Chapter 35: Etienne

1824 Words
Dapat ay masaya ako habang naririnig ko ang pagtawa ni Nikolai habang nakikipaghabulan sa kapatid ko. Ngunit hindi ganon ang nararamdaman ko. Naiinis ako dahil hindi ako ang dahilan ng pagtawa niya. Nagmamartsang tumakbo ako papunta sa kanila at sa kagustuhang pigilan si Nikolai sa tangka niyang pagyakap sa kapatid ko, naitulak ko siya palayo. Natumba siya pasubsob sa damuhan. "Elai!" sigaw ni Eunice nang malakas na napasigaw si Nikolai bago ito patalbog na bumagsak. Nag-aalala naman akong lumapit sa kanya at ibinangon siya. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nasugatan ang labi niya at nagdurugo ito. Maging ang mga tuhod niya ay nagasgas at nagdurugo rin. "Bakit mo ako itinulak, Etienne?" galit na tanong nito. Eleven na siya ngayon samantalang 17 na ako at 10 si Eunice. "Dahil yayakapin mo ang kapatid ko!" agad kong sabi. Hindi ko naidagdag na ako ang gusto kong yakapin niya dahil lumapit na agad ang tagapag-alaga niya at dinala si Nikolai palayo sa amin para gamutin ang sugat nito. "Bad ka, Etienne! Pinaiyak mo na naman si Elai! Isusumbong kita kay Papa!" sigaw naman sa akin ni Eunice. "Etienne, bakit ba palagi mong pinapaiyak si Nikolai? Akala ko ba gusto mo siyang maging kaibigan? Lagi mo siyang itinutulak," pagkastigo sa akin ni Papa nang makauwi na kami. Gusto kong sabihin sa kanya na noong una ko siyang itulak iyon ay dahil gusto siyang subuan ng pagkain ni Eunice. Sa ikalawang beses naman, itinulak ko siya dahil mahuhulog siya sa pool. Sa ikatlo, dahil nagpapahalik si Eunice sa kanya. Sa ikaapat, dahil uupo siya sa maputik na upuan. Ang ikalima ay hindi ko sinasadya dahil aksidente lang iyon. Iyong ikaanim ay sinadya ko dahil yayakapin niya ang kapatid ko imbes na ako. Sadya lang na mas malakas ako kesa sa kanya kaya tumatalsik siya sa pagtulak na ginagawa ko sa kanya. Nanahimik ako. Kahit anong rason naman ang sasabihin ko ay kasalanan ko ang lahat. Nakokonsensiya rin ako. Sa pagpunta namin sa kanila, palaging umiiyak at nasasaktan si Nikolai dahil sa panunulak ko sa kanya. "Kung ganyang palagi siyang nasasaktan sa tuwing dinadalaw natin siya, siguro sa susunod na taon ay wag na muna tayong magpunta sa kanila." "Pa!" malakas na pagrereklamo ko. "Malaki ka na, Etienne. Dapat nga ay hindi ka na nakikipaglaro pa sa kanila. Dapat ay nasa pag-aaral at training mo ang buong atensiyon mo." "Papa, tuwing birthday lang naman niya tayo nagpupunta roon. Minsan lang iyon sa isang taon kaya bakit kailangang itigil?" "Etienne, sabihin mo nga sa akin kung ano ba ang dahilan mo para patuloy ka pa ring sumasama sa tuwing nagpupunta kami roon. Dahil ba sa pangako mo sa kanya? Natupad mo na iyon ng ilang taon na. Bakit hindi mo na lang hayaan ang kapatid mo na magpatuloy sa pagtupad sa pangako mong iyon tutal silang dalawa naman ang halos magkaedad? Dapat ay sa akin ka na sumasama sa tuwing namamasyal ako sa mga bansa para sa alyansa. Pagkakataon mo na rin iyon para makilala mo kung sino ang pwede mong mapusuan at gawing reyna kapag ikaw na ang namumuno sa bansa natin." "Hindi ako interesado sa kanila, Papa." "At kanino ka interesado, hm? May balak ka bang mag-asawa? Baka mauna pang makapag-asawa ang kapatid mo kesa sa'yo. Nag-usap na kami ni Prince Niccolo. Dahil sa pagiging malapit ni Nikolai sa inyo ni Eunice, nagbabalak kaming ipagkasundo sila. Alam mong gustong-gusto rin namin ng iyong ina na maging parte ng pamilya natin si Nikolai. Tiyak ko ring kapag sinabi ko kay Eunice ang balak namin, papayag agad ang kapatid mo." "Ano?!" Napatayo ako sa gulat. "Bakit? Tinatanggihan mo ba si Nikolai para sa kapatid mo? Akala ko ba ay kaibigan mo siya? Napakabait niyang bata, maalaga kay Eunice, at marespeto sa ating lahat. At hindi naman masama ang itsura niya para hindi bumagay sa kapatid mo, hindi ba? Sa totoo lang, mas ang kapatid mo pa nga ang hindi bagay sa itsura niya," natatawa pang sabi nito. "Pa, hindi para kay Eunice si Nikolai kundi para sa akin." Tulalang napanganga ang kanyang ama sa kanya. "Si Nikolai ang gusto kong maging kasama ko kapag minana ko na ang korona mula sa'yo kaya sa akin mo siya ipagkasundo, hindi kay Eunice, Papa." "Nagbibiro ka ba, Etienne? Lalaki si Nikolai! Hindi ka niya mabibigyan ng tagapagmana mo!" "I can get a woman to bear my heir, Papa. Basta ang gusto ko ay si Nikolai ang magiging legal na asawa ko. Kilala n'yo siya. At Ikaw na rin ang nagsabi. Mabait siya. Matalino. Marunong magsakripisyo para sa kapakanan ng pamilyang walang pagpapahalaga sa kanya. Paano pa kaya sa pamilyang nagmamahal sa kanya? Mahal siya ni Mama at ni Eunice. Alam kong napamahal na rin siya sa'yo, Papa. At ako, sa una pa lang na pagkikita ay naibigay ko na ang puso ko sa kanya. Kaya, Papa, kung gusto mo talagang maging parte ng pamilya natin si Nikolai, sa akin mo siya ipakasal." Matagal na natahimik ang aking ama. "Sige, papayag ako kung matitiyak kong mahal ka rin ni Nikolai." Bumilis ang t***k ng puso ko sa sinabi niyang iyon. "Itatanong mo iyon sa kanya?" nae-excite kong tanong. Sigurado akong sa kabila ng pagkainis sa akin ni Nikolai ay mahal niya ako. "Kapag paulit-ulit siyang magtatanong sa pagpunta namin sa ika-12 na kaarawan niya, saka ako gagawa ng opisyal na kasunduan para sa inyong dalawa." "Namin? Hindi ako sasama, Papa?" "Tama. Hindi ka sasama." "Pero gusto kong sumama!" "Hindi ka sasama dahil ipapasok kita sa dalawang taon na military training. Isipin mo na lang na isa itong pagsubok mula sa training mo. At kapag pareho kayong nakapasa rito, ipinapangako ko sa'yo na sa pagbabalik mo ay papipirmahin na natin si Prince Niccolo ng kasunduan para sa kasal ninyo ni Nikolai." Dahil sa pangakong iyon ng aking ama, pumayag ako sa kasunduan naming dalawa. Dalawang taon akong nag-training sa military ng bansa. Tiniis kong mapalayo sa aking pamilya at ang hindi magkaroon ng komunikasyon kay Nikolai. Sa paglabas ko ay 13 na siya. Maiintindihan na niya ang pag-uusap tungkol sa aming magiging kasal sa hinaharap. Kahit ang gusto ko ay tumira na siya agad sa amin, gusto ko ring makasama pa niya ang pamilya niya ng ilang taon. Alam ko naman na kahit hindi siya pinapahalagahan ng mga ito ay mahal niya ang pamilya niya. Ilang beses ko na ngang sinabi sa kanya na kakausapin ko ang aking ama para ampunin na lang siya pero tumanggi siya dahil ayaw niyang iwan ang pamilya niya. Ngunit hindi ang pagiging magkapatid ang magiging kapalaran naming dalawa kundi ang pagiging mag-asawa I trained hard. Pinalaki ko ang muscles ko, ang katawan ko. Lalo rin akong tumangkad sa loob ng military base dahil na rin siguro sa training at vitamins na pinapainom sa amin. Tiniyak ko na sa muli naming pagkikita ni Nikolai ay mag-iiba na ang tingin niya sa akin. Ngunit ang lahat ng pangako at pangarap ko ay naglaho dahil nang dumating kami ng pamilya ko sa Serin para sa ika-13 na kaarawan niya, nalaman naming kaaalis lang ni Nikolai papuntang Russia para doon na manirahan. Kung hindi lang siguro sa disiplinang natutunan ko sa militar, baka nagwala na ako sa harapan ni Prince Niccolo. Pero hindi ako umalis sa kanila noong araw na iyon na hindi niya pirmado ang kasunduan na magpapakasal kami ni Nikolai kapag isa sa mga kundisyong naroroon sa kasunduan ang magaganap. Una, kapag natapos na ito sa pag-aaral nito sa kolehiyo. Ikalawa, kapag umuwi ito sa Serin. Ikatlo, kapag isa sa kanila ang magpo-propose ng kasal sa isa. Nagpadala ang pamilya ko ng taong palihim na magbabantay kay Nikolai sa Russia. Sa nakikita ko mula sa obserbasyon sa kanya, gusto na talaga niyang humiwalay sa pamilya niya. Gusto niyang mamuhay nang tahimik at maging independent. Gusto niyang mamuhay bilang isang ordinaryong tao lang. At hinayaan ko siya sa loob ng siyam na taon. Paminsan-minsan, nagpupunta ako sa Russia para makita siya ng personal at para makita ang pagbabago sa kanya. Tiniis kong hindi siya kausapin o lapitan. Ayokong maputol ang kasiyahan niya kapag ipinaalala ko sa kanya ang dating buhay niya kung saan ako parte. Ipinangako ko na lang sa sarili ko na sa ikasampung taon niya sa Russia, eksakto sa pagtatapos niya, ay saka ako magpapakita sa kanya at magpo-propose ng kasal. Ngunit hindi ko na pala kailangang hintayin iyon dahil bumalik siya sa Serin para dumalo sa engagement party ni Noah. Nangyari ang isa sa mga nasa kasunduan at iyon ang tuluyang naging susi upang mabuhay ulit ang kasunduan. Hindi rin naging hadlang sa plano ko ang nadiskubre ko sa katawan niya na kinatatakutan ng pamilya niya at siyang tiyak na dahilan kung bakit iba ang trato ng ama niya sa kanya. Ang pagkakadiskubre ko rin sa sikreto niya ang sumagot sa nakaparaming tanong sa isipan ko kung bakit hindi siya mahal ng ama niya. Siguro ay iniisip nitong si Nikolai ang magdadala ng kamalasan sa buhay nila. Ngunit hindi iyon ang nakikita ko. Si Nikolai ang naging suwerte ng pamilya nila dahil mabibiyayaan sila ng karagdagang kayaman at kapangyarihan sa pagpapakasal nito sa akin. Patatawarin ko sila sa maltreatment nila Kay Nikolai noon dahil kung hindi naman nila iyon ginagawa, hindi magiging malapit si Nikolai sa pamilya kong trinato siya nang tama. Huwag ko lang malalaman ang totoong dahilan ng trauma ni Nikolai sa silid sa opisina ng ama niya. Dahil kapag nalaman kong may masamang ginawa sa kanyang katawan ang kanyang ama, pababagsakin ko silang lahat at kukunin ang pamamahala ng bansang iyon sa pamamagitan ng aking ama habang hindi pa ako ang namumuno. Mabait ang aking ama ngunit wala itong kasing-bagsik kapag naapi o nasaktan ang isa sa amin pati na rin si Nikolai na magiging kapamilya na rin nito. At ngayon, habang binubuksan ko ang mga pintuan ng isang maluwang na bulwagang pinasok ko, nakangiting bumaling sa akin ang ilang tao na naroroon. "Prince Etienne, where's your groom?" Lumapit sa akin ang hukom na pinapunta sa palasyo ng aking ama. Nakipagkamay ako sa kanya pagkatapos niyang yumukod sa akin. "He's getting ready. Is everything prepared for the ceremony?" masigla kong tanong sa kanya. "Everything is set. We will go straight to the oaths and the signing and you will be officially married in just ten minutes. Will that be okay with you, your highness?" "Nothing matters as long as Nikolai and I end up married today. The church wedding will probably follow next month anyway. I am just checking by the way. I'll be back here with him later," pagpapaalam ko bago ko tinanguan ang iba pang kasama ng hukom na nasa loob din ng silid na iyon at yumuyukod sa akin. Habang naglalakad palabas sa silid na iyon, lalong nagtatatalon ang puso ko. Tonight, Nikolai will become legally mine. He will become my husband, my partner, and my lover. He will become another revered prince of Llamas. He will become totally and irrevocably mine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD