*** "Gusto kita," lakas loob na pag-aamin ko at nang makita ko siyang nag-iwas ng tingin ay muli akong nagsalita, "I mean, g-gusto kitang sumaya at makalaya na riyan sa problema mo, ma'am," agad na pambabawi ko at tumawa nang bahagya dahil bigla na akong tinamaan ng katorpehan, "gusto kitang makitang sumaya. Sana kapag grumaduate na ako makikita pa rin kita." Gusto ko na rin talagang umamin sa kaniya pero biglang pumasok sa isipan kong baka lumayo siya sa akin kapag nalaman niya iyon. Puro laro at hindi seryoso ang mga past relationship ko at siguro ganoon din ang gusto ni Mrs. Perez kaya ginagawa niya ngayon ito. Siguro nakikisakay lang din siya sa akin at wala namang problema sa akin 'yon, sanay naman na ako sa gano'n, ang pagkakaiba nga lang ngayon ay nagkakagusto na ako sa kaniya.

