Chapter 5

1807 Words
*** Halos madapa na ako dahil sa bilis nang pagtakbo ko at may ilan na rin akong nakakabangga. Mabuti na lang talaga at kilala nila ako kaya imbes na magalit ay tawang-tawa pa sila sa kalagayan ko. "Late na talaga ako, tangina!" Anong oras na nang tumila ang ulan kagabi, madaling araw na yata no'n kaya madaling araw na rin akong nakauwi sa unit ko. Hindi na ako ulit natulog dahil nagreview ako. Masyadong matigas si Mrs. Perez kaya hindi ko rin nagawa iyong pakay ko sa kaniya, iyong pinapagawa ng mga barkada ko. Ang hirap niyang akitin, mas matigas pa siya sa bato kung tutuusin. Ni hindi niya ako tinitignan kagabi at tutok lang siya sa ginagawa niya sa laptop niya. Sa ganda at sexy kong ito ay nagawa niya lang iignore? Anong klaseng tao siya? Kahit nga straight kung nakita ang katawan ko ay mapapanganga samantalang siya ay wala man lang kahit anong reaksyon no'ng lumapit ako sa kaniya. Nakakainis! Huminga muna ako nang malalim bago kumatok sa pintuan ng room namin. Alam kong late na ako ng ilang segundo o minuto at alam ko rin na ang ginagawa ni Mrs. Perez sa mga late ay hindi na pinapapasok sa room niya pero tangina, bahala na! Bumilis at lumakas ang kabog nang puso ko nang unti-unting bumukas ang pintuan. Sobra iyong kabang nararamdaman ko ngayon. Paano kapag hindi niya ako pinapasok? Siguradong bagsak ako dahil hindi ako makakatake ng test. "Pres, bakit ngayon ka lang?" Gulat na sambit ng isa kong kaklase, "akala namin absent ka," patuloy pa nito. "Wala pa si Ma'am Perez?" Tanong ko at hindi pinansin ang sinabi niya saka nagmadaling pumasok. "Umalis saglit. May nakalimutan yata," nakangiting sambit niya, "hoy, si pres! First time nalate!" Natatawang sigaw nito nang makaupo na ako sa likuran. Tawang-tawa ang ilan, ang ilan ay curious kung bakit ako nalate, kung anong dahilan ko. May nagsasabi pang first time in the history raw kaya natatawa na lang din ako. Bago pa man dumating si Mrs. Perez ay muli ko nang kinuha ang reviewer ako at nagreview. Sa totoo lang ay tapos na ako pero mas mabuti nang masiguradong wala akong makaligtaan. Siguradong mahirap ang test namin ngayon dahil nga may deal kami. "Papasok na si Ma'am," mahinang sambit ni Jonah na nasa gilid malapit sa bintana. Nakatingin pa siya ro'n pero pagkatapos no'n ay nag-ayos na ang lahat. "Saan ka ba galing kagabi?" Mahinang tanong ng mga barkada ko. "'Tsaka bakit ka late? Anong nangyari sa 'yo?" "Magpunas ka. Wala ka bang panyo?" Shit! Oo nga pala. Agad akong napakapa sa bulsa ko pero wala akong makuhang panyo. Muntik na akong mapasapo sa mukha ko nang maalalang hindi nga pala ako nakadala dahil sa pagmamadali. Nang makapasok si Mrs. Perez ay dali-dali kong kinuha ang panyong inaabot sa akin ni Avery kanina para pamunas sa pawis ko. Agad akong nagpunas at huminga pa nang malalim para tumigil na ang pagtibok ng puso ko nang mabilis dahil sa kaba. Tumingin muna si Mrs. Perez sa amin at nang magtama ang mga mata namin ay agad akong napakagat sa aking ibabang labi at napahalumbaba. Bigla ko na namang naalala iyong ginawa kong kagagahan kagabi. Iyong paghubad at paglapit ko sa kaniya na nakaunderwear lang. Ni hindi man lang siya naakit, tangina! Nang matapos iyon ay napatingin ako sa harapan. Nakaayos na ang lahat ng gagamitin niya para sa lecture namin. Ngayon ay nagbibigay na siya ng test papers sa harapan para ipasa na lang ng nauna ang mga papel papunta sa likuran, dito sa amin. Agad kong hinanap ang ballpen ko sa bag ko nang dumating na sa akin ang test paper ko pero s**t! I can't find any ballpen in my bag. Iba rin pala ang nadala kong notebook. Mabuti na lang at nakuha ko iyong reviewer ko pero ang ibang mahahalagang bagay ay hindi ko na nakuha dahil nga sa pagmamadali kanina. Patay, Zari! Napatingin ako sa katabi ko na medyo malayo rin sa akin dahil naka-one-seat-apart kami, kahit hindi test o exam ay ganito ang ayos namin para iwas tsismisan at ingay, "Mae, may extra ballpe-" "What's that? Ms. Villaflor and Ms. Vilorya!" Napapikit ako nang madiin nang marinig ang boses na iyon. Agad akong umayos at tumayo saka tumingin sa kaniya. Napansin ko rin ang pagtayo ni Mae kaya naguilty ako sa ginawa ko. May nadamay pa tuloy ako. Ano ba namang katangahan 'yan, Zari? "I'm sorry, ma'am," mahinang sambit ng katabi ko pero sapat na para marinig ng terror naming propesor. Nakatingin na rin ang iba sa akin at tila natatakot din. May ilang naaawa at gulat dahil hindi nila inaasahang isa ako sa sinita ni Mrs. Perez. "What's the problem?" Seryosong tanong nito at lumapit sa amin. Bago pa man makapagsalita si Mae ay inunahan ko na siya dahil siguradong wala ang isasagot nito at alam kong ayaw na ayaw iyon ni Mrs. Perez. Baka mas lalo lang siyang magalit sa amin, "I was just borrowing a pen, ma'am," mahinang sambit ko at nagbilang na sa isipan ko. Sigurado kasing sesermunan niya ako tungkol sa pagiging ready ng isang estudyante at graduating student na kami kaya dapat ay hindi na kami ganito. "Here, use this. You two, sitdown." Gulat na gulat ang lahat dahil doon. May iniabot siyang black ballpen sa akin at hindi namin iyon inaasahan. Ang inaasahan ng lahat ay magagalit siya. Naupo na kami ni Mae at wala nang kahit isang umimik. Nang tumalikod sa amin sa Mrs. Perez at nang maglakad na siya ulit papunta sa harapan ay may naramdaman akong kurot at tusok sa tagiliran ko. Hindi pa man ako lumilingon ay alam kong ang mga barkada ko iyon. Habang naglalakad si Mrs. Perez ay napatingin ako sa likuran niya at napakagat labi nang makita na naman ang hubog ng katawan nito. Lalong-lalo na iyong matambok niyang likuran dahil naka-pants siya ngayon. Para talaga siyang mas bata pa sa amin kung titignan. "Sumagot ka na," rinig kong sambit ni Mae kaya napalingon ako sa kaniya. "Sorry kanina," bulong ko. Ngumiti lang siya at nagpatuloy na sa pagsagot at ganoon din ako. Nakangiting sinasagutan ko ang test paper ko dahil nareview ko ang lahat ng iyon. Pagkatapos ng klase ko ngayon ay uuwi ako nang maaga at matutulog dahil wala pa akong tulog. "Once you are done, you can pass your paper." Muli akong napatingin sa harapan pero agad akong nagsisi nang makitang nakatingin din pala si Mrs. Perez sa direksyon ko. Seryoso ang mga tingin niya sa akin kaya muli akong humalumbaba at nagpatuloy sa pagsagot. Nang matapos akong sumagot ay tumayo na ako at pumunta sa harapan para magpasa, "thank you, ma'am," sambit ko nang maibalik ko na sa kaniya ang ballpen niya. "Hindi ka magsusulat mamaya? Gamitin mo na muna 'yan," seryoso lang siya habang sinasabi niya 'yon. Tumango ako at muling kinuha ang ballpen niya saka na tumalikod. Nakita ko ang ilang pagsulyap sa akin ng mga kaklase ko at ang mga barkada kong todo ngisi. Ngumisi rin ako hanggang sa makaupo na ako sa upuan ko. "Ms. Villaflor?" "Y-yes, ma'am?" Sumenyas si Mrs. Perez na muli akong lumapit sa kaniya kaya iyon ang ginawa ko. Muli niyang iniabot sa akin ang papel ko at tinuro ang bandang itaas no'n. Ganoon na lang ang gulat at hiyang naramdaman ko nang makita ko ang sinulat kong pangalan. Perez, Zarina ang nalagay kong pangalan ko. s**t! Ano ba namang iniisip ko kanina? "P-palitan ko na lang po-" "What's my rule again in taking the exam or any test, Ms. Villaflor?" Naka-aircon kami pero ramdam na ramdam ko na iyong nabubuong butil ng pawis sa noo at sentido ko. Bawal ang madumi, ang may erasure sa kahit anong test na binigay niya kaya isa lang ang sigurado ko ngayon, patay ako! "I'm sorry, ma'am," tanging nasambit ko. Tinignan niya ako nang seryoso at napailing-iling, "go back to your seat now." "Y-yes, ma'am." Pagharap ko sa mga kaklase ko, lalong-lalo na sa mga barkada ko ay nakita ko kung paano sila magpigil ng tawa. Nilagay pa ni Zeke ang hintuturo niya sa leeg niya na ang ibig sabihin ay patay ako. Patay talaga ako! Matapos ang discussion ay nag-ayos na ng gamit ang lahat pero bago pa man sila makaalis ay natigilan sila nang muling magsalita si Mrs. Perez. "Ms. Villaflor, stay. I want to talk to you," sambit nito kaya napalunok ako. Bago makaalis ang mga barkada ko ay tinapik muna nila ako sa balikat samantalang si Avery ay hinawakan na naman ang puwet ko. Tawang-tawa sila nang makalabas sila ng room. Kinuha ko na ang bag ko at kabang-kabang lumapit kay Mrs. Perez na ngayon ay nag-aayos na rin ng gamit, "ma'am?" Umangat ang ulo niya at tumingin sa akin matapos niyang ilagay ang laptop niya at iba pang papers sa bag niya. Suot niya ngayon ang salamin niya pero nang tignan niya ako ay tinanggal na niya iyon kaya kitang-kita ko na naman ang magaganda at malalalim niyang mga mata. Napansin kong light brown ang mga mata nito at kasing lamig ito ng yelo kung titignan. Ang inosente ng mukha niya pero sa likod no'n ay ang masungit niyang ugali at ang pagiging terror niyang propesor. "Anong oras matatapos ang klase mo mamaya?" Napakurap-kurap muna ako bago sumagot dahil napapatunganga na naman ako sa mukha niya, "alas dos, ma'am. Bakit?" "I can't join you for lunch, so maybe dinner?" Nanlaki ang mata ko sa gulat dahil sa sinabi niya, "p-po?" Muli na niyang binalik ang salamin niya at ngayon ay tila bagot na bagot siyang tumingin sa akin, "tumutupad lang ako sa deal natin, Ms. Villafor. Naperfect mo iyong test kahit mali iyong nilagay mong last name mo." "T-talaga, ma'am?" Sumilay ang malapad kong ngiti sa labi dahil sa narinig ko, "ayos! May alam akong magandang restaurant na malapit dito, ma'am. Siguradong magugustuhan mo roon," tuwang-tuwa pang sambit ko. "Okay," tipid na sabi lang nito at walang lingon na umalis na siya saka ako iniwan. Napapitik ako sa aking daliri at napatalon pa dahil sa tuwa. Nakangiting lumabas ako ng room at gaya nang inaasahan ko ay nakita ko ang mga barkada kong nasa gilid lang at siguradong hinihintay ako. Lumapit ako sa kanila na may ngiti sa labi. "Kumusta? Mukhang maganda ang pinag-usapan niyo, ah," sambit ni Avery at kinagat ang straw ng iniinom niyang dutchmill. Tumaas baba ang kilay ko, "may dinner date kami mamaya." Gulat silang tumingin sa akin at tila hindi makapaniwala, "weh?" Sabay-sabay na banggit nila, "talaga?" "Kung ayaw niyong maniwala, edi 'wag!" I said and rolled my eyes at them, I also flipped my hair bago naglakad paalis. Magd-date kami mamaya ni Mrs. Perez! Iisipin ko ng dinner date iyon kahit hindi naman talaga! Pagkakataon ko na naman 'to at paniguradong hindi na ito masasayang pa! To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD