Chapter 13

1923 Words
Naghihilik na si Jethro na nakahiga sa mahabang couch pero mulat na mulat pa rin ang mga mata ko. Hindi ako makatulog hindi dahil sa lakas ng hilik ng kaibigan ko kundi dahil sa mga sinabi nila ni Pavel kanina. They said that Viktor was obsessed with me at hindi ako makakatakas sa obsession nito sa akin hanggang naririto ako sa Russia. Aaminin kong natatakot ako dahil napatunayan na ng mga sinabi nila ang sapatha ko. I should be glad, isn't it? Finally, the man I secretly admired finally took notice of me. But his ways of handling his obsession with me makes me scared. Napabuntonghininga ako. Finally, our friends have proven na totoo iyong unang naramdaman ko sa unang pagkakataon na nagkakilala kami ni Viktor. There's a certain attraction between us. We just didn't pay too much attention to it dahil pareho kaming lalaki. And when he didn't make a move, tinanggap ko na lang na hanggang pagkakaibigan lang talaga ang mamamagitan sa aming dalawa. Who would know that after some years of friendship, saka lang magkakaroon ng ibang level ang pagkakaibigan namin? The first time I saw him, kahit babaero at mayabang ang dating niya, may isang bagay sa kanya na talagang nakaakit sa akin. Sa tuwing tumitingin kasi siya sa akin parang bumabait iyong mala-demonyong aura niya. He was always the first one to smile at me sa tuwing nagkakasalubong kami sa school. He engaged in conversation with me kahit na ako ang pinakatahimik sa grupo. He made me feel at ease sa tuwing magkakasama kaming lahat. I was falling for him until I realized na hindi pwede. Hindi ako pwedeng mahulog nang tuluyan sa kanya dahil una sa lahat, Ako lang ang masasaktan kapag nangyari iyon. Everyone knows that he's into girls and would never have any physical relationship with boys. I discovered it when Azyra told us about his past relationship with Kenji and his relationship with Kenji's cousin. Si Viktor ang unang nagsabi ng pagtanggi sa ganong klaseng relasyon which eventually natanggap din niya dahil Hindi niya rin naman ipagpapalit ang pagkakaibigan nila ni Azyra dahil lang sa pagiging homophobic niya. Ikalawa, I belong to a family who would never accept same s*x relationship or any relationship at all without their blessings. Hindi dahil malayo ako sa kanila ay hindi na ako maaapektuhan sa mga desisyon nila. I'm bound by the rules of my family whether I like it or not. Ikatlo, my body's secret. Tanging ang mga magulang, kapatid, mga lolo at lola, at ang family doctor namin ang nakakaalam ng sikreto ng katawan ko na pinaniniwalaan din nilang karma o sumpa sa ama ko. According to stories, bata pa lang ang ama ko ay marami na itong pinalihang mga babae. Marami itong naging biktima na pagkatapos gamitin ay basta na lang iiwan. No one can resist his charm bilang isang prinsipe at sinamantala nito iyon. Kung hindi lang nakialam ang mga magulang nito, baka sa edad na kinse ay naging ama na ito. A lot of women and their families cursed him. And even if he has already married my mother, whom his parents have chosen for him, nagpatuloy pa rin siya sa masamang gawain niya. He only stopped when I was born with the peculiarity. And he hated me because of it. Tingin ko iyon ang rason kung bakit hindi siya naging malapit sa akin. I was the reason he got scared of engaging to extra marital affairs again. Nagtino siya pero halos ipagsigawan naman niyang iisa lang ang anak niya who happens to be my eldest brother. I grew up hearing insults from him na maging ang Kuya ko ay nagsimula na rin akong ituring na sumpa. Every time na may kamalasang dumarating sa pamilya namin, sa akin unang napupunta ang mga mata niya na para bang kasalanan ko ang lahat. Kaya naman nang mag-high school na Ako ay magsabi na ako sa Mommy ko na gusto ko nang mag-aral sa malayo. My mother knows about what I was going through and she fought for me to have the freedom I am enjoying now. Nang sabihin niya sa ama ko ang desisyon ko, pumayag kaagad ito. He was even the one who decided for me to go here in Russia na sa pagkakaalam ng lahat ay isang delikadong bansa. Maybe he was silently wishing for me to meet my demise in the country dahil tuluyan nang mawawala ang taong palaging magpapaalala sa kanya ng karma niya. My mother of course didn't want it. Pero nang sabihin kong pumapayag ako, wala na rin siyang nagawa kundi ang pumayag din. Kaya simula nang mag-high school ako, dito na ako nanirahan. They bought me a house and hired some guards and maids for me. I grew up under their care kahit na tulad ng sitwasyong kinalakihan ko, nobody dared to engage in a conversation with me. That's also the reason why I sold the house and fired them all nang sabihin ni Viktor na tumira na lang kaming lima sa iisang bahay. Pero simula nang tumira na kami sa bahay na iyon, iniwasan ko na rin si Viktor to protect myself and my heart from him. I became colder towards him and he became a bully because of that. Palagi siyang curious kung bakit daw wala pa akong girlfriend. Kung bakit Wala akong pinapatulan sa mga babaeng attracted sa akin. At para matigil siya sa pangungulit, I decided to have one. Pero simula noon, parang mas lalo siyang yumabang. Kapag may mga party kaming dinadaluhan, he always had a date. Nagsisimula na rin siyang magdala ng mga babae sa bahay na siyang palaging pinagtatalunan nila ng mga kaibigan namin. But he would always say, "Si Niko nga na pinakatahimik sa inyo, walang reklamo. Kayo pa kaya?" Ang hindi niya alam, sa kabila ng pananahimik ko, ay lihim akong nasasaktan. Sa tuwing nangyayari iyon ay mas lalo ko siyang iniiwasan. Halos hindi ko na siya kinakausap. At siguro ay napansin na rin niya iyon kaya nagsimula na rin siyang umiwas sa akin. Which was actually a good decision afterall, kapag natapos na ako sa pag-aaral ko, pwede na akong umalis sa bansang ito. And no, hindi ako babalik sa lugar na kinamumuhian ako. I'll go to a place that nobody among my family and friends would know. Napalingon ako sa phone ko nang tumunog iyon. It was the special ring tone I set for someone. Sinubukan kong abutin ang phone pero napangiwi ako. Mabigat ang semento sa braso ko pero kailangan kong tiisin iyon ng ilang buwan. "Hey, bakit gising ka pa?" Napalingon ako sa papalapit na si Pavel na galing sa terrace ng hospital room ko para manigarilyo. Siya ang kumuha sa phone ko na nakapatong sa bed side table ng hospital bed ko at iniabot iyon sa akin. "Nagising ako sa ingay ng phone," pagsisinungaling ko. "Okay," tango niya kahit sinasabi ng mga mata niya na hindi siya naniniwala sa akin. Hinawakan ko lang ang phone ko at nang mapansin niyang hindi ko pa sinasagot ang tawag, nakakaintindi siyang tumango. "That's not Viktor, right?" "I've blocked his number. I've also set my phone to block unknown callers." "Okay. Sige, lalabas na muna ako para kumuha ng kape. May gusto ka ba?" tanong niya habang nagsisimula nang maglakad papunta sa pinto. "Just some snacks," hiling ko na nginitian niya. "I'll be back after an hour," paalam niya bago siya tuluyang lumabas. I know that's him saying that I can take my time talking to the one calling me. "Hi, mom," bati ko sa taong tumatawag sa akin. I smiled at how pretty my mom still is. Sa aming magkapatid, ako ang younger version niya samantalang ang Kuya ko ay ang ama namin Ang kamukhang-kamukha. Kung pagtatabihin kami ni Mommy, marami ang magsasabing tila kambal kami dahil baby face ang Mommy ko. Kaya hanggang ngayon ay nagtataka ako kung bakit Hindi pa ring atosfied ang ama ko sa kanya. Sa mga unang taon kasi mg pagsasama nila at patuloy pa rin ang ama ko sa pambabae. Na sabi ko nga ay natigil lang noonh ipanganak ako at makita nila kung ano ang nasa katawan ko. "Nikolai, my baby. I am missing you and I want to hear your voice and I want to see you kaya ako tumawag. Napangiti ako sa paglalambing sa akin ni Mommy. "I miss you, too, Mom." "Niko, nasaan ka? Your background doesn't look like your room... Wait... nasa ospital ka ba? Anong nangyari sa'yo?" Nagsimulang mag-panic si Mommy. Lihim akong napangiti. I know she's just acting. May mga binabayaran siyang tao para bantayan ako. Kung hindi ako nagkakamali, iyon yung estudyanteng pumigil kay Viktor kanina at nasapak. Pero syempre, Hindi ko sasabihin kay Mommy na alam kong may lihim akong bodyguard. Baka kapag sinabi kong alam ko, she won't hide them anymore. Kaya naman, hinayaan ko na lang na magtanga-tangahan ako sa harap niya. "Just a minor accident, mom. There's no need to worry so much. As you can see, buhay ako." "I want to know what happened, Nikolai," matigas niyang saad. At kapag ganon na ang tono niya at tinatawag na niya ako sa buo kong pangalan, I have no choice but to comply. "My arm was dislocated kaya kinakailangan nilang isemento ito, Mommy." Naningkit ang mga mata ni Mommy. "Mom, seriously, I'm okay. Ayoko nang palakihin ang nangyari. Besides, Viktor is my... friend." Galit pa ring nakatingin sa akin si Mommy. "Well, kinakailangang gumaling niyang braso mo dahil next month ay engagement party ni Noah. Everyone expects you to be at your brother's engagement party, Niko. Marami na ang nagtataka at nagtatanong kung bakit pinayagan ka naming mag-aral sa malayo." "You should've asked father to answer them, Mom. Tutal, siya naman ang rason." Napailing si Mommy sa sarcasm na nasa boses ko. "Niko, your father misses you, too." Bigla akong natawa sa narinig kong sinabi niya. "Niko!" pananaway sa akin ni Mommy. "Sorry, Mom. Hindi lang ako sanay na nagjo-joke ka." "Niko, he's still your father..." "He didn't make me feel that I am his son, Mom." "At kahit na ano pa ang sabihin niya, ramdam ko na nami-miss ka na rin niya. Halos sampung taon ka na rin niyang hindi nakikita, Nik. He misses you. And your brother misses you as well. Palagi ka niyang tinatanong sa akin." "Mom, please stop making excuses for them anymore. Alam kong ibinigay mo na sa kanila ang account ko. Kung talagang gusto nila akong makita o makausap, with today's technology, madali lang sana iyon pero hanggang ngayon, ni friend request wala akong natatanggap mula sa kanila. They just want me to be there dahil wala na silang maisagot sa tuwing nagtatanong ang mga tao tungkol sa akin. Dahil hindi nila masabi that I was a curse in their lives." "Niko, stop that!" "Mom, it's the truth. So sorry, I won't be attending Noah's engagement party dahil baka malasin pa iyon gaya ng palaging sinasabi ng ama ko sa tuwing isinasama ninyo ako sa mga parties noon." "Niko, kailan mo ba sila mapapatawad? They're your family," malungkot na sabi ni Mommy. "Mom, paano ko patatawarin ang mga tao na hindi naman humihingi ng tawad sa akin?" tanong ko pabalik na siyang tuluyang nagpatahimik sa kanya. "I love you, Mom. And I sincerely miss you. But I have to go now. I'm already tired." "I'll visit you one of these days, Niko," pahabol niya. "I'll be waiting, Mom," sagot ko bago ko tuluyang pinindot and call button upang matapos na ang usapan naming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD