Chapter 14

1507 Words
"Hey." Napalingon ako kay Pavel na kapapasok lang sa kuwarto ko. May dala siyang box ng donuts na paborito ko. Pagkakita ko nga roon ay agad na gumaan ang pakiramdam ko. Itong stress na nagpabigat sa dibdib ko habang kausap ko ang Mommy ko ay biglang nawala. "Sa araw na ito, ngayon ko lang nakita ang totoong ngiti sa mga labi mo, Nik," natutuwang saad niya. Tumango ako at pinanuod siyang ibaba ang box sa may bedside drawer at pagkatapos ay ini-adjust ang kama ko. Kumuha din siya ng canned juice sa personal ref na nasa kuwarto mula sa mga dala ni Jethro kanina at inilagay din iyon sa tabi ng box ng donuts. "You better wake him before we start having the food," masuyo kong utos sa kanya. Ngumiti muna siya sa akin bago sinunod ang sinabi ko. Ilang sandali pa ay magkakaharap na kaming kumakain ng donuts. "Any news?" tanong ni Jethro kay Pavel nang maubos niya ang donut na hawak niya. "Naka-off ang phone ko kanina pa." "Mine, too," natatawang sabi ni Jethro at kumuha ulit ng isa pang donut at kaagad na kumagat dito. "Want to drink?" baling sa akin ni Pavel. Tumango ako sa kanya dahil nakakauhaw naman talaga ang tamis ng donut ng kinakain ko. Kumuha si Pavel ng tissue at gamit iyon ay kinuha niya ang donut na hawak ko. At dahil ayokong ginamit ng tissue sa pagkain ko ng donut, dahil para sa akin mas masarap ito kapag hawak ko mismo, may natirang filling nito sa mga daliri ko. Pagkatapos ibalik ni Pavel ang donut sa box, kumuha ulit siya ng tissue para linisin ang mga daliri ko. "Sana pinainom mo na lang siya sa drinks niya. Hindi iyong ganyang nagpapagod ka pa," pansin ni Jethro sa ginagawa niya. "Hayaan mo nga ako. Pilay ang kaibigan natin kaya kinakailangang alalayan siya sa lahat ng bagay." Napangiti ako sa sinabi ni Pavel. Sa lahat talaga sa kanilang apat, ito ang pinakamaalaga sa akin. I know that the sees me as his younger brother dahil wala siyang kapatid. I found in him the affection and care I am longing for from my own brother. Siya ang pumuno sa experience ko ng pagkakaroon ng kapatid. "Kunsabay..." tatango-tangong sagot ni Jethro sa sinabi ni Pavel. Akmang kukuha ulit ito ng donut nang paluin ni Pavel ang kamay niya. "At huwag mong ubusan ng pagkain ang pasyente natin. Binili ko yan para sa kanya, hindi para sa'yo," panenermon nito kay Jethro na masama ang tingin sa kanya. "Damot. Kapag ako amg makakabili ng donuts bukas, dalawa lang din ang ibibigay ko sa'yo." Bumusangot pa ito kaya muntik ko nang naibuga ang juice na iniinom ko. Humawak ako sa kamay ni Pavel na may hawak sa canned juice at ibinaba na iyon. "Kuha ka pa. Hindi Naman namin mauubos lahat iyan. Basta, pareho naming narinig na bibili ka ulit Ng donuts bukas, ha?" Sumigla ang mukha ni Jethro sa sinabi ko at agad na umabot ng ikatlo niyang donut. Napailing na lang si Pavel sa kanya. "Alam nyo, parang mas Masaya kung tatlo na lang tayong magkakaibigan," saad niya pagkatapos niyang lunukin ang nginunguya niya. "Mas tahimik. Walang baliw na nananakit at pabago-bago ng mood." "Hey, don't be like that," pananaway ko sa kanya. 'Kahit naman nabaliw pansamantala si Viktor, kaibigan pa rin natin siya." "I agree," sang-ayon ni Pavel. "This is the first time na nakaipagrelasyon siya sa isang lalaki kaya hindi pa siya masyadong nakakapag-adjust. Now that this has happened, tiyak na pinagsisisihan niya rin ang nagawa niya." "Pero hindi dapat siya umabot sa puntong namimisikal na siya. He should adjust soon dahil kawawa lang si Niko sa kanya." "Maybe he got scared nang malaman na nakikipagbalikan si Geneva kay Nik," pagbabahagi naman ni Pavel sa opinyon niya. "I suggest you really have to stay here for the meantime, Niko. Hintayin muna natin siyang bumalik sa katinuan niya bago ka magpakita sa kanya," Jethro suggested. Naalala ko ang naging usapan namin ni Mommy. "If I have to hide from him in the meantime, then I think I have a solution to that." Pareho silang napatingin sa akin at naghintay sa susunod kong sasabihin. "My mom called and she wants me to attend my brother's engagement party next month which is a week from now. I'll probably stay there for a few days kaya may dalawang linggo si Viktor para ayusin ang sarili niya bago kami magkikita ulit." "So that's the reason for her call?" Tumango ako kay Pavel. "You've never been home for almost ten years, Nik. Sigurado kang ilang araw ka lang doon?" "I am not welcome there. Pinapapunta lang ako dahil wala na silang magamit na excuse sa pagkawala ng presensiya ko. Kung hindi lang siguro kay Mommy, matagal na akong idineklarang patay ng tatay ko," natatawa kong sabi ngunit kahit ayokong lakipan ng pait iyon, lumabas pa rin ang totoong nararamdaman ko. "Why don't we join you, Niko? Siguro naman, may mga apartment doon kung saan kami pwedeng mag-stay," suhestiyon ni Pavel. "Really? Sasamahan n'yo ako?" "Gusto ko rin yan. Hindi pa ako nakakaapak sa bansa ninyo, eh," sali naman ni Jethro. "Pero paano ang mga klase ninyo?" "Well, I can use my dad's influence," relaxed na sabi ni Jethro. Hindi siya nagyayabang pero magagawan talaga ng ama niyang i-excuse siya sa mga klase niya. He may be his father's bastard pero siya ang paborito dahil siya lang ang lalaki nitong anak. His father is one of the current senators in the US who is planning to rin for vice president in the upcoming elections kaya siguradong pagbibigyan siya ng university. Pavel's famil, on the other hand, is one of the most generous donors of our university kaya lahat ng hinihiling nito sa school ay napagbibigyan. "Teka, will we tell Vik about our plan?" tanong ni Jethro sa amin ni Pavel. "Magtataka iyon syempre kung bakit sabay-sabay tayong mawawala." Sandali kaming natahimik bago ako nakapag-isip ng solusyon. "What if sabihin n'yo na lang na umuwi ako sa amin tapos magkasunod na lang kayong aalis?" "Yes!" agad na pagpayag ni Jethro pero nanatiling tahimik si Pavel. "Pavel, anong iniisip mo?" tanong ko sa kanya. "Nik, much that I want to agree with you, I think bigyan mo muna ng ilang araw si Viktor para kumalma at kausapin mo siya bago ka umalis." "Bakit pa?" agad na kontra ni Jethro. "Paano kung may gagawin na naman siya kay Nik? Baka kapag nalaman niyang aalis siya sa bansa, yung isang paa naman niya ang pipilayin ni Viktor." "Give Vik the benefit of the doubt, will you? Malay natin kung natatakot din yun ngayon? Kesa naman sabay-sabay tayong aalis eh di mas lalong nagwala iyon? Besides, hindi tayo dapat pumayag na silang dalawa lang ang mag-uusap. Dapat naroon tayo as Nik's protection. Tayo ang huhusga kung gagawin natin iyong suggestion ni Nik o may ibang hakbang tayong dapat gawin." "Paano kung magpupumilit siyang sumama?" kabadong tanong ko. "That's your decision to make, Nik. Kung tingin mo hindi siya dapat sumama tapos ipagpipilitan niya pa rin, tatlo na tayong makakalaban niya. You're a prince in your country. I think may kapangyarihan ka namang pigilan ang pagpasok ng foreigner sa bansa ninyo lalo na kung nagpo-pose ito ng danger sa'yo," saad ni Pavel. "Okay, sige," sabi ko pagkaraan ng ilang sandali. "So, gaya ng unang plano, dito ka muna ng three days. Kapag okay na ang pakiramdam mo, saka tayo uuwi para magkausap kayo." Tumango ako sa kanya. "Basta ako, sasama ako kay Niko sa bansa nila. Magsasabi na ako kay Dad na gawan ako ng sulat mamaya para mai-submit ko na bukas sa university." "Sige, ikaw na muna ang papasok bukas. Tapos ako sa susunod na araw." "Sandali. Pwede naman kayong pumasok bukas na dalawa. May nurse naman dito na titingin at aalalay sa akin." "Actually, bukod sa kanila, may dalawa pang bantay sa labas ng kuwarto mo pero wala pa rin akong tiwala sa kanilang lahat." "Huh? Dalawang bantay?" taka kong tanong kay Pavel. "Kumuha ako ng dalawang lalaki mula sa grupo namin. Pinayagan sila ni Dad at dumating sila kanina lang. Pero gaya ng sinabi ko, wala pa rin akong tiwala sa kanila." "Pavel, okay na ako sa kanila. Besides, marami kang gagawin sa school bukas di ba? Kakausapin mo pa ang mga profs ko at kukunin ang mga modules ko." "Na magagawa ko pagpasok ko." "Pero mas maaga mong magagawa kung papasok ka bukas," pagpupumilit ko. Napabuntonghininga siya pagkatapos akong titigan ng ilang minuto. "Fine, papasok na po." Napangiti ako at napangisi naman si Jethro. "Kung Hindi ko lang alam na kapatid Ang turingan ninyo, iisipin kong kayong dalawa ang mag-boyfriend, eh," natatawa niyang sabi. "At bakit kung ano-ano na lang ang napapansin mo, huh?" pang-aasar sa kanya ni Pavel. "Paanong di ko mapapansin eh under na under ka kay Niko." Nag-init ang mga pisngi ko samantalang namutla naman si Pavel. "Wag kang malisyoso," pananaway ni Pavel sa kanya. "Okay, fine, Mr. Submissive." Natawa na lang ako nang maghabulan sila ng suntok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD