Chapter 12: Nikolai

1503 Words
The clinic recommended that I go to the hospital for an x-ray. Namamaga na kasi ang braso ko. And when we got the result, nalaman naming na-dislocate nga ang braso ko. Sinemento iyon ng doktor and it will take months for it to be fixed. "Some scratches and a broken arm. Are you sure hindi pa natin kailangang ipaputol iyang braso mo, Nik?" sarkastikong tanong sa akin ni Pavel nang mailagay na ang sling sa nakasemento kong braso. Nang hindi ako sumagot ay napailing siya sa akin. "I can't believe Viktor could do those things to you." "The scratches didn't come from him, Pavel." Gulat siyang napalingon sa akin mula sa pagkakatingin niya sa braso ko. "What do you mean?" "Aksidenteng nakalmot ako ni Geneva. She confronted me about the break up earlier at nang tinangka kong iwanan siya, napakapit siya sa braso ko. Hence, the scratches." "And Viktor?" "He was asking me to talk to him pero ayoko. Tinangka niya akong pigilan. He was angry kaya..." "Angry? More on desperate, Nik. He was desperate dahil may kasalanan siya sa'yo." "I don't want to talk to him, Pavel. Not even see him. Dito na muna ako sa ospital ngayong gabi. Siguradong kapag nakauwi siya, pipilitin na naman niya akong makipag-usap sa kanya. Who knows? Baka ang susunod na baliin niya at ang leeg ko na." Tumawa ako nang pagak. "As if Jethro and I will let that happen. You don't need to stay here para maiwasan lang siya, Nik. Hindi namin siya papapasukin sa bahay para sa safety mo. For sure, sa mga oras na ito ay may kausap na siyang counselor dahil sa ginawa niya kanina sa'yo. He will realize what he has done wrong and for sure, he will feel very guilty na nasemento pa ang braso mo dahil sa kagagawan niya. Besides, walang mag-aasikaso rito sa'yo. Hindi ka makakakain ng tama. Baka nga hindi ka pa makatulog sa tigas ng higaan mo. Umuwi ka at kami na ni Jethro ang mag-aasikaso sa mga pangangailangan mo. I'll even talk to your professor tomorrow. Kukuha ako ng medical report mula sa doktor na nakasaad na kailangan mo ng one week bed rest." Tipid akong napangiti sa kanya. "Thanks, Pavel," mahina kong saad. Sa totoo lang, bukod sa kirot sa braso ko, para akong lalagnatin dahil sa mainit na singaw na nasa loob ng katawan ko. I really need a completed bed rest for a couple of days para makabawi ang isip at katawan ko sa stress na pinagdaanan ko nitong mga huling ilang araw. "Dito ka na muna. I'll go talk to the doctor now." Tumango ako sa kanya. Nang makaalis siya, tumayo ako at nagtungo sa isang bakanteng kama na naroroon. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako kaya nahiga na muna ako roon. Halos kasasayad pa lang ng likuran ko ay nakatulog na agad ako. "Nik? Nik? Damn, you're burning." Nanhahapdi man ang mga mata ko, sinubukan kong buksan ang mga iyon. Nabungaran ko ang nag-aalalang mukha ni Pavel na nakatingin sa akin. "Nilalagnat ka," pagbabalita niya sa akin. Ahh, iyon siguro ang dahil kung bakit triple ang init ng hangin na lumalabas mula sa katawan ko. "My arm hurts," mahina kong saad na tila nagsusumbong ako sa kaibigan ko. "I got your painkiller prescription. Dito ka na muna at binili ako sa pharmacy." Tumango ako sa kanya at muling pumikit na dumiretso sa muling pagtulog. Nang muli akong magkamalay, may narinig akong mga boses na nag-uusap. "Blocked him for the mean time, Jethro. Siguradong hindi ka titigilan ng gagong iyan sa katatawag hanggang hindi mo sinasabi kung nasaan tayo." I'm sure that's Pavel's voice. "Eh di lalong hindi matatahimik ang ulol na yun kapag blinock ko siya? I'll just tell him that we are safe especially Nik. At kapag mangungulit siya, Hindi tayo uuwi ng isang linggo. Tignan ko lang kung di mabaliw nang tuluyang yung gagong iyon. Fùck, I can't believe na magagawa niya iyan kay Niko!" Bumuntonghininga si Pavel. "Ako rin. I saw him awhile ago. He was acting insane." "It's a good thing na wala tayo roon. kundi, tayo na naman ang sasalo sa kabaliwan niya." "Mabuti naman at hindi mo siya kinakampihan this time." Pareho silang napatingin sa akin dahil sa sinabi ko. Nanlalaki ang mga mata. At pagkatapos ay nagmamadaling lumapit sa kama na kinahihigaan ko. Agad na dinama ni Pavel ang noo ko habang si Jetro ay nagpunta sa gilid ng kama at ini-adjust iyon para makaupo ako. "Anong oras na ba?" "It's already nine in the evening." Si Jethro ang sumagot sa tanong ko habang kinukuha ang ilang paper bags na sigurado akong mga pagkain ang laman. "Ang mabuti pa, kumain ka na para makainom ka na ng mga gamot. Mainit ka pa rin pero Hindi na kasingtaas ang temperatura mo ngayon kumpara kanina," sabi naman ni Pavel habang inaayos ang mga pagkain sa tray na nasa harapan ko. "Kaya mo bang kumain ng one hand lang? Tsk. Ito pa namang dominant na kamay mo ang pinilay ng gagong Viktor na iyon," galit na saad ni Jethro. "That's why we're both here para alalayan siya," sabi naman ni Viktor sa kanya. "Wait, kaya ko naman siguro..." "No," sabay nilang agad na sagot. "Minsan ka lang naming inaalagaan kaya susulitin na namin." Ngumiti sa akin si Jethro at inilapit ang chopsticks na may pagkain sa bibig ko. Isinubo pa niya iyon sa akin ang ngumanga ako. "Will you both stay here? Di ba may pasok kayo bukas?" tanong ko na nang matapos ako sa pagkain at makainom ng mga gamot. "We have a valid reason not to attend. I'll show your medical to your professors para maipadala nila ang mga modueks ng lessons na mami-miss mo. As for us, you don't have to worry. Bahala na rin kaming magsabi sa mga teachers namin." "Pero..." "You are more important than school, Nik." Saglit akong napatitig kay Pavel bago ako ngumiti. "Thank you pero saan kayo matutulog? Kasya ba kayong dalawa sa mahabang couch?" "Kakasya kung nakaupo kaming matutulog," pagpapatawa ni Jethro. "Don't worry about us. Napag-usapan na namin ni Pavel ang schedule namin. Kung sino ang magbabantay at mauunang matutulog. Hindi kami pwedeng sabay na matulog kahit magpasok pa kami rito ng 2 extra beds." "Bakit kailangang may magbantay sa inyong dalawa?" "Nik, you know Viktor's uncle. Kung hihingi siya ng tulong mula rito, matatagpuan ka niya agad. Mas mabuti nang may aalerto sa atin kapag dumating siya nang walang pasabi." "Ano ba ang pinakain mo sa gagong iyon at naging baliw na baliw sa'yo?" nagbibiro namang tanong ni Jethro sa akin. Nag-init ang magkabilang pisngi ko. "It maybe... the s*x," mahina kong pag-amin sa kanya. Biglang natahimik ang buong kuwarto. "Nag-s*x na kayo?!" Halos mapatalon ako sa kama sa biglang pagsigaw ni Jethro. Nanlalaki ang mga mata niya na akala ko ay mahuhulog na ang mga iyon mula sa kinalalagyan ng mga ito. Nakanganga namang nakatitig sa akin si Pavel. Gulat na inamin ko iyon sa harapan nilang dalawa. "We're... we're in a relationship so..." paputol-putol kong sabi. "All I thought at nagliligawan pa lang kayo. Ahh, kaya siguro ganon siya katakot na makikipag-break ka sa kanya. Natatakot siya na hindi ka na niya matitikman." Humalakhak pa nang malakas si Jethro na lalong sumunog sa mukha ko. "I don't think it's all about the s*x, Jethro." Sabay kaming napatingin kay Pavel nang magsalita siya. Tumingin siya sa akin. "Matagal ko nang napapansin na madalas ka niyang tinignan kapag hindi ka nakatingin sa kanya." Nagulat ako sa sinabi ni Pavel. Nagtataka. "Matagal na...?" "Ahh, yes. Pansin ko rin Yan," sabat naman ni Jethro. "Akala ko nai-insecure lang siya sa kagwapuhan mo kasi pangit siya." "At yung pagdadala niya ng girls sa bahay? Ginagawa lang niya para makuha iyong atensiyon mo. Di ba madalas ka niyang tanong about what you think of them? Parang it's just some means for the both of your to start a conversation. I also think, sinadya niya talaga iyong nangyari sa kanila ni Geneva. He did it para sa plano niya." "Plano?" sabay naming tanong ni Jethro. "Hindi n'yo pa ba naaanalisa? Everything Viktor did was according to his hrand plan of claiming Nikolai. Kung hindi ako nagkakamali, it all started the day he met you. Sino ba ang nagpumilit na tumira tayong lima sa iisang bahay? Kaninong lupa iyong kinatatayuan ng bahay? Sinong gumastos?" "But we're paying a monthly rent..." muling singit ni Jethro. "Na sa pambayad lang ng kuryente napupunta if you will total it. Sino ang madalas bumili ng mga ingredients ng mga paboritong pagkain ni Nik? Ang namili ng kuwarto kung saan siya mananatili which is conveniently, katabi ng kuwarto ni Viktor. Everything was planned, set up by him." Napatingin silang dalawa sa akin. "He's obsessed with you," mahinang sabi ni Jethro when realization finally hit him. "Hindi lang basta obsessed kundi insanely obsessed. And I doubt kung makakawala ka pa sa kanya hanggang naririto ka sa Russia, Nik." Napalunok ako sa sinabing iyon ni Pavel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD