Im getting worried. All of us are. Simula nang sumama si Nik sa nanay at ate niya, hindi na siya kumukontak sa amin.
“He’s just busy. He’s a prince and he’s been put of the country for so long kaya marami siyang dapat asikasuhin.” Pavel’s words didn’t put me at ease dahil hanggang sa gumabi ay wala pa ring message mula sa kanya. Jethro started feeling agitated too.
“I’ve tried calling him but there was no one answering,” pagbabalita niya.
“There must be something going on…”
“Stop it, Viktor. Hindi makakatulong ang pagpa-panic mo,” pananaway sa akin ni Pavel.
“Well, s**t! Hindi ako tulad mo na walang pakialam o natatakot kung may nangyari na ba sa kanya! Masyado ka bang tiwala sa pamilya niyang ipinatapon lang siya sa Russia?!” Napatayo si Pavel at hinila ang kuwelyo ng damit ko.
“Don't you dare accuse me of that, Viktor! Don't you dare accuse of not caring at all! Sa ating lahat, halos ako ang nagpalaki kay Niko! If you're worrying about him, I am too! Pero anong maitutulong niyon sa atin? Mas lalo tayong magpa-panic at hindi makakapag-isip nang matino. May magagawa ba tayo ngayon sa sitwasyon natin? Wala! All we can do is wait!”
Natahimik kaming tatlo pagkatapos ng pagbulyaw niyang iyon. Maging ang dalawang kasambahay ay tila natatakot na nakatingin sa amin. Nang mapatingin si Pavel sa kanila, tumayo ito at lumapit sa kanila.
“Please help us. We need to know whars happening at the palace. We meed to know if Niko is okay. Do you know someone from the palace that we can get news from?” Tumango ang isa sa kanila kaya bahagyang nabawasan ang kaba namin.
Habang kumukontak ang isa sa kanila ng kakilala nito sa palasyo, ipinaghanda naman kami ng makakain ng isa pa. Jethro and I didn't stop dialling Niko's phone number samantalang tahimik lang si Pavel na malalim na nag-iisip ng kung ano.
Halos Hindi namin nagalaw ang pagkaing inihanda nila para sa amin. Nasa living room lang kami, naghihintay ng anumang balita. Halos magkabanggan kami ni Jethro sa paglalakad nang papasalubong sa isa't isa. Hanggang sa sabay-sabay kaming napatingin sa staff na tila natatakot na nakatingin sa amin.
"I... got news from the palace."
Nahigit ko ang hininga ko habang naghihintay sa susunod na sasabihin niya.
"Prince Nikolai is not in the palace anymore...."
"What?!" Napaatras ang staff dahil sa sabay naming pagsigaw ni Jethro.
"Go on," matigas ang boses na saad naman ni Pavel.
"He was taken by Prince Etienne of Llamas..."
"Taken? What does that mean?" Jethro asked.
"Prince What? And why has he taken Niko?" tanong ko naman.
"Where did he bring him?" seryoso pa ring tanong ni Pavel.
"I don't exactly know what happened, Sirs. But that's what one of the palace staff told me. She said that Prince Niko wasn't at the palace anymore and he was taken away by Prince Etienne of Llamas. There... there was a little scuffle at the palace."
Gulo? May naging gulo sa palasyo habang naroon si Niko? Ano ang gulong iyon? May kinalaman ba iyon sa akin na kinakailangan niyang umalis at sumama sa kung sino mang Prince Etienne na iyon?
Pero ang sinabi ng staff ay taken. Meaning kinuha siya. Inialis doon. Ibig bang sabihin, puwersahang nangyari iyon? What the hell! I'm so confused right now at sa nakikita ko, ganon din ang nararamdaman ng dalawa dahil sa klase ng tinging ibinabato nila sa akin.
"Is there a way to contact that Prince?" si Jethro ang nagtanong sa staff.
"Llamas is the biggest kingdom and country in this side of the world, Sir. And Prince Etienne is the heir to it's throne. It's quite difficult to actually know where he is right now. They might still be here or they're already out of Serin."
Natulala ako sa harapan ng staff samantalang ang dalawa ay awtomatikong napatingin sa akin.
"Let's go!" nagmamadali kong sabi sa dalawa nang makabawi ako sa pagkabigla ko.
"Go where, Vik?" nanghihinang napaupo si Jethro sa couch.
"Find Niko of course! We may start going around the place. Maghiwa-hiwalay tayo!"
"We don't even have a car!" frustrated na sigaw ni Jethro.
"I don't give a fúcking care! If we don't have a car then let's rent some fúcking cars! We need to find him, do you understand?! We need to fúcking find him!" galit na galit kong sigaw sa dalawa. Akmang tutunguhin ko na ang pinto nang parehong tumayo ang nga kaibigan ko para pigilan ako.
"Let go of me, you fúcking assholes! Kung ayaw n'yo siyang hanapin, pwes ako ang maghahanap sa kanya! Ano?! Naduduwag kayo sa kung sinong gagong prinsipeng iyon?! Eh ano kung siya ang susunod na magiging hari ng bansa nila? Like I fúcking care! Ibalik niya si Niko! I akin niya si Niko sa akin!"
Isang malakas na suntok ang nagpatigil sa pagtutungyaw ko at nagpabagsak sa akin sa sahig.
"You're not just pathetic. You're too stupid too," malamig na sabi sa akin ni Pavel nang samaan ko siya ng tingin. Of course, sino pa ba ang susuntok sa akin kundi ang gagong ito?
"You're not even attending your history classes! Llamas is the biggest and most powerful country in this side of the world, Vik! It's almost as strong as Russia and we are nearer them! Do you think palalampasin nila ang kawalan mo ng respeto sa susunod na hari nila?! We don't even know kung puwersahan ba niyang kinuha si Niko o baka iniligtas pa niya! Do you think basta-bastang sasama si Niko sa taong hindi niya pinagkakatiwalaan? Why don't we just fúcking wait tutal kahit gustuhin natin, wala rin naman tayong magagawa!" Humihingal na habang nagsasalita si Pavel. At alam ko na ang galit na nakikita ko sa mga mata niya ay Hindi para sa akin kundi para sa sitwasyon na kinalalagyan namin ngayon. We were all powerless right now.
"Ano? Gusto mong isa-isahin ang bawat kalye ng bansang ito? Gusto mong pasukin ang bawat establisyamento? Ang bawat bahay? Alam mong imposible ang gusto mo, Viktor! So we will all fúcking wait here! Let's trust Niko. Alam nating lahat na gagawa siya ng paraan para makabalik sa atin. Hindi niya tayo basta-bastang ihahagis sa ere at kalilimutang saluhin!"
Nag-iwas ako ng tingin. Tumatahip pa rin ang dibdib sa galit. He's right. He's damned right all the fúcking time! The only thing we can do right now is wait and trust Niko.
Napasuntok ako sa sahig, not caring if mabasag ang mga buto ko sa kamay.
Hanggang kailan ko hihintayin ang pagbabalik ni Niko?
...
Halos walang kaming tulog. Mapapaidlip man kami, pupuwersahin namin ang katawan naming magising at maghintay nang maghintay nang maghintay. Halos wala kaming kain. Kung meron man, hanggang isa o dalawang tinapay lang. At dahil pa iyon sa pananakot sa amin ni Jethro.
"We have to eat, you know. We don't know what's gonna happen next. Baka biglang mapalaban tayo. Kung hindi tayo kakain, ano ang magiging lakas natin?"
What he said motivated me to eat. Dalawang pirasong tinapay nga lamang.
Lampas tanghalian na ng limang magkakasunod na sasakyan ang dumating. Patakbo kaming nagpunta sa labas upang malaman kung sino ang mga iyon. Unang lumabas ang ilang kalalakihang naka-itim na may mga sukbit na baril. Isa sa mga ito ang nagbukas sa pintuan ng second seat ng sasakyan. Lumabas ang Isang lalaki na higit na mas matangkad kesa sa lahat ng naroroon maging
sa aming magkakaibigan. He stood with authority and power telling who exactly he is. Of course, imposible na siya ang kapatid ni Niko. The man who arrived is no other than the prince of Llamas himself. Sa realisasyon na iyon ay nanlaki ang mga mata ko. Akmang hahakbang ako papalapit sa lalaki nang isang mabigat na kamay ang pumigil sa balikat ko.
Tumingin ang lalaki sa kinaroroonan namin. I stood my ground and met his eyes. Hindi ako magpapasindak sa kanya. Ilang sandali siyang tumitig sa amin bago siya bumaling sa loob ng sasakyan. Hindi ko pa man nakikita ang taong kinakausap niya, sinasabi na ng puso ko kung sino iyon.
Nikolai.
Halos gindi na ako humihinga habang inaabangan ko ang paglabas mula sa sasakyan ng taong iyon. And indeed it was Nikolai.
Hindi na ako napigilan pa ni Pavel nang sumugod ako papalapit sa kanya. Para akong nasasaniban na Hindi ko na napapansin ang pagkakagulo ng lahat dahil sa ginawa ko.
"No! Stop it!" Ang sigaw na iyon ni Niko ang nagpabalik sa kamalayan ko sa paligid. Nakita ko na lang na nakatutok na sa akin ang mga baril ng mga kalalakihang naka-coat ng itim. Nanlaki ang mga mata ko at saka ibinaling iyon sa kinaroroonan ni Nikolai na yakap na ngayon ng lalaking matangkad at waring pinoproteksiyunan nito mula sa akin.
No. I will never hurt Nikolai. Why is that man protecting him from me?
"Etienne! Tell your men to lower their guns! He's never gonna hurt me!" madiing utos ni Niko sa lalaking nakayakap sa kanya. Nakita ko pang sinuntok nito ang balikat ng lalaki.
May ibinulong ang lalaki kay Niko. Saglit na tila naglaban ang kanilang mga mata bago tumango si Nik. Hinarap naman ng lalaki ang mga tauhan nito at saka nag-utos.
"Lower your guns."
Kaagad na sumunod ang mga tauhan nito. So, tama nga ako. Ito si Etienne, ang prinisipe ng Llamas at ang sinamahan ni Niko kagabi. Hinatid lang ba niya si Niko rito? Bakit hanggang ngayon ay nasa bewang pa rin nito ang kamay ng lalaking iyon?
Tumingin sa akin si Niko. Malamlam na ang kanyang mga mata. Pinag-aralan ko iyon and damn, he cried. He damned cried. Ano ang ginawa ng lalaking ito sa kanya? Ito ba ang dahilan ng pag-iyak niya?
"Nik, what happened? We've been waiting for you?" puno ng desperasyon kong tanong. Lumapit na rin sina Jethro at Pavel.
"Nik," bati nila sa kaibigan na ginantihan nito ng tipid na ngiti.
"Can we all go inside first before I'll explain?" namamaos ang boses niyang saad. Lumingon din siya sa lalaki na waring kinukuha rin niya ang permiso nito. Nagdikit ang mga kilay ko. Why does he need permission from that asshole?
Nang tumango ang lalaki ay nagpatiuna nang naglakad si Niko. Nang akmang lalapitan ko siya, binato niya ako ng isang nagbababalang tingin. Huminga ako nang malalim bago palihim na tumango sa kanya.
Magkakatabi kami nina Jethro at Pavel sa mahabang couch samantalang sila ang magkatabi sa tapat namin na lalong ikinasikip ng dibdib ko. Alam kong nagseselos ako ngunit dahil sa mga tingin na ibinabato sa akin ni Nik, pinipigilan ko ang sarili kong hilain siya mula sa tabi ng lalaki at paupuin kung hindi sa tabi ko ay sa kandungan ko. Kung Hindi lang nasa paligid ang mga tauhan ng lalaki at baka ginawa ko na iyon. Ngunit ayokong sa isang maling kilos ko ay mapahamak ang mga kaibigan ko lalo na si Niko. Naagaw ng pagbuntonghininga ni Niko ang pansin ko.
"Your highness, these are my friends. That's Pavel, Jethro, and Viktor. Everyone, this is Prince Etienne of the Kingdom of Llamas," pagpapakilala niya sa aming lahat.
"On behalf of Llamas and it's King, I am quite happy to meet the people who have been with Nikolai for the past nine years. Please accept my gratitude." Nag-bow sina Pavel at Jethro sa kanya ngunit nanatili akong nakatingin sa dalawang nasa harapan ko.
"Nagpapasalamat din kami sa paghahatid mo kay Nikolai dito, Prince Etienne."
Napatingin ang lahat sa akin dahil sa bigla kong pagsingit. Hindi ko sila pinansin.
"Sobrang nag-aalala kami simula pa kahapon sa kanya. Simula kasi nang sumama siya sa ina at kapatid niya, nawalan na kami ng kontak sa kanya," seryoso kong pagpapatuloy.
"I've been busy, Viktor," sagot ni Nikolai sa akin. "I even left my phone at the palace."
Tumango-tango ako. "May we know why you're with the prince now instead of your family, Niko? Why did you leave the palace with him last night?"
Natigilan si Niko bago napasulyap sa katabi.
"You're friends are really worried about you, Nikolai. Mukhang hindi pa sila nakatulog dahil sa paghihintay ng mensahe mo mula pa kagabi," pansin ng prinsipe.
"You're right. We were so worried that we barely ate and slept. Thousands of negative thoughts have entered our minds wondering what the hell happened to him," seryoso kong sagot sa sinabi ng prinsipe.
"I see. Nikolai really found some true friends in you. But you don't need to worry about him anymore starting today."
"Prince Etienne, pwede bang itanong kung bakit mo nasabi iyon? Dito na ba titira si Niko imbes na sa palasyo?" tanong ni Jethro.
"Oh, no. You've got me wrong. And Nikolai won't step at that place ever again. He won't also be staying with you."
Nagdikit ang mga kilay naming tatlo sa huling sinabi nito.
"Your highness, what do you mean? If he's not going to live at the place nor here then where..."
Napatigil si Pavel sa pagsasalita at napalingon sa akin. Ikinuyom ko ang kamay ko.
"Are you saying...?"
Ngumiti ang prinsipe sa akin.
"This is his last day here in Serin. He will be living with me in Llamas starting tomorrow."
Tila sumabog ang paligid ko sa sinabing iyon ng prinsipe.