*** "Ma'am, in fairness mas masarap kang magluto kaysa sa akin." Puri ko sa kaniya habang kumakain. Chicken curry ang niluto niya at hindi ko maipagkakailang masarap talaga iyon. "I know." Natawa ako dahil sa sinagot niya. "Syempre joke lang. Mas masarap pa rin iyong adobo ko." Pambabawi ko kaya napairap siya, "hindi ka ba napapagod umirap, ma'am? Pero sabagay, ako nga hindi napapagod titigan ka." I said and shrugged nonchalantly saka sumubo ulit. Hindi siya nagsalita pero napansin kong namula ang magkabilang pisngi niya at nag-iwas siya ng tingin. Napaisip ako, nagkaboyfriend din kaya siya noon? Noong hindi pa sila no'ng asawa niya? Noong wala pa siyang anak? Nang matapos kaming kumain ay muli nang pumasok sa kwarto ko si Mrs. Perez para makaligo na dahil mamaya ay aalis na ulit si

