*** "What the hell are you doing here, Ms. Villaflor?" Gulat na tanong ni ma'am Alyson nang makita niya ako sa kusina niya. Alas sinco pa lang ng umaga kanina ay pumunta na ako rito sa bahay niya at pumasok without her permission. Naisipan kong pumunta rito ng ganoon kaaga dahil gusto ko silang ipagluto ni Irish ng almusal-para sa panliligaw na ayaw naman talagang mangyari ng nililigawan ko. May isang linggo na rin ata simula noong sinabi ko sa kaniyang hindi ko siya titigilan. "Good morning!" Bati ko at ngumiti nang sobrang lapad habang hawak ang bowl kung saan naroon iyong adobong manok na magiging almusal namin. Naisip kong iyon ang lutuhin ko at baka namiss iyon ni Ma'am Alyson. "Breakfast is ready!" Sambit ko pa at hindi pinansin ang sinabi niya kanina. "Who gave you the permissio

