Chapter 16: Viktor

1631 Words
Walang umuwing Pavel at Nikolai buong magdamag. At pati ang gagong si Jethro ay hindi rin umuwi at hindi na rin sumasagot sa buong magdamag ng ginawang kong pagtawag sa phone niya at sa gc namin. Nakatulog na nga ako sa living room ng bahay nang hindi ko namamalayan. Nang mapabalikwas ako ay umaga na. Kahit alam kong kailangan kong magtungo sa university para sa mga klase at pag-uumpisa ng parusa ko, nagdesisyon akong mag-absent dahil hindi rin naman ako matatahimik doon nang maghapon. Kung dito nga sa bahay ay hindi na ako matahimik, doon pa kaya? Baka mas marami pang madala sa ospital nang dahil sa init ng ulo ko. Napamura pa Ako nang makitang drained na ang battery ng phone ko. Agad akong nag-charge at habang hinihintay na magkaroon iyon ng kahit ilang percent lang, naligo na ako. Gumawa lang din Ako Ng sandwich na kakainin ko at nang makitang naka-50 percent na ang charge ng phone, inalis ko na ang charge at binuksan iyon. May mga missed calls at text messages pero wala mo isa man mula sa tatlo. I check the messages sent by Uncle Ben's man. Hindi nila natagpuan si Niko. Gigil na napasigaw ako ng mura. Don't tell me na sa kabilang city pa dinala ni Pavel si Niko?! I called Uncle Ben's man. "Sir, nakadalwang siyudad na kami sa buong magdamag. Wala pa kaming tulog pero hindi talaga namin mahanap si Sir Niko," pagbabalita nito sa akin. Napapikit ako nang mariin. Umagang-umaga pero sumasakit na ang ulo ko. "Magsabi ka kay Uncle Ben na magpadala ng tao dito sa bahay namin ng mga kaibigan ko. Susuyurin namin ang lahat ng ospital dito sa siyudad. Baka gumamit ng fake name si Pavel para sa proteksiyon ni Niko," utos ko sa lalaki. That makes sense. Nikolai Bourbone may not be as famous as his family but he's still a prince. At kung ako ang mga magulang ni Niko, kapag malayo ang anak ko sa akin at nasa ibang bansa pa, may mga uutusan ako para protektahan siya. Noon, tinanong namin siya kung bakit sa Russia pa siya mag-aral samantalang may Kilala namang university sa bansa nila. It was just a small country. Mas malaki lang ng konti sa Singapore pero may mga kilala ring universities doon. Niko only told us that only a few people knew of his existence as the spare to the throne. Kung sakaling may mangyayaring masama sa kapatid niya kapag ito na ang hari ng bansa nila, doon lang kikilalanin ng ibang bansa ang existence niya. Doon lang siya mare-recognize na parte ng dugong bughaw sa bansa nila. I hurt for Niko nang malaman ko iyon. It seems na ipinanganak lang siya nilang stand in kapag may nangyari sa panganay niyang kapatid. Pero habang buhay ito, Niko won't receive the same respect his brother is enjoying. Marahil, ayaw ding masapawan ng pamilya niya ang tagapagmana nila kaya sadya siyang pinalayo ng pamilya niya. Compared to his brother, Niko is by far more handsome. Of course, na-curious kaming lahat nang malaman naming prinsipe siya kaya hinanap talaga namin ang larawan ng pamilya niya. Ang huli ngang family picture nila ay ten years ago pa where Niko was just a lanky teenager. Pero kung ikukumpara noon at ngayon, people will surely be shocked kung gaano na siya matangkad at kung gaano na siya katikas nilang prinsipe. He looks like his mother so he has the ethereal aura in him na malayong-malayo sa Kuya niya. Baka nga magmukhang alalay lang ang Kuya niya kung magtatabi sila. Probably, his brother's insecurities were the main reason why Niko was neglected by his family. Dahil kung hindi siya nabiyayaan ng tamang rekognisyon bilang prinsipe, bumawi naman siya sa katawan, talino, at itsura. Or probably, they knew about his secret at natatakot silang kapag lumabas iyon ay ikakasira ng pagiging royal nila, ng image ng pamilya nila, o ang pagkawala ng respeto sa kanila. Sa panahon ngayon, walang makakaintindi ng tungkol sa kalagayan ng katawan ni Niko. They cannot demand each of their citizens to do research about his condition to make them understand his biological dilemma. But whatever. Para sa akin, mas okay na rin iyon para madali kong mapapakasalan si Niko balang-araw. Agad kong binuksan ang pinto nang may mag-doorbell. Ang mga tauhan ni Uncle Ben ang napagbuksan ko at hindi ang isa sa tatlong tao na inaasahan ko. "Good morning, Sir Rashnikov. Uncle Ben sent is here," ani ng isa sa kanila. "I'll just grab my phone," sagot ko at hinayaan na bukas ang pinto habang kinukuha ang phone ko na nasa island sa may kusina. Pagkakuha ko nito ay agad na rin akong lumabas. Time is gold at gusto ko nang makita si Nikolai. Bago sumakay sa kotse ko, nagbilin na ako sa kanilang lahat. "Let's go together. Wala namang papansin sa atin doon kung iisa-isahin nating sisilipin ang bawat hallway at corridor ng hospital. Check for uncommon scenes. Kung may mga taong nagbabantay sa labas ng mga pinto, don't approach. Tawagan nyo ako at ako ang papasok." "Yes, Sir," sabay-sabay nilang sagot. Iniisip ko kasi na siguradong private room ang kinuha ni Pavel para kay Niko. Iniisip ko rin na maaaring may tinawag si Pavel na mga tauhan ng ama niya para magbantay sa labas ng pintuan ng kuwarto. Like my uncle, Pavel's father is also involved in a mafia organization. Magkaibigan ito at ang uncle ko kaya possible na magkakakilala rin ang mga tauhan ng mga ito. Sa unang ospital ay halos tatlong oras ang ginugol namin sa paghahanap. Nagkuwari kaming may hinahanap na pasyente kaya nakakasilip kami sa loob ng mga private rooms na pinagsususpetsahan kong kinaroroonan ni Niko. Kahit na walang mga bantay sa labas ng pinto, who knows kung nasa loob pala sila ng kuwarto. Though nasa isipan ko na hindi papayagan ni Pavel na may kasamang estranghero si Nikolai sa loob ng private room nito, gusto ko pa ring makatiyak na wala akong malalampasan sa ospital na iyon. Apat na oras naman ang ginugol namin sa isa pang ospital. Saw system ang ginamit namin. Sinuyod namin ang bawat corridor. Ipinakita ko naman sa apat na kasama ko ang larawan ng mga kaibigan ko at naka-save din yun sa phones nila kaya kung mamumukhaan nila sila roon, makakatawag sila agad sa akin. My patience was growing thin when we arrived at the third hospital. Ito ang pinakamalaking hospital sa siyudad kaya talagang naghiwa-hiwalay kaming lima para mas mapabilis ang paghahanap namin. Nasa ikawalang corridor na ako nang nakatanggap ako ng mensahe mula sa isa sa mga kasama ko. May isang pribadong kuwarto raw at may dalawang kalalakihan na nakabantay sa harapan nito na tila ba isang opisyal ng bansa ang pasyente sa loob. At dahil nasa 4th floor ang kuwarto, agad akong nagtungo sa elevator at inip na naghintay. Ngunit nang mapalingon ako sa hagdan, walang pagdadalawang-isip na mabilis akong naglakad patungo roon at inakyat ng tig-dadalawang hakbang ang bawat baitang nito. Agad akong napalingon sa hallway at nakita ang tinutukoy ng tauhan ni Uncle Ben. Sinalubong ako nito at tinanguan ko ito na nagsasabing nakita ko na ang tinutukoy niyang pribadong kuwarto. Nasa likuran ko siya nang maglakad ako patungo sa kuwarto. Agad akong makita ng dalawang lalaki at alerto silang tumayo sa harapan ng pinto. Their stance was telling me na dadanak muna ang dugo bago nila ako papasukin sa loob. Bingo. I've found Nik. But it seems na pahihirapan muna ako mg dalawang bantay niya bago ko siya makita. Oh, how I would love to make these men bleed pero iniisip ko ang epekto ng gulong gagawin ko kapag ginawa ko ang nasa isipan ko. Nik would be worried for sure. They will call the guards at itataboy kami paalis o kaya ay ipapadampot ng ospital sa mga pulis. Patience, Vik. "Gentlemen, alam kong kilala n'yo ako dahil naririto kayo ngayon dahil sa akin. Ang gusto ko lang ay makita ang kalagayan ni Nikolai. I don't give a f**k about Pavel. Now, kung ayaw ninyong maging pasyente ng ospital na ito, you will open the door for me," matiyaga kong pagkausap sa dalawa. Ngunit nanatiling matatag ang pagkakatayo nila. "Mr. Rashnikov, Sir Pavel told us that you are not allowed inside. Unless he tells us to allow you to get in, please stay here with us or better yet, leave... Sir." Naningkit ang mga mata ko sa kaarogantehan ng sumagot sa akin. "And how the hell would I do that if he blocked me, hmm? Unless, palalabasin n'yo siya rito para makausap ko." Akmang sasagot ulit iyong nagsalita kanina nang dumating ang ibang kasamahan ng tauhan ni Uncle Ben. Mas iniliyad ko ang dibdib ko dahil lima na kami kontra sa kanilang dadalawa lang. "I'm not usually a very patient man, gentlemen. Kilala n'yo naman ako. At kilala n'yo rin ang uncle ko. Kung hindi man sa corridor na ito kakalat ang dugo, there will be a place for that. Ngayon, kung ayaw ninyong may isa sa inyo ang mapapasok sa operating room ng ospital na ito, tawagin na ninyo si Pavel dito sa labas para makausap ko na siya!" mas matigas kong sabi. My eyes are already warning them na nauubos na ang pasensya ko sa kanilang dalawa. Nagkatinginan naman sila at nang tumango ang isa ay hindi ko ipinahalatang nakahinga ako nang maluwag. Pumasok ang isa sa kanila at sandali akong naghintay. Nang lumabas ito at nasa likuran na nito si Pavel na naniningkit ang mga matang nakatingin sa akin. "Viktor..." Ngumisi ako sa kanya. "Finally, I saw your face, my dear friend Pavel," pekeng ngisi ang iginawad ko sa kanya bago walang babalang tumaas ang kamao ko at bago pa ako napigilan ng sino man, dumiretso na itong tumama sa panga ng kaibigan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD