Chapter 15: Viktor

2113 Words
"Viktor, if you won't calm down, mas magtatagal tayo rito. So if you want to know what happened to Nikolai the. calm the f**k down!" Matalim na tingin ang ibinigay ko sa professor na pinakamalapit sa akin. Alam dito sa university na siya ang pinakamalapit na professor sa akin kaya siya ang ipinatawag kaninang nagwawala ako. The fear when they threatened to call the cops on me stopped me from punching everyone around me. Alam ko kasi na mas hindi ako makakauwi kapag dinampot ako ng mga pulis dahil sa ginawa kong pagwawala at panggugulo kanina. Pero nang magtanong Ako Ng update tungkol kay Niko ay Wala Silang masabi. Kanina pa Ako naghihintay ngunit walang nagpapaalam sa akin kung ano na ang kalagayan nito kaya naman muli na namang uminit ang ulo ko. I cursed at them and was about to leave nang muli nila akong pigilan. "They aren't joking when they said that they'll call the cops, Viktor. Gusto mo na talagang makarating ito sa tiyuhin mo?" muling pananakot sa akin ng propesor. Of course, ayokong makarating kay Uncle Ivan ang ginawa ko. He may be the best uncle in the world when it comes to generosity pero kapag kahihiyan na ang dahilan ng pagpapatawag sa kanya sa pulisya o dito sa eskwelahan, tiyak na makakatikim ako ng suntok sa kanya. Ayoko rin siyang abalahin dahil alam kong super busy siya sa mga kumpanya niya. "Fine! Kakalma ako. Bakit hindi pa nila sabihin ang disciplinary action na ipapataw nila sa akin para makaalis na ako?!" Bumaling ang tingin ko sa guidance counselor na nakaupo lang sa mesa niya at naghihintay. "Paano ka niya kakausapin kung ganyan kang makatingin? Remember, Viktor, ikaw ang may kasalanan at Hindi kami!" nauubusan ng pasensya nitong sikmat sa akin na ikinatahimik ko. Tama naman ito. The longer I stay here, mas tatagal ang oras na hindi ko makikita at makakausap si Niko. Nag-aalala lang naman ako nang makita kong may mahabang gauze sa kamay niya kanina. Gusto kong malaman kung bakit nasugat iyon. Ngunit ayaw niya akong kausapin at sinuntok pa niya ako kaya nainis ako. Pinipilit pa niyang bitawan ko ang kamay niya at dahil na rin sa pakikialam ng mga pakialamerong schoolmates namin, nahigpitan ko ang pagkakahatak ko sa braso niya. May pakiramdam akong na-dislocate iyon base na rin sa sakit na nakita kong gumuhit sa mukha niya kanina kaya naman kanina pang kunin nila ako at dalhin dito nag-aalala sa kanya. "While talking to him, I recommend you calm down at ako na ang bahalang umalam kung ano ang nangyari kay Niko. Now, sit there para matapos na kayo," utos niya sa akin kaya tumayo na ako kasabay ng pagtapon ng matatalim na tingin sa mga school guards na nasa paligid ko. Walang imik naman silang sumunod sa akin at pumuwesto sa paligid ko nang naupo ako sa harapan ng counselor namin. "So, Mr. Rashnikov, mind telling me why you created that commotion awhile ago?" pormal nitong tanong ngunit nakikita ko ang pagwa-warning sa kanyang mga mata na isang maling sagot o kilos ko lang, dadalhin na akong ng mga school guards sa kulungan. "I punched that freak a while ago because he rushed at me," malamig kong tugon. "You pinched him with Mr. Bourbone's phone in your hand, Mr. Rashnikov," pagtatama niya sa akin na ikinaismid ko. Alam maman pala niya ang ginawa ko, nagtatanong pa siya. "Why did he rush into you?" "I don't know. Gusto lang siguro niyang magpabida. Maybe he likes Nikolai that's why..." "I heard you were forcing Mr. Bourbone to go with you and that you crushed his arm." "I didn't! Not intentional at least if it really happened. Kaya nga paalisin n'yo na ako rito para ma-check ko na ang kalagayan niya! I am worried too! And no one is telling me where he is!" "Calm down, Mr. Rashnikov! This is your final warning. And since you're rushing, sasabihin ko na ang parusa mo na kapag hindi mo ginawa simula bukas, we will be asking your parents to visit us so they would know what you have done. You have a month to help clean the gym after your classes. We will give you two hours daily for a month to do the task." "Is that all?" nagmamadali kong tanong. Yun lang naman pala ang gagawin, bakit di pa niya agad sinabi kanina? "Of course not, Me. Rashnikov. You will also help in the clean up drive of an organization during the weekends. You have to complete 25 hours within a month. Plus, you have to pay for the medical treatment..." "Weekends?! Sir, I am busy during weekends!" "Then, I'll talk your parents..." nanunuya nitong saad. "Fine! Can I go now?" "Sign this papers first for the agreement, Mr. Rashnikov. If the students will file a case against you for physical injury, then bahala na ang parents mong makipag-usap sa mga abogado nila. At kung pupunta rito ang abogado nila, we will have to call your parents." "Our lawyers and I can deal with them. Hindi na kailangang kausapin pa ang parents ko." Kinuha ko ang agreement at pumirma sa bawat pahina niyon. "Bye!" Hindi ko na hinintay na makasagot ang counselor. Agad na akong umalis at Wala na akong pakialam kung sinusundan pa rin ako ng mga school guards. Agad kong kinuha ang phone ko at sinubukang tawagan si Niko. But then I've found out that he blocked me. Si Pavel ang sunod kong tinawagan ngunit naka-block din ako sa gagong iyon. "Viktor!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. It's Prof. Ciestam. Mabilis akong naglakad pasalubong sa kanya. "Anong nalaman mo, Prof? Nasa clinic pa ba sila?" agad kong tanong. "No, wala na sila roon. Dinala nila si Niko sa ospital as recommended by the doctor for an x-ray," pagbabalita nito sa akin. "Saan daw? Maraming ospital!" "Call them para malaman mo, Viktor. I have to go. May klase pa ako and I am not your damned baby sitter, Viktor. Before you leave the university, kausapin mo muna ang abogado ninyo dahil bukod kay Niko, nasa ospital din iyong sinuntok mo. Tinahi yung noo na nasugatan mo. Sa St. Theresa daw dinala." "And what's his name?" "Idger Popov." "I'll call our lawyer." Agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan ang abogado namin na malapit sa akin. Sumenyas naman ang professor at umalis na. "Uncle Warner," bati ko nang may sumagot na sa kabilang linya. "What is it, Vik? Katatapos lang ng meeting ko and I am about to have my lunch." "Uncle, napa-trouble ako dito sa school at isa sa mga estudyante ang tinahi ang noon dahil nasuntok ko," agad kong saad habang mabilis akong naglalakad papunta sa parking area ng university. "What? Anong kamao ba ang meron ka at kinakailangan pang thsiin iyong sinuntok mo?!" "Hawak ko yung phone ni Niko noong sinuntok ko siya so tumama yung phone sa noo niya." "Viktor! Kapag nalaman ito ng Mommy mo o ng daddy mo, tiyak na sa family house ka uuwi simula sa araw na ito." "That's why hindi nila dapat malaman, Uncle. Please go to St. Theresa Hospital for me, Uncle, and deal with him. Bayaran na ninyo kung magsasabi ng amount. Pay for his medical expenses and medicines too. Pero papirmahin ninyo mg papeles na may nakuha siyang pera sa akin." "Of course, Viktor. Alam ko ang gagawin ko. Pero hindi ba dapat ikaw ang kumakausap sa estudyanteng iyon? Pinigilan ng eskwelahan para puntahan siya?" "Wala Silang sinabi but I can't deal with him today, Uncle. Kailangan ko ring isa-isahin ang mga hospital dahil ipinunta rin ni Pavel si Niko roon." Kilala ng mga abogado namin ang mga kaibigan at si Uncle Warner ang tumulong para ma-acquire namin yung lupa kung saan nakatayo ang bahay naming magkakaibigan. "What happened to Niko, Vik? Don't tell me na may kinalaman ka rin sa nangyari sa kanya." "I accidentally hurt him, too, Uncle. Kaya nga hahanapin ko sila dahil hindi ko sila matawagan." "Vik! Bakit mo siya sinaktan? Hindi ba at in love ka sa kaibigan mong iyon?!" Napapikit ako nang mariin. Uncle Warner is a ruthless lawyer at malakas ang instinct niya. Nang minsang nagkaroon ng party sa bahay at inimnitahan ko ang mga kaibigan ko, he saw how I treat Niko. At dahil doon, nang malasing ako, in-interrogate niya ako at napaamin na in love ako sa kaibigan ko. "Uncle, it was an accident. Pinipigilan ko siyang umalis pero ayaw niyang sumama sa akin.m so I pulled him. Pero may mga nakialaam nga kaya napalakas yung paghila ko. The clinic suspected that I dislocated his elbow kaya inutusan siyang magpa-xray sa ospital. But they weren't answering my calls and I'm getting so worried." "Bakit hindi ka magpatulong sa mga tao ng uncle mo? For sure, mas mapapabilis pa ang paghahanap mo." "I'll call them pagkatapos nating mag-usap, Uncle." "Sige, kakain lang ako at doon na ospital didiretso para hanapin at makausap iyong schoolmate mo. And your parents?" "Huwag mo munang Sabihin, Uncle. Ako na mismo ang magsasabi kapag maayos ko na itong problema." "Okay, I'll call you later." "Thanks, Uncle. Bye." Hinintay ko muna ang sagot niya at ang mismong pag-off niya sa linya bago ako naghanap sa phonebook ko ng number ng susunod kong tatawagan. "Viktor," bati sa akin ng sumagot sa kabilang linya. "Uncle Ben, I need your help." Nagmamadali kong ipinaliwanag sa kanya ang sitwasyon at ang tulong na kailangan ko. He agreed right away at sinabing mag-uutos ito ng ilan sa mga tauhan ni Uncle para hanapin sina Niko at Pavel. Pagkatapos ng pag-uusap namin ay sumakay na ako sa kotse ko at nag-drive sa pinakamalapit na ospital na madadaanan ko. Habang ginagawa iyon, sinubukan kong tawagan ulit si Pavel ngunit wala pa ring sagot mula rito. Nag subukan kong tumawag sa group chat naming magkakaibigan, si Jethro ang sumagot. "What?" masungit nitong bungad sa akin. "Nasaan ka?" Agad kong tanong sa kanya. "Inside our classroom of course. I still have two classes pero uwing-uwi na ako." Napatiim-bagang ako sa sagot niya. That means na hindi pa niya alam ang nangyari kanina dahil kung alam na niya, sinesermunan na niya ako ngayon. But I think kailangan na niyang malaman dahil baka siya ang maging susi para malaman ko kung saang ospital dinala ni Pavel si Niko. "Will you do me a favor and call Pavel? Ask him kung nasaan siya." "And why would I do that? Kasasabi ko lang na may mga klase pa ako, di ba? Ikaw na lang!" "Do you think uutusan pa kita kung sinasagot niya ang mga tawag ko? Kanina pa ako tumatawag sa kanya. Pati si Niko, hindi sinasagot ang tawag ko." "Kung hindi nila sinasagot ang tawag mo, what made you think na sasagutin nila ang tawag ko?" "Bakit ba tanong ka pa nang tanong? Gawin mo na lang, pwede?!" naiinis kong sagot sa kanya. "Hey, ikaw ang may kailangan kaya huwag kang demanding! Andito na ang prof ko. Kung maaalala ko mamaya, gagawin ko. Kung hindi, eh di sorry na lang." Bago pa ako makasagot ay pinindot na niya ang end call. "Fùck!" pagmumura ko. Kulang na lang ay ibato ko sa bintana ng kotse ang phone. Mabuti na lang at sa huling sandali ay sa passenger seat ko ito naibato. Nanggigigil pa rin ako kay Jethro nang marating ko ang unang ospital. Agad kong ipinark ang kotse sa parking area at halos patakbong pumasok sa loob. Agad akong nagtungo sa reception at nagtanong doon pero negatibo ang sagot ng napagtanungan ko. Agad din akong lumabas, sumakay sa kotse ko, at nagtungo sa susunod na ospital. Nakaapat na ospital pa ako pero wala pa ring positibong sagot. Lahat sila ay tumatanggi na may itinakbong Nikolai Bourbone sa ospital nila. Galit na galit na umuwi ako sa bahay namin but it was locked. Ibig sabihin, wala pa ni isa sa tatlo roon. Pero gusto ko pa ring makasiguro kaya pumasok ako sa loob at dumiretso sa kuwarto ni Nik. He wasn't there at ganon din si Pavel. Hindi ko na sinubukang magpunta sa kuwarto ni Jethro dahil siya lang naman ang mahilig mag-lock ng pinto. Nik only locks his room kapag nasa loob siya nito and Pavel doesn't lock his room at all tulad ko. Pakiramdam ko sa mga sandaling ma-realize ko na maghihintay na naman ako ng ilang oras para malaman ang kalagayan ni Niko ay aatakehin na ako. Ilang beses ko nang namura sina Pavel at Jethro. Tumawag ulit ako kay Uncle Ben at kinuha ang numero ng taong inutusan niya na maghanap. Nang tawagan ko iyon ay wala rin itong matinong maisagot sa akin. Damn! Saan dinala ni Pavel si Niko?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD