Chapter 33: Nikolai

1844 Words
It took just 5 hours before we arrived at Llamas. Dahil si Etienne ang susunod na hari ng bansa, asikasong-asikaso siya sa royal terminal sa airport ng bansa nila. Napakaraming sumalubong sa amin. "Are there reporters outside?" tanong ni Etienne sa isa sa mga staff na naroon. "There are, your highness but we have them under control." "Hanapin mo kung sino ang pinadala ng pinakasikat na TV station sa bansa at siya lang ang payagan mong kumuha ng larawan namin," utos nito sa staff na yumukod sa kanya bago nagmamadaling umalis para sundin ang ipinag-uutos ng prinsipe nila. Tumigil ako sa paglalakad kaya napalingon sa akin si Etienne. Natigil din sa paglalakad ang mga bodyguards niyang nakapalibot sa amin. "Why? What's wrong?" taka niyang tanong sa akin. "Etienne, bakit kailangang makuhanan tayo ng mga larawan? Hindi ka ba natatakot na magiging issue ang tungkol sa atin dito sa inyo?" Nakangiting napailing sa akin ang prinsipe bago siya marahang naglakad. Wala akong choice kung Hindi ang mapasanay sa paglalakad niya dahil nakapaikot pa rin sa bewang ko ang braso niya. "Hindi ka talaga nakikinig sa akin, Nikolai. Walang dapat itago o ikatakot dahil alam naman ng pamilya ko ang tungkol sa'yo. At mukhang hindi ka rin aware sa mga balita tungkol sa bansa namin na magiging bansa mo na. Alam na ng lahat ang engagement ko sa prinsipe ng Serin. In fact, ilan na sa kanila ang nakakakilala sa'yo. Bakit sa tingin mo napakaraming reporters ang naghihintay sa atin? It's because alam nila ang dahilan ng pag-alis ko at pagpunta sa Serin. Inaasahan na nilang iuuwi kita rito kaya nakaabang silang lahat ngayon sa atin." Natigilan ako sa inihayag niyang iyon. Public knowledge na pala sa bansang ito na lalaki rin ang mapapangasawa ng kanilang kaisa-isang prinsipe. "Oh, maybe kaya hindi mo nababalitaan ay dahil Hindi nila alam ang totoong pangalan mong Nikolai. People here know you as Prince Elai. Eunice was the one who used that nickname for you which the reporters adopted," tukoy nito sa nakababata nitong kapatid. "Wala kang dapat ikahiya, Nikolai, my Elai. You're perfect for the future King of Llamas. You may not be a woman who is a common partner of kings but you are both what every king dreams of: an angel and a warrior. The people of Llamas want what's best for their future King at ikaw iyon." Bago ko pa mapasubalian ang sinabi niya ay may dalawang tao nang tumatakbo papalapit sa amin. Obviously, ang isa sa kanila ay ang reporter at ang isa ay ang camera man nito. "Your Highness," sabay nilang bati kay Etienne bago sila yumukod at pagkatapos bumaling sila sa akin at bumati rin. "Prince Elai." Hindi ko alam ang magiging reaksiyon ko. Bukod sa nakakapanibago na may mga taong tinatawag akong Prince, nakakapanibago rin ang pangalan na itinawag nila sa akin. "Can we do your interview now, Your Highness?" masiglang tanong ng reporter kay Etienne. "You may," nakangiti namang turan nito. Pumuwesto ang reporter sa tabi ni Etienne at itinutok naman ng cameraman ang hawak nito sa amin. "Your Highness, can you share with us what you feel now that your fiance already set his foot in our country?" "Of course, I'm very excited and very happy. I cannot wait to show Elai the wonders and beauty of our country. You know that almost nine years of his life were spent in Russia and showing him that our country has much more to offer, I am planning to encourage him to continue his studies here." "Oh, that is exciting. Prince Elai, how about you? Ngayong nasa Llamas ka na, ano ang inaasahan mong makikita dito sa bansa? Simpleng pagpasyal lang ba ang pagpunta mo rito para sa pormal na anunsiyo ng engagement ninyo ni Prince Etienne o permanente ka nang maninirahan dito mula ngayon?" Nang itutok ng reporter ang mic sa akin, halos lumubog ako sa kahihiyan. Bumaling ako kay Etienne. "Etienne, I'm not used to this," bulong ko sa kanya. "Just answer any of the questions she asked," bulong din nito pabalik sa akin kaya muli kong hinarap ang mga reporter. "I'm... happy and... and excited, too. I'm looking forward... to visiting all the tourist spots in Llamas," mahina kong sagot. "Prince Elai is not used to getting interviewed so please extend your understanding. His stay here depends on the circumstances. But expect that our engagement will be announced soon." Nakakaintinding tumango ang reporter. "Are we going to expect a grand wedding this year? We've heard that Serin is also preparing for the engagement party of the eldest prince." "As much as I wanted to marry Prince Elai today in front of all the Llamas' citizens, that will take several preparations. Don't fret. Your station will be invited so you can witness it yourselves." "Thank you very much for the early invitation, your highness. Surely, we will be there." Nagkatawanan pa silang dalawa bago tuluyang nagpaalam ang reporter sa amin. Saka lang nabawasan ang kaba ko. "I think you have to undergo some training in public speaking and public relations, Elai. You will be a part of the royal family and it is expected that you will face the media every now and then." Tumango na lang ako sa kanya at wala nang nasabi pa. Ilang sandali pa ay bibiyahe na kami at pagkatapos ng halos tatlong minuto, pumapasok na kami sa nakalawak at napakataas na gate. Hindi ko mapigilang mapanganga sa napakalaking palasyo sa harapan ko. It's the grandest castle I've ever seen. Habang papalapit ang sasakyan sa palasyo, natahimik ako dahil ang buong atensiyon ko ay nasa higanteng palayo sa harapan ko. Hindi ito yung tipo ng mga palasyo na makikita sa mga lumang pelikula. Kundi isa ito sa mga modernong palasyo na parang headquarters ng isang sobrang yaman na superhero. Mula sa loob ng sasakyan, kitang-kita ko na ang makintab na glass walls na tinatamaan ng liwanag ng papalubog araw kaya kumikislap na parang mga cristal. Napakalakas ng dating nito na nagpapaalam sa mga makakakita asking gaano kalakas ang kapangyarihan at impluwensiya ng nga dugong-bughaw na naninirahan doon . Napatingin ako sa malawak at nakapahaba na driveway na tinatahak ng sasakyan namin. Naagaw ang pansin ko ng fountain na biglang umilaw at bumuga ng mga tunog sa iba't ibang direksiyon. Hindi ko nga namamalayan napapanganga na ako sa labis na paghanga sa nakikita ko. "Liking what you see?" Napabaling ako kay Etienne na nakangiting pinapanuod ang ang pagkamangha ko sa palasyo ng pamilya niya. "It's beautiful here, Etienne." Lalong naging proud ang pagkakangiti niya dahil sa paghangang nasa boses ko. "I'm really happy that our palace impresses you, Elai. I'm quite sure na mag-eenjoy ko sa pagtira mo rito." Dahil sa sinabi niyang iyon ay nabura ang ngiti ko. Bumalik ako sa reyalidad. Mabuti na lang at nakatingin din siya sa fountain dahil tiyak na maiinsulto siya sa masasaksihan niyang pagbabago ng ekspresyon ko. At dahil din sa sinabi niyang iyon, nawala ang sigla ko. Halos hindi na ako nagsasalita nang bumaba kami sa sasakyan. Naging sunud-sunuran na lang ako sa paglalakad niya papasok sa palasyo. "Elai," tawag ni Etienne sa atensiyon ko. Nag-angat ako ng tingin at napatingala sa kanya ngunit nang makitang nakangiti siyang nakatingin sa harapan namin, napabaling ako roon. Kinakabahang nagbigay ako ng ngiti sa mga taong naghihintay sa amin. Naroon ang ama niya, ang una niya, at ang bunsong kapatid niyang babae na pawang nakangiti sa amin at kumikislap ang mga mata. My steps almost faltered. "Nikolai!" masiglang bati sa akin ni King Lucas. Agad akong yumukod upang magbigay galang sa kanya. "Your highness," tipid kong sambit. Nang mag-angat ako ng katawan ay ngiting-ngiti siya sa akin. Sunod akong yumukod sa reyna at pati na rin kay Eunice. "Elai! What happened to your arm?" Halos talunin ako ni Eunice. Siya ang kakampi ko noon sa tuwing pinapaiyak ako ng kapatid niya. "Eunice," I gladly acknowledged her. "I missed you!" Yumakap siya sa akin. Ingat na ingat na maipit niya ang braso kong naka-sling pa hanggang ngayon. "I missed you, too." If my memory serves me right, nasa limang beses lang yata kaming nagkita noong maliliit pa kami. Halos patakas pa nga noon ang paglalaro namin dahil pinagbabawalan nga ako ng aking. ama na makisalamuha sa iba. Ngunit maparaan ang magkapatid. Iyon nga lang, sa tuwing magkakasama kami noon, lagi akong naiiwang luhaan at naiinis sa pang-aasar sa akin ni Etienne. Natigil lang ang pagpunta nila sa amin ang magsimulang maging abala ang ama nila. "Eunice didn't stop yapping about you, Prince Elai ever since we stopped visiting you," natatawang pagkukuwento ni Queen Thea. "Please, call me Elai or Nikolai, your highness. Hindi po ako sanay na natatawag na prince," pakiusap ko. "You must get used to it, Prince Elai because that will be your position in this palace from now on. Come here, dear. Give your mother-in-law a hug." Itinaas pa ng reyna ang mga braso niya at pumaloob ako roon. Ilang saglit pa ay binalot na ako ng yakap niya. Nang maghiwalay kami, tinitigan niya ang mukha ko at nang hindi na siguro makatiis, hinaplos pa niya ang mga pisngi ko. "It's no wonder my son has been so into you that when he heard that you've coming home, dali-dali siyang nagpaalam para puntahan ka sa Serin. You've grown up to become a beautiful man." Namumulang nagpasalamat ako sa papuri niya. "Mother, before you spill more of my secrets here, why don't we continue while having our dinner? We haven't eaten yet," natatawang sabi ni Etienne sa ina. Napasinghap ito nang malakas. "Forgive me for getting too excited. Don't you want to freshen up first bago tayo magsalo-salo? Ipapahanda ko na rin ang mga pagsasaluhan natin." "Okay, Mother. Thank you. Maiwan na muna namin kayo. Eunice, let go of my Elai, will you?" pananaway nito sa kapatid na pinagkrus na ang mga braso naming dalawa. Kunwari ay tila batang naagawan ng candy ang itsura ni Eunice. Bumitaw siya sa akin at saka humalukipkip. "Fine! But come back as soon as possible, okay? I really want to spend a lot of time with him, brother." "You will have all the time in the world, Eunice, tutal dito na siya sa atin titira." Namilog ang mga mata ni Eunice. Lalo namang napangiti ang hari at ang reyna. "Talagang hindi mo na pakakawalan pa si Nikolai, huh, Etienne?" "Of course, your highness. I've waited for so long for him. Now that I have him, I won't let him far away from me anymore," seryosong sagot ni Etienne sa ama. "By the way, father, have you called our special visitor tonight?" Nagdikit ang mga kilay ko dahil sa makahulugang tingin na ibinigay ni Etienne sa kanyang ama. Sino ba ang tinutukoy niyang espesyal na bisita? Isa sa pamilya ko kaya? "He's already here, my son. Sige na, umakyat na kayo at maghanda. Hihintayin namin kayong lahat." Tumango si Etienne sa ama at saka bumaling sa akin. Kinayag niya akong magtungo na sa elevator ng palasyo at wala akong nagawa kundi ang sumama sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD