Chapter 30

2104 Words
Sinubukan kong magpumiglas ngunit napakalakas ni Etienne. Bukod sa matangkad siya ay malaki rin ang katawan niya. Nang ilapag niya ako sa kama ay lalo akong nag-panic. Bumalik sa alaala ko ang ginawa sa akin ng ama ko sa loob ng silid na ito. I started seeing white lalo na nang dumagan siya sa akin. And then I found myself screaming while trembling so much. "No, Dad! Stop! Stop, please!" paulit-ulit kong sigaw. "Nikolai!" Napabaling ang mukha ko sa lakas ng pagkakasampal sa akin ni Etienne. Tulala akong napatingin sa kanya nang ibaling niya paharap sa kanya ang mukha ko. Nagkasalubong ang mga mata naming dalawa at nakita ko ang isang klase ng galit sa mga mata niyang nakatitig sa akin. "What the f**k did you just say?!" galit na galit niyang tanong. Nanginig akong lalo. Halos humihingal na siya nang sunod siyang magtanong. "What did he do to you?! Tell me, Nikolai!" Napahagulgol ako ng iyak habang paulit-ulit na umiiling saka ako pumikit nang mariin. Natatakot akong makita ang lugar na iyon. "Open your eyes! Open your eyes, Nikolai!" mariin niyang utos sa akin. Sinubukan kong buksan ang mga iyon ngunit nang makita ko ang kisame... ang kisameng tinitingala ko noon habang nasa gitna ng mga hita ko ang aking ama ay nagsimula ulit akong mag-panic. Naging pabugso-bugso ang paghinga ko dahilan para lalong mag-panic si Etienne. Umalis siya sa ibabaw ko at sinubukan niya akong itayo ngunit nanghihina ang buong katawan ko. I was like a lifeless doll in his arms. "Calm down! I'm not gonna hurt you, Nikolai! I'm not gonna hurt you anymore, please!" "Get... get me out... of here!" humihingal kong sabi sa kanya. Walang babala na binuhat niya ako at inilang hakbang ang papunta sa pinto. Binuksan niya iyon at lumabas kami. Napatayo si Noah na nasa loob rin pala ng opisina. Gulat na gulat itong napatingin sa amin. "Bakit kayo nasa loob ng...? Prince Etienne! Saan mo dadalhin ang kapatid ko?!" habol niya sa amin nang hindi siya pansinin ni Etienne . Dire-diretso itong lumabas at tinungo ang hagdan habang hinahabol pa rin kami ni Noah. Good thing, naging maingat si Etienne habang pababa kami dahil isang pagkakamali lang, tiyak na pareho kaming gugulong pababa. "Get the car!" sigaw niya sa isa sa mga tauhan niyang naghihintay sa kanya bago niya hinarap ang kapatid ko. "Your brother had a panic attack inside that room, Noah! Something happened to him inside that room and he was shouting your father's name and asking him to stop whatever he was doing to him! You better ask your father about it." Tumingin ito sa ama naming nasa puno na rin ng hagdan. "You can't take my son anywhere, Prince Etienne!" sigaw ng Mommy ko. Sinubukan niyang kunin ako mula kay Etienne ngunit ibinaling ng lalaki ang katawan niya upang hindi ako maabot ni Mommy. "He needs a doctor! He's having a panic attack!" "You can't bring him anywhere! Get Nikolai!" muling hiyaw ni Mommy. Nagpa-panic na ang mga tauhan ng dalawang panig at nang may mag-angat ng baril sa isa, nagkatutukan na silang lahat. "How dare you point your gun at me?!" galit na hiyaw niya sa lahat bago niya itinutok ang mga naghahamon niyang mga mata sa aking ama. "You can't bring him outside, Prince Etienne. If you're really worrying about him, then we can call a doctor to check..." "No!" mariing sigaw ni Etienne dahilan para mapapitlag ang lahat. "You've sealed the engagement, Prince Niccolo! You've even given me freedom to take him to bed!" Napasinghap ang lahat at halos sabay-sabay na napatingin sa ama ko. "Niccolo, what was the prince saying?!" paninita ng hari sa kanya. "We will talk about this later, your highness." Bumaba ang ama ko mula sa hagdan at tinangkang lumapit sa amin ngunit humakbang paatras si Etienne. "Prince Etienne, I've allowed you to take him so you can check what's in his body. I wish for you to see what I cannot say through words," pagpapaliwanag niya. Tumingin sa akin si Etienne, nagtatanong ang kanyang mga mata. "How could you do that to your own son, Niccolo?!" paninita ni Mommy sa kanya. "Hindi mo man lang siya hiningian ng anumang permiso at basta na lang siyang ihinagis sa prinsipe!" "It's better for him to see everything now than regret being married to your son after!" sigaw rin nito kay Mommy bago ito muling bumaling kay Etienne. "What you will see is something that should not get out from this place, Prince Etienne. It's a secret no one should know aside from us and you, his future husband. Kung gusto mo pa ring pakasalan siya pagkatapos mong makita ang lahat, we will continue with the engagement." "At kung hindi ko magugustuhan?" naghahamong tanong ni Etienne sa kanya. "Then he will be kept inside this palace until the day that I say so." "Niccolo!" Hindi ko na makilala ang boses na pinanggalingan ng sigaw na iyon dahil pakiramdam ko ay lumulutang na ako dahil sa mga naririnig kong usapan. "If that's the case, then I'll take him with me. And no one would dare lay a finger on him from now on! Shoot me if you dare!" paghahamon nito sa lahat bago ito humakbang palayo. "Nikolai!" sigaw ni Mommy ngunit hindi na siya nakahabol pa. Dire-diretsong naglakad si Etienne papunta sa naghihintay na sasakyan. Bago pa man niya ako maipasok sa loob ay tuluyan na akong nawalan ng malay. Nang magising ako, ramdam kong nakahiga ako sa isang malambot na kama. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at saka kinakabahang inilibot ang tingin ko sa paligid. I am at an unfamiliar place. "You're finally awake." Napaigtad ako sa boses na iyon. Agad akong lumingon sa pinanggalingan nito at nakita kong seryosong nakatingin sa akin si Etienne. "Where... where am I?" tanong ko sa kanya nang makalapit siya sa akin. Umupo siya sa gilid ng kama at saka niya ako tinulungan na makabangon at saka pinasandal sa padded headboard ng kama. "At our place here in Serin. Tomorrow, we will fly to Llamas." Nanlaki ang mga mata ko. Ang Llamas ay ang bansa nila. "No, I can't...!" Napatiim-bagang si Etienne. "Mukhang hindi mo narinig ang sinabi ko kagabi, Nikolai. You are now officially engaged to me. You will be the lover of Llamas' future King." "Etienne, please! I don't want to be engaged to you." "Why? Natatakot ka bang malaman ko ang sinasabi ng ama mong sikreto ng katawan mo, Nikolai? Why don't you look at what you're wearing? Siguradong malalaman mo na ang sagot sa tanong ko." Dahil sa sinabi niyang iyon at napayuko ako sa sarili ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang tanging robe na lang ang suot ko. "I've seen everything, Nikolai. Every little secret that you've been hiding from me. And guess what? I wasn't disappointed. I'm actually delighted." Nakangangang napatingin ako sa kanya. Parehong-pareho sila ng sinabi ni Viktor. Bigla kong naramdaman ang pagbalot ng galit sa akin. "Why...? Why didn't you ask for my permission first?!" galit kong sigaw sa kanya. "You were not listening, Nikolai. I just said that you're already engaged with me. And I just claimed some of my rights when I checked your body." Napapikit ako nang mariin. How could these people trample on my rights?! Pare-pareho lang silang lahat! "Now, Nikolai. There's one more thing I need to ask. What the hell did your father do to you inside that room?" Napalitan ng kaba ang galit ko. "Tell me, Nikolai because your answer will change a lot of things." Napatitig ako sa kanya. Kapag nalaman ba niya, mandidiri siya sa akin at ipapawalang-bisa na niya ang engagement namin? Will this be my chance to free myself from him? Pero kung ipapawalang-bisa niya ang engagement namin, sinabi ng ama ko na makukulong ako sa palasyo habambuhay. Baka iyong hindi niya nagawa noong bata pa ako ay gawin na niya nang tuluyan sa akin. There must be something positive that I will gain from telling Etienne everything. Kailangan kong makawala hindi lang sa kanya kundi maging sa ama ko. "If I tell you, will you help me get back to Russia? Will you protect me from him while I am still here? Will you free me from the engagement?" natatakot kong tanong. "I can assure you that I can do your first two demands, Nikolai. But for the third one, I will need a very heavy reason before I'll give that to you." Napakagat ako sa labi ko. Wala rin palang kasigurahan na matatapos ang engagement namin kung sasabihin ko ang totoo sa kanya. "I can give you a lot of time, Nikolai. But my decision is final, you will go home with me in Llamas whether you like it or not." Nahihindik akong napatingin sa kanya. Isasama niya ako sa bansa nila? Pero paano ang mga kaibigan kong nandito pa? Paano ang engagement party ni Noah? Paano si Mommy? "Please, Etienne! I can't go with you! I brought my friends from Russia here in Serin. I just couldn't leave them waiting for me until God knows when! And Noah's engagement..." "I don't care about your brother's engagement, Nikolai nor your friends! I will not allow you to step into that palace again now that you are engaged with me!" "Etienne! Hindi pa ako pumapayag...!" "Do you want your family to lose their kingdom too after losing you, Nikolai? Do you want your people to suffer?" "W--what?" "You know my father can do it, Nikolai. All I have to do is ask him and he will stop the petroleum supply in this country. He can close all the trade routes surrounding Serin as well. Do you think Serin will survive without us? You have nothing on your own, Nikolai. Your kingdom is very dependent on outside trades. Ano lang ba ang meron sa inyo kundi ang magagandang beaches ninyo na matatagpuan naman sa ibang parte ng mundo? Your forests? Hanggang kailan ninyo uubusin ang mga puno roon para mag-survive ang bansa ninyo?" Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kanya. Is he as heartless as my father too? "But when you're engaged with me, tuloy lang ang ikot ng buhay, Nikolai. Unless, mapapatunayan ko ang hinala ko sa ama mo. At kapag totoo ang hinala ko, I will make sure that he will rot in a cell that no sun can shine over it." "Why are you doing this, Etienne? Do you even love me?" nanghihina kong tanong sa kanya. Tumitig siya sa mukha ko nang matagal. "I've loved you since the first time I saw you, Nikolai. Bakit sa tingin mo palagi kaming dumadalaw dito sa maliit ninyong bansa?" "But you always bullied me! You always made me cry, Etienne!" Natawa siya sa sinabi ko. "Well, napaniwala kasi ako sa kasabihang the more you hate, the more you love. So, the more I made you angry, the more that you paid attention to me. Do you know that I even got mad at your father for letting you study in Russia? I have people watching over you there, Nikolai. I know what your life has been in Russia." "A--ano?!" Alam ba niya ang tungkol kay Viktor? "I gave you some freedom to be an ordinary person, Nikolai, para maranasan mo ang lahat bago kita dadalhin sa bansa namin, bago tayo magpapakasal, at bago ka titira doon bilang asawa ko. I was actually expecting you to be back after your graduation. But I have no complaints that you came back earlier though. Wala akong reklamo kung mapapaaga ang pagbabalik mo at ang pagpapakasal natin. Nikolai, mas mapapadali ang lahat kung tatanggapin mo nang bukal sa loob mo ang mga susunod na mangyayari sa buhay mo. You want your friends to be back in Russia without anyone getting hurt, right?" "Etienne! Pinagbabantaan mo ba ang buhay ng mga kaibigan ko? Nagdedesisyon ka na hindi muna kinukuha ang pagpayag ko! Iyan ba ang sinasabi mong mahal mo ako?" panunumbat ko sa kanya. "Fine. Yaman din lang na sila ang naging pamilya mo sa loob ng mahabang panahon, I'll give you one day to be with them, Nikolai. Say goodbye to them. Make them understand that you will not go back with them. If you're worried about your studies, you can finish it in Russia but I'll be with you. Then, we will be in Llamas after and wait for my coronation." Napapikit ako nang mariin. "And my family?" "They've never been your family, Nikolai. No family will do what they've done to you." Pagkatapos sabihin iyon ay tinalikuran na niya ako at lumabas na siya sa kuwartong kinaroroonan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD