Chapter 34: Etienne

2188 Words
"Etienne, is this your room?" Nakatingin si Nikolai sa itaas na bahagi ng headboard ng king's size bed sa kuwartong kinaroroonan namin. Naroon ang painting naming dalawa. Lumapit ako sa kanya at mula sa likuran niya ay niyakap ko siya. Ingat na hindi maipit ng braso ko ang naka-sling na braso niya. "Yes, Elai. This is my room and will also be your room from now on." Napangiti ako nang maramdaman ang bahagyang panginiginig ng katawan niya. He's getting nervous I know. "But... we're not married yet. It's not right for us to share a room." Pati ang boses ni Nikolai ay may bahagya ring panginiginig. To feel his trembling body inside my embrace is getting me more excited. Misteryoso akong ngumiti. "Don't worry, Elai. I won't touch you until we're married. Hanggang hindi pa tayo kasal, hayaan mo lang akong yumakap sa'yo. I will be owning you once we've signed our marriage contract so relax. Hmm?" "O--okay." "Why don't you bathe? Ipapahanda ko ang mga isusuot mo." Bahagya akong sumulyap sa mga palace servants na naroroon din sa silid na iyon at naghihintay ng anumang iuutos ko. Humiwalay na ako sa kanya at dinala siya sa walk in closet kung saan naroroon ang mga naglalakihang aparador na kinalalagyan ng mga damit naming dalawa. May mga closet na para sa kanya. Sa loob ng isang taon ay pinuno ko iyon ng mga damit na para kay Nikolai. "Do you want me to help you?" tanong ko sa kanya. Lumingon siya sa akin at ngumiti. "I can handle it," sagot niya. Nagpunta siya sa isang couch na naroroon at inalis ang sling na nakasabit sa leeg niya. Maingat niyang ibinaba ang kamay niyang iyon at saka niya unti-unting pinagalaw na tila inieehrsisyo niya. "What are you still doing here?" tanong niya nang masulyapan akong pinapanuod ang ginagawa niya. "So you can already move that arm?" curious kong tanong. "A little. But it has to stay on the sling for a little more time during the day. Do you think it will be awkward if we go to dinner with me still wearing the sling?" Napangiti ako sa tanong niyang iyon. It only means that he's worried and he wanted to please my family. Lumapit ako sa kanya at tinulungan siyang pagalawin ang kamay niya. "With sling or not, they're just too happy that you're already here. I will call the doctor tomorrow to check on this." "Hindi na masyadong mahigpit ang muscles niya. I think I shouldn't wear the sling anymore," he decided after some time. Simulan na rin niyang hubarin ang damit niya bago siya muling natigilan at napatingin sa akin. "Etienne." I smiled at him. "Elai, I'll be your husband. I'll see the naked you eventually. You must start getting used to it. Come, let me help you." Tinulungan ko siyang tanggalin ang iba pang pagkakabutones ng suot niya at hinubad na iyon sa katawan niya. Nang dumakonang kamay ko sa pantalon niya, pumigil na ang kamay niya sa mga kamay ko. "Kapag kasal na tayo, Etienne." Ngumiti ako sa kanya. "Mark your words, Nikolai." Isang mabining halik ang ibinigay ko sa pisngi niya at saka ko siya iniwan. "Prepare the prince's dress and assist him," utos ko sa dalawang palace servants na naghihintay sa akin. Nag-bow sila at pumasok na sa walk in closet. Sandali akong lumabas mula sa kuwarto ko at nagtungo sa elevator. Habang naghihintay na bumaba iyon sa first floor, nagbalik sa alaala ko ang unang sandaling nakilala ko si Nikolai. I was already 14 and he was seven when we met. Nagpunta ang buong pamilya namin sa Serin dahil tapos na ang ipinapagawang mansiyon doon ng aking ama. Nang malaman ng prinsipe ng Serin na paparoon kami sa kanilang bansa, inimbitahan nila kami sa kanilang palasyo. Kaya pagkalipas ng isang araw na pananatili namin sa aming mansiyon, nagtungo na kami sa kanila. Nakilala namin ang mga anak ng prinsipe na sina Prince Noah at Princess Neriah. Maging ang asawa ni Prince Niccolo ay nakilala rin namin. Dahil nauna akong matapos sa pananghaliang inihanda nila para sa amin at dahil mababagal silang kumain dahil sa kanilabg pagkukuwetuhan, nagpaalam akong namamasyal muna sa paligid ng palasyo. Habang naglalakad sa maluwang na Hardin kasunod ang dalawang bodyguards na ipinasama sa akin ng aking ama, doon ko nakita ang isang pitong taong gulang na bata na namamasyal rin kasunod ang tagapag-alaga nito. "Wag mo na akong sundan. Kaya ko na," utos ng bata sa tagapag-alaga. Ngunit mabilis na umiling ang babae. "Hindi pwede, Prince Nikolai. Hindi nga dapat tayong lumabas sa kuwarto mo pero nagpumilit ka. Bakaakita ka ng mga bisita. Baka mapunta ka sa dining area at makita ka nila. Ako ang mapapagalitan ng iyong ama." Nagdikit ang mga kilay ko sa narinig kong sinabi ng tagapag-alaga. Bakit parang itinatago nito ang batang ito sa amin? Bakit pinipigilan nitong magtungo roon sa dining area ang bata? Sino ba ang batang ito? Bunsong anak ba siya ni Prinsipe Niccolo o pamangkin? "Hindi naman ako manggugulo. Isa pa, nagugutom na ako," mahinang pagrereklamo nito na nakarating sa aking pandinig. "Pwede kitang dalhan ng pagkain sa kuwarto mo. Pwede kang kumain doon gaya ng dati. O kung gusto mo, dito ka na lang sa hardin kumain. Gusto mo bang dalhin ko ang pagkain mo rito?" pang-eengganyo sa bata ng tagapag-alaga nito. "Gusto ko ring sumabay sa pagkain nina Daddy at Mommy at nina Noah at Neriah pati na rin ang mga bisita. Bakit ba hindi pwede?" "Dahil makikita ka nila, Prince Nikolai. At bawal kang makita, hindi ba? Walang nakakaalam na may isa pang anak na lalaki ang iyong ama. Di ba ipinaliwanag na ito sa'yo ng Mommy mo?" matiyagang pagkausap ng babae sa bata. At sa bawat binitawan nitong mga salita, lumalalim nang lumalalim ang pagkakakunot ng noo ko. "Hindi naman ako makikipag-agawan sa pamamahala sa kaharian kay Noah. Hindi ko naman gusto iyon. Ang gusto ko lang naman ay... " Natahimik ang dalawa nang tumigil sa pagsasalita ang batang prinsipe na nagngangalang Nikolai. Nakita kong nagpupunas ito ng luha habang malungkot itong pinapanuod ng tagapag-alaga nito. Napagtanto ko sa mga oras na iyon na ang bata ay isang unwanted child. Napilitan lang itong buhayin sa mundo dahil takot ang pamilyang kitilin ang buhay nito noong ipinagbubuntis pa lang ito ng ina nito. At bakit kailangan nilang sabihin ang mga bagay na iyon sa batang edad nito? Na hindi ito pwedeng makilala ng publiko dahil maari nitong agawin ang kaharian sa nakatatandang kapatid nito. It makes no sense. Automatic na mapupunta sa panganay na lalaki ang kaharian bilang birth right nito kaya bakit iyon ang sinasabing dahilan sa bata bilang rason kung bakit hindi ito ipinapakilala sa publiko? Was it insecurity on the part of Prince Noah because his younger brother is better looking at him? That he looks more like a prince than him? The child is even better looking than his sister. Are they afraid that the little prince will steal the spotlight away from his older brother? Siguro, ganon nga lalo at obvious na ang paboritong anak ng prinsipe ay ang panaganay nito na kamukhang-kamukha nito. That sounded childish pero mas may sense pa iyon na rason kung bakit itinatago sa publiko ang bata. Hindi na ako nakatiis pa. Mabilis kong nilapitan ang dalawa. Ang unang nakakita sa akin ay ang tagapag-alaga nito na nanlaki ang mga matang nakatingin sa akin. "Ako si Prince Etienne, ang tagapagmana ng Llamas," pagpapakilala ko sa babae na agad yumukod sa akin. Napatingala naman sa akin ang batang prinsipe na may mga bakas pa rin ng mga luha sa mga mata. "Nagugutom na siya. Hindi ba at dapat ay kumakain na siya sa mga oras na ito?" maawtoridad kong tanong sa babae. "O-opo, Prince Etienne. Pero ayaw po niyang kumain sa kuwarto niya. Hindi rin po siyang pwedeng... " "Pwes, dalhan mo kami ng pagkain dito kung bawal siyang kumain kasama ang pamilya niya at ang mga bisita nila. Sasamahan ko siyang kumain dito," utos ko sa babae na halatang natatakot sa akin dahil wala akong kangiti-ngiti sa kanya. "P--pero... hindi ko po siya pwedeng iwan..." Nagdikit ang mga kilay ko. "Sa tingin mo ba ay sasaktan ko siya kapag iniwan mo siya sa akin?" tila naiinsulto kong tanong. "Hindi po! Hindi po! Patawad po sa aking mga nasabi." "Gawin mo na ang ipinag-uutos ko. Gutom na ang alaga mo." Mabilis na yumuko ang babae at dali-dali nang umalis. Bumaling ako sa batang nakatitig sa akin. "Hi. Ako si Etienne. Ikaw si Prince Nikolai, hindi ba?" nakangiti akong lumuhod sa harapan niya. Nasulyapan kong balak lumapit sa amin ng mga guwardiyang nakabantay sa akin ngunit sinenyasan ko sila. Alam nilang hindi ako dapat lumuluhod sa harapan ng sino man bilang susunod na hari ng Llamas ngunit hindi ko matiis na palaging nakatingala sa akin ang batang prinsipe. Tumango sa akin ang bata. "Hindi ako dapat nakikipag-usap sa iba sabi ni Mommy lalo na sa hindi ko kakilala." Lalo akong napangiti kahit na unti-unti nang nabubuhay ang galit sa dibdib ko. The child is obviously deprived of the world. Wala man lang isa sa pamilya nito ang concerned sa pagpapalaki rito. "Kasasabi ko lang sa'yo ng pangalan ko at alam ko na ang pangalan mo kaya magkakilala na tayo at pwede mo na akong kausapin. Gusto mo ba akong maging kaibigan?" Namilog ang mga mata ng bata. "Kaibigan? Wala pa akong kaibigan," inosenteng bulong nito. Nabura na talaga ang ngiti ko. Nakadama ako ng kakaibang awa sa batang prinsipe na nasa harapan ko. "Masaya ang may kaibigan. May makakasama kang maglaro at may makakausap ka. May kapatid din akong mas bata kesa sa akin at pwede mo rin siyang maging kaibigan," nakangiting hinaplos ko ang basang pisngi niya para patuyuin iyon. Napangiti ang bata sa ginawa ko. Is it his first time being treated like this? That someone genuinely cares for him? "Talaga? Dalawa ang magiging kaibigan ko?" excited nitong tanong at sa hindi malamang dahilan ay sumikip ang dibdib ko. "Oo. Hayaan mo, sa susunod na pagpasyal namin dito ay magdadala ako ng maraming laruan para sa'yo. Tapos maglalaro tayong tatlo ng kapatid ko. Pwede rin nating kalaro ang mga kapatid mo kung gusto nila." Nawala ang ngiti ng bata nang isama ko ang mga kapatid niya sa usapan namin. "Hindi nakikipaglaro sa akin si Noah. Hindi rin madalas makipaglaro sa akin si Neriah," saad nito na sa pandinig ko ay isang pagsusumbong. Parte ba talaga siya ng royal family ng Serin? Bakit tila hindi kapamilya ang turing ng lahat sa bata maging ng mga kapatid nito? As I studied him, something in me was awakened. Before I knew it, I was already making a promise. "Hayaan mo. Simula sa araw na ito, palagi na kaming pupunta rito. Parati na tayong maglalaro. Hindi ka na malulungkot pa sa tuwing naririto ako, Nikolai." Pagkatapos naming kumain, ikinuwento ko sa bata ang tungkol sa kaharian namin. Ipinagmalaki ko ang bawat yaman ng bansa namin. At nagbitaw ng isang pangako sa kanya at dadalhin ko siya roon. Habang nagkukuwentuhan kami, nakatulog ito habang nakasandal sa akin. And right at that momentz he totally captured my heart. Nang kunin na ito ng tagapag-alaga nito para dalhin sa kuwarto nito, bumalik ako sa kinaroroonan ng pamilya ko. Napansin kong patingin-tingin sa akin ang asawa ni Prince Niccolo. Marahil ay alam na nitong nakilala ko ang bunsong anak nila. Ilang sandali pa ang itinagal namin doon bago kami umuwi. Habang nasa loob kami ng sasakyan, nagtanong ako sa aking ama. "Father, do you know that Prince Niccolo has three children?" gulat na napalingon sa akin ang aking ama. "Three? But we've only met two of them." "Theres a younger prince at the palace. His name is Nikolai. I've met him and would like to see him again," hayag ko. "Is this prince more interesting than Prince Noah?" "He's way more interesting than that ugly prince." "Etienne!" pananaway sa akin ng aking ina. Hindi ko ito pinansin. "I'd like to go back tomorrow at their palace, father. I'd like to see him again. And I'd like him to meet Eunice, too. I've promised him that we will be his friend. And I want to keep that promise." "Lumalaki na talaga ang ating prinsipe, mahal," natutuwang sabi ng aking ama sa aking ina. Marunong na siyang panindigab ang mga salita niya. "Tama ka, mahal. Mukhang gusto ko na ring makilala ang munting prinsipeng iyon," sabi ni ina habang hinahaplos ang likuran ng kapatid kong natutulog sa kandungan niya. Kinabukasan nga ay nagbalik kami sa palasyo. Mukhang alam na rin ni Prinsipe Niccolo na nakilala ko na ang bunsong anak niya kaya nang dumating kami ay kasama na nina Noah at Neriah si Nikolai. "Etienne!" masaya itong sumalubong ng yakap sa akin. Tuwang-tuwa ang mga magulang ko sa pagiging malambing nito. Habang yakap si Nikolai ay napatingin ako kay Prinsipe Niccolo na halatang napipilitan lang na ngumiti sa akin. Lihim akong napaismid. Alam kong kay Noah o kay Neriah niya ako gustong makipaglapit ngunit hindi mangyayari iyon. Hanggang naririto sa palasyo si Nikolai ay hinding-hindi mangyayari iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD