Nahigit ko ang hininga ko sa idineklarang iyon ni Etienne. Gusto ko sanang sumbatan siya na dapat hinayaan niyang ako ang magsabi ng balitang iyon sa mga kaibigan ko at hindi siya. Ngunit ano pa nga ba ang magagawa ko kung nasabi na niya iyon.
"Excuse me, Prince Etienne but are you related to Nikolai that he has to live with you in Llamas?" tanong ni Pavel. Ngunit bago pa man ito masagot ng prinsipe, narinig na namin ang boses ni Viktor.
"I want to hear it from Niko. Nik, ano ang sinasabi niya?" pagsasalita nito ng Russian na hindi maiintindihan ng lalaki.
"Tell your friend to speak in a language that all of us understand, Nikolai," utos niya sa akin na lalong nagpakulo sa dugo ni Viktor. Kitang-kita ko ang lalong pagtalim ng mga mata niyang nakatutok sa prinsipe. Gusto ko mang pigilan si Viktor sa ginagawa niya, hindi ako makawala kay Etienne.
"Pinapainit ng lalaking ito ang ulo ko, Nikolai," pagpapatuloy nito sa pagra-Russian. "Ipaliwanag mo sa akin kung ano ang pinagsasabi niya dahil kanina ko pa gustong sapakin ang pagmumukha niya!"
"Viktor!" babala sa kanya ni Pavel na hindi nito pinansin.
"Viktor, Etienne is right. I'll be leaving with him to Llamas tomorrow and live there with him as his... as his..."
"Fiance," Etienne finished what I was saying with pride.
"FIANCE?!" Napatayo si Viktor habang isinisigaw ang salitang iyon.
"Vik, please, listen to me!" pakiusap ko. Kinakabahan dahil baka tuluyang ikagalit ni Etienne ang ginagawa niya. Ayokong gamitan nito ng puwersa si Viktor. At kapag nalaman nito na may relasyon kami ng lalaking nagsasalita ng lengguwaheng hindi niya naiintindihan, tiyak kong may gagawin siyang hindi maganda kay Viktor. Siguradong aalisin niya ito sa mundo namin. Etienne is quite possessive. Dama ko iyon dahil humigpit ang kamay niya sa bewang ko habang sumasama na ang tingin na ibinabato nito sa lalaking nasa harapan naming dalawa.
"Yes, I am his fiance. Nasa Russia palang siya ay nag-usap na ang aming mga ama para sa pagpapakasal namin pagbalik niya rito sa Serin," matiyagang pagpapaliwanag ni Etienne sa tatlong nanlalaki ang mga matang nakatingin sa amin.
"How could he become your fiance if I... "
No! He can't tell Etienne about us! Inagaw ko ang pagsasalita niya.
"Viktor, I have accepted it." Tumingin ako sa kanya na may nakikiusap na mga mata. "It's for the best."
"What?! No! Paano mo nasasabing it's for the best, Nik?! Ngayon mo lang siya nakilala!"
"On the contrary, Nikolai and I have known each other since we were kids. And I've loved him since then so I asked my father to arrange a marriage between us. Nikolai accepted it yesterday because he knows that Serin will benefit from this marriage alliance."
"I don't care about that fúcking marriage alliance s**t!" mariing sigaw ni Viktor na nanggagalaiti na sa galit.
"Viktor!" sigaw nina Pavel at Jethro at pinigilan siya sa akmang pagsugod ulit sa amin gaya ng nangyari kanina. Nagsilapitan na rin ang mga tauhan ni Etienne na nakaabang sa paligid namin. Nakahawak sa baril nila ang isa nilang kamay at isang pagkakamali lang ni Viktor, bubulagta na siyang walang buhay sa sahig. Binalot ng takot ang puso ko. Akmang tatayo ako at pipigilan siya sa ginagawa niyang pagwawala ngunit umikot na sa katawan ko ang braso ni Etienne.
"Are you getting worried that I won't take care of Nikolai the way you do? I told you, you don't have to worry anymore. I've been preparing everything for him for the past nine years. I will take good care of him much more than you have in the past. He will live a very lavish life with me. And my family will also take care of his country."
"Is that all, Nik? Iyan ba ang mga dahilan kaya pumayag kang magpakasal sa kanya? A lavish life for you and your family? You go for someone who surely could give you all of that? Yaman-yaman lang? Do you even love him?!" panunumbat sa akin ni Viktor. Nananakit hindi lang ang mga salita niya kundi maging ang mga mata niyang nakatingin sa akin sa mga sandaling iyon.
"What's wrong with wanting a secured and peaceful life, Viktor? Etienne is someone whom my family wants for me. He's offering me a relationship that is accepted by our society."
"Are you kidding me right now, Nikolai?! Ikaw ang nagsabi na natatakot ka na baka hindi tayo tanggapin ng pamilya mo! Tapos ngayong prinsipe na ang nag-offer ng relasyon sa'yo, walang pagdadalawang-isip kang pumayag agad! Bakit?! Dahil mas mayaman siya? Dahil mas makapangyarihan siya? Dahil kaya niyang palamunin hindi lang ang pamilya mo kundi ang buong bansa ninyo?! Para mo na rin sinabing patay-gutom at gold digger kayong lahat!"
Napanganga hindi lang ako kundi maging sina Pavel at Jethro sa masasamang salitang lumabas mula kay Viktor. Halos mabitawan pa nila ito dahil sa kanilang pagkabigla. Biglang dumagundong ang boses ni Etienne na halos hindi ko napansin na nahila na pala ako nitong patayo.
"I told you to speak in a language that I fúcking understand! And did you just fúcking mock Nikolai?!" malakas na sigaw nito dahil sa galit. Hindi nito naintindihan ang sinabi ni Viktor dahil gumamit ito ng Russian ngunit dahil nakikita nito ang ekspresyon ko at ng mga kaibigan ko, alam kong agad nitong napagtanto na pang-iinsulto sa akin ang mga salitang binitawan ni Viktor. Sumenyas ito sa mga tauhan nito ngunit agad akong humawak sa kamay niya.
"No, no, no, Etienne, please! He just doesn't understand, please!" pagmamakaawa ko. Kitang-kita ko ang pag-aapoy ng galit sa mga mata ni Etienne na tutok na tutok kay Viktor.
"And I thought they were your friends, Nikolai? Why is it that it's hard for them to accept your decision? And he dares mock you in front of me?" nagagalit na tanong ni Etienne.
"Please, just let it go. Etienne, please!" muli kong pakiusap.
"And now you're begging him, Nik?! Are you scared to tell him the truth, huh?! Takot ka bang hindi na niya ibigay ang mga ipinangako niyang ibibigay niya? Takot kang malaman niya that I...!" muling sigaw ni Viktor na naputol lang nang bigla siyang suntukin ni Pavel. Gulat kaming lahat na napatingin sa kanya. Hinarap ni Pavel si Etienne.
"I sincerely apologize, your highness. Our friend can't accept it yet that Nikolai will get married. He is his favorite that's why it was difficult for him to let him go. He's just sulking." Napatingin ako kay Etienne at lihim na nagpasalamat dahil kahit papano, napakalma siya ng mga salita na galing kay Pavel.
"We will be leaving then. You may enjoy a few more days here in Serin. I will be paying for all your expenses." Bumaling sa akin si Etienne.
"Can I please say good bye to them with just us? I have some private reminders to them."
Nakita ko ang pagtanggi sa mga mata ni Etienne ngunit bago pa niya nasabi iyon, muli kong hinawakan ang kamay niya at pinisil iyon. Bumuntonghininga siya at tipid na ngumiti sa akin bago siya sumenyas sa mga tauhan niya para iwan kaming apat. Nang makalayo na sila ay nanghihina akong napaupo pabalik sa couch.
"Niko," tawag sa akin ni Pavel. Pinipigilan ang pagluha na tumingin ako sa kanya.
"I'm sorry. I'm really sorry, Pavel. Isipin n'yo na lang na ginagawa ko ito para sa lahat at hindi para sa sarili ko lang." Tumingin ako kay Viktor pagkatapos kong sabihin iyon. Nag-iwas siya ng tingin at alam kong galit pa rin siya sa akin.
"Salamat sa siyam na taon na naging kaibigan ko kayo. We might... not see each other again."
"Niko," puno ng pagtanggi ang boses ni Jethro nang tawagin niya ang pangalan ko.
"I want you to know that the years I've spent with the four of you are the best years of my life. Azyra may not be with us today but he is still a part of all of us. Thankful you for taking care of me, for giving me the opportunity to grow and be what I want to be even if it was just temporary, thank you for the friendship and your love." Muli akong sumulyap kay Viktor na ngayon ay nakatingin na sa akin. Nanikip ang lalamunan ko nang makita kong may mga nahuhulog na butil ng mga luha sa kanyang mga mata. Tila may tumusok sa dibdib ko sa nakikita kong itsura niya. It's my first time seeing him cry.
"Niko, hindi na ba talaga tayo magkikita?" Inagaw ni Jethro ang pansin ko. Mapait akong ngumiti sa kanya.
"I don't really know, Jethro. Basta ang alam ko, kapag nagpakasal na kami ni Etienne, siya na ang magpapatakbo sa buhay ko. Sinabi niyang pwede kong tapusin ang pag-aaral ko sa Russia at kasama ko siyang titira roon kaya may posibilidad na magkikita pa rin tayo. But there's also a possibility na sa bansa na nila ako magpapatuloy ng pag-aaral dahil sinabi rin niyang pagkatapos ng kasal ay baka koronahan na siya bilang susunod na hari ng Llamas. Maraming posibilidad ngunit marami ring pwedeng maging hadlang."
"We could at least communicate, right?" Umaasang tanong naman ni Pavel.
"I wish, we could," mahina kong sagot sa kanya.
"Bakit ba lahat kinokontra mo na, Nik? Bakit napakadali mo lang kaming alisin sa buhay mo?!" Napasinghap ako nang magsalita si Niko. "Napaka-selfish mo!"
"Viktor! Stop it, man, or ako na ang manununtok sa'yo!" bulyaw sa kanya ni Jethro.
"Siyam na taon, ipagpapalit mo lang sa taong nakilala mo at na-in love sa'yo noong bata pa kayo? Ni hindi mo nga siya mahal tapos magpapakasal ka sa kanya?! Paano naman kami? Paano ako?!"
Huminga ako nang malalim at hinarap siya.
"Ikaw na rin ang nagsabing patay-gutom at gold-diggers kami, di ba? Kaya bakit kayo ang pipiliin ko? Bakit ikaw ang pipiliin ko?"
"Nikolai!" buong lakas na pagtanggi ni Pavel sa sinabi ko. Hindi ko siya pinansin.
"Bakit ko tatanggihan ang mga maibibigay at maitutulong ni Etienne sa buong bansa ko? Siguro nga, selfish ako sa mga mata mo. Pero pagiging selfish ba ang pagbebenta mo sa sarili mo para sa kapakanan ng buong bansa mo? Alam kong nasabi mo lang ang mga iyon dahil wala ka sa posisyon ko, Viktor at dahil galit ka sa akin. Pero sana... sana, isinaalang-alang mo rin ang nararamdaman ko. Sana, inisip mo rin na hindi ako gagawa ng isang desisyon nang hindi ko pinag-iisipan nang mabuti. Sana, ipinakita mo rin na nagtitiwala ka sa akin at nirerespeto mo ang desisyon ko dahil siyam na taon naman tayong naging magkaibigan, di ba? Pero sa mga ipinakita at sinabi mo kanina, sa pagpapahiya mo sa akin at pang-iinsulto sa buong pagkatao ka sa harapan nilang lahat, sino kaya sa ating dalawa ang hindi nagpahalaga sa siyam na taon nating pagiging magkaibigan, Viktor? Ako ba talaga o ikaw?" Hindi ko na rin napigilan ang mga luhang tumulo sa aking mga mata.
"Di ba dapat, kayo yung mas nakakakilala sa akin? Kayo yung nasa likuran ko sa bawat desisyon na gagawin ko? Lumaki tayo nang magkakasabay at magkakasama, di ba? Mas naging pamilya ko pa kayo kesa sa totoong pamilya ko. Pero dahil lang sa isang desisyon ko na hindi mo matanggap, tinalikuran mo na ang lahat-lahat ng pinagsamahan natin, Viktor. Binitawan mo na ang pagiging magkaibigan natin. Sobrang nakakahanga ang pagiging kaibigan mo at pakikipagkaibgan mo."
Tumalikod na ako sa kanila para hindi na nila makita ang lalo pang pagbuhos ng mga luha mula sa mga mata ko.
"Again, I'm sorry and good bye..."
Nagsimula na akong maglakad palayo ngunit dalawang malalakas na braso ang pumulupot sa katawan ko.
"I'm sorry. I'm so sorry, Nik. Sobrang nasaktan lang ako. I didn't mean to hurt you. I'm so sorry. I love you. Please, forgive me. Please choose me. I will find ways to help your family and your country. My uncle.... My uncle can help us. Please, Nik, come back to me," umiiyak na pagmamakaawa ni Viktor habang mahigpit akong yakap mula sa likuran ko. Pumikit ako nang mariin.
I wish I could choose them. Choose him. Pero nasa punto na ako na hindi ko na magagawa pang umatras dahil mas maraming mapapahamak kapag nagpaka-selfish ako. What a fúcking irony, right? Sinabi ni Viktor na selfish ako pero bakit hindi ko magawang magpaka-selfish ngayon?
"Let me go, Viktor."
"No! I won't let you go, Nik. I love you! Please, mahal na mahal kita, Nik!"
"And I can't... love you back. I'm sorry."
Nang manghina ang mga brasong nakayakap sa akin ay inalis ko iyon sa katawan ko. Walang lingon-likod akong naglakad papunta sa pintuan ng bahay. Pinilit ko ang ngumiti kay Etienne na nakita kong nag-aabang sa paglabas ko. Kaagad siyang lumapit sa akin at nag-aalalang tumingin sa mga mata ko at pinunasan ang mga luha ko bago siya galit na tumingin sa bahay.
"They made you cry," saad niya nang bumalik ang mga mata niya sa akin.
"NIK!!!"
Sabay kaming napalingon sa bahay dahil sa sigaw na iyon na alam kong galing kay Viktor.
"I've made him cry even more," kunwari ay nagbibiro kong sabi kay Etienne na ikinangiti niya.
"Let's go? I've got your luggage from the staff," pagbabalita niya sa akin nang pagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan.
"Thank you, Etienne," pagpapasalamat ko.
Nang umakbay siya sa akin sa loob ng sasakyan nang magsimula itong umandar paalis, pumikit ako nang mariin. Pilit kong nilalabanan ang muling paglabas ng mga luha sa mga mata ko.