*** Nang magising ako ay napatingin ako sa kabuuan ng kwartong kinaroroonan ko. Hindi naman siguro ako nananahinip, 'di ba? Totoo iyong nangyari kahapon at totoong nandito ako ngayon sa kuwarto ni Ma'am Alyson. Bumangon ako at agad na pumunta sa banyo para makapaghilamos at makapagtoothbrush bago tuluyang lumabas ng kuwarto para hanapin sila Ma'am Alyson. Paggising ko kanina ay wala na akong katabi. Nang makababa ako ay agad akong pumunta sa kusina, nakita ko si Ma'am Alyson doon na nakatalikod ngayon sa akin at sa tingin ko ay gumagawa siya ngayon ng umagahan. Muli akong napatingin sa paligid, hindi mahanap ng mga mata ko si Irish. "H-hi," bati ko dahilan para mapalingon siya sa akin. "Si... s-si Irish?" "Maaga siyang kinuha ni Peter. Mag-almusal ka na." Sabi nito na ngayon ay inaayo

