teka, saan mo ito nakuha? Daplis 'to ng bala ng baril, ha?" May gulat sa mukha ng nurse nang sabihin niya iyon. Nililinisan na niya ngayon ang sugat ko. "N-nako, hindi. Malayo, napaso lang ako," pagsisinungaling ko. Hindi ko pwedeng aminin na daplis nga iyon ng bala ng baril dahil siguradong irereport ito at makakarating kay daddy. Nang malinisan ng nurse ang sugat ko ay may binigay siya sa aking extrang damit na susuotin ko muna at gamot para mabawasan iyong sakit na nararamdaman ko. Hindi na muna niya ulit ako pinapasok at gumawa na lang ng excuse letter. Muling pumasok si Zeke at may pag-aalala sa mukha niyang lumapit sa akin, "anong nangyari sa balikat mo?" Tumingin tingin muna ako sa paligid para tignan kung meron pa rin iyong nurse. Nang mapagtantong wala na ay nagsalita na ako, "si Darren," sambit ko. Napailing-iling si Zeke. Halata ang galit sa kaniyang mukha, "sabi na, eh. Gago talaga 'yon!" "Hayaan mo na. Daplis lang naman." "Kahit na, Zari. Ireport natin siya," galit na sambit ni Zeke at umigting ang mga panga nito saka nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya. "Malakas si Darren, Zeke. Baka nakakalimutan mo. Ang dami na niyang nalusutang kaso dahil marami siyang kaclose na mga pulis at kung anu-ano pa. Baka mas lalo lang mag-init ang ulo no'n pag nireport natin siya," paalala ko, baka pati sila ay madamay kaya huwag na lang. Magsasalita pa sana si Zeke nang muling bumukas ang pintuan. Sabay kaming napatingin doon at napalunok ako nang makita si Mrs. Perez. Lumingon ang katabi ko sa akin at nagpaalam na. "M-ma'am, s-sorry kagabi," sambit ko na tila nahihiya. Nakaalis na si Zeke at kaming dalawa na lang ni Mrs. Perez ang narito. Seryoso at walang kaemo-emosyon siyang nakatingin sa akin, maya't maya ay dumapo ang tingin niya sa balikat ko, kung nasaan iyong dumugo kanina. "Are you okay now?" Tanong nito at hindi pinansin ang sinabi ko kanina. Napalunok muna ako bago tumango, "y-yes, ma'am. Malayo sa bituka," I said and faked a laugh. "Ma'am Perez?" Pareho kaming napalingon ni Mrs. Perez sa tumawag sa kaniya. Iyong nurse kanina na umasikaso sa akin ang naroon. Lumapit siya sa amin habang nakangiti. "Student mo?" Tanong nito, "napaso lang daw iyong nasa balikat niya pero sa tingin ko ay dapli-" "Aray!" Sigaw ko at umarteng nasasaktan saka hinawakan ang balikat ko para hindi matuloy nung nurse ang sinasabi niya. Agad na lumapit sa akin si Mrs. Perez at nag-aalalang hinawakan ako sa likod ko, "Lea, pinainom mo na ba siya ng pain reliever?" Humalumbaba ako at kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pagngiti at para maitago ang mukha ko. This is the first time na nakitaan ko siya ng ganoong emosyon. Ang cute niyang mag-alala pero naroon pa rin iyong lamig sa mga mata niya. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD