Pagkatapos ng mga pagbati mula sa iba pang mga pinsan ko, nagpaalam na akong papasok sa kuwarto ko sa palasyo. Idinahilan ko ang jetlag kaya pinayagan naman nila ako kanina.
Habang pinagmamasdan ang naging kuwarto ko sa unang labintatlong taon ng buhay ko, hindi ko maiwasang makadama ng lungkot. Napakarangya ng silid. Pang maharlika ang disenyo at ang mga kagamitang naroroon ngunit ito ang pinakamalungkot ng silid sa lahat ng silid na naroroon sa palasyo.
Naging saksi ang silid na ito sa mga hinaing ko noong maliit pa ako. Naging saksi ito sa pag-iyak ko nang tahimik, narinig nito ang mga salitang hindi ko nasabi nang harapan sa kahit na sinong miyembro ng pamilya ko. Puno ito ng mga inosente kong tanong kung bakit hindi ako pinapansin ng aking ama at hindi ako inaalagaan noong lumalaki ako. At ang huli, ito ang naging saksi kung paano nawala ang lahat ng pag-asa sa puso ko na magagawa akong mahalin ng aking ama bilang isa sa mga anak niya.
Napalingon ako sa pinto nang may kumatok roon. Kabado kong binuksan iyon at nakitang si Mommy pala ang gustong pumasok sa loob.
"Pwede ba tayong mag-usap, Nikolai?" nanghihingi ng permiso niyang tanong. Tumango ako at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto.
"Noong isang araw ay namili kami ni Neriah ng mga damit mo, Nikolai. Nariyan sila sa closet mo. Hindi ko alam kung magugustuhan mo ang mga istilo nila ngunit kung ayaw mo, pwede tayong mamili bukas."
Naglakad ako papunta sa kama at naupo roon. Sumunod sa akin si Mommy.
"Mom, I brought some of my clothes. I'd rather use them."
"Casual clothes?" Tumango ako.
"Nikolai, you can't use them here, you know that." Tama siya. Kailangang palagi kaming nakapostura dito sa palasyo. Palaging formal ang suot tulad ng suot ko ngayon.
"I won't be staying here, Mom. I'd rather stay with my friends." Napasinghap si Mommy sa sinabi ko."
"Niko, everyone is expecting you to stay here. You dad, your siblings, tour grandparents and me. You've been gone for 9 years, Niko. We miss seeing you here living with us. Kung ano man ang naging pagtatampo mo noon, kalimutan mo na iyon. Bahagi na iyon ng nakaraan. Your father appreciates you now. Didn't you see how proud he was a while ago?"
Gusto kong isagot na hindi ko nakita dahil hindi naman ako nakatingin sa kanya kanina.
"He's proud because I am manly now, Mom. Malayo na ako sa batang halos mamalimos ng atensiyon mula sa kanya."
"Oh, Nikolai. Kailan ka ba makakapag-move on, anak? Give your father a chance, will you?"
Yumuko ako at mapait na ngumiti. Paano ko bibigyan ng chance ang taong hindi na nga ako nagawang mahalin, gumawa pa ng kahalayan sa akin? At ngayon, ako pa ang lumalabas na hindi makatanggap sa nakaraang pagtrato niya sa akin.
"Mommy, I agree with you that there are things that should be forgotten in order for us to move forward. But there are things I cannot forgive yet especially if that person would never apologize. It's easy for you to say forget about them and move forward. But if you were in my situation, I believe you would also decide not to do it. Mom, I'm only here because of you. Please, don't make me abandon you, too." Namasa ang mga mata ni Mommy sa sinabi kong iyon.
"What if your father would ask for your forgiveness, Nikolai? Magmamatigas ka pa rin ba, anak?"
I bitterly smiled.
"That won't happen, Mom."
"He's older now, Nikolai. He has realized his mistakes and shortcomings with you. Sinabi ko naman sa'yo. These past few years, he kept on asking about you. Those weren't lies, Niko. He misses you," pangungumbinsi sa akin ni Mommy.
"Mom..."
Pinutol ng isang pagkatok sa pinto ang sasabihin ko. Nagkatinginan kami ni Mommy. Nauna siyang tumayo kesa sa akin kaya siya ang nagtungo sa pinto para buksan iyon.
"Princess Melody," bati ng isang guwardiya kay Mommy. "Prince Niccolo is asking for Prince Nikolai's presence at his office for a short discussion." Napatingin sa akin si Mommy nang nakangiti. Tila sinasabi niyang, I told you.
"Tell Prince Niccolo that Nikolai will be there in a short while," puno ng excitement na dinismiss ni Mommy ang guwardiya at saka siya lumapit sa akin.
"Sige na, anak. Puntahan mo na ang daddy mo."
Napatayo ako. Nagpa-panic. Natatakot. Ayokong magtungo sa opisina niya. Ayokong kami lang dalawa ang mag-uusap.
"Mom..."
"You don't have to be scared anymore, Nikolai. Your father just misses you so much."
Gusto kong sabihin na kay Mommy ang ikinatatakot ko pero Hindi ko alam kung paano uumpisahan iyon. At kung masasabi ko naman, hindi ko alam kung paniniwalaan niya ako.
Hinawakan ako ni Mommy sa mga braso.
"Go on, Nikolai. Go to you father now."
Tila bumalik ako sa gabing iyon 13 years ago kung saan pinapapunta rin ako ni Mommy sa opisina ni Dad.
"Mommy, no... He's gonna..."
"Nikolai!"
Napatingin kami sa pintuan ng kuwarto ko na naiwan ni Mommy na nakabukas. Naroon si Noah. Nag-aalala siyang lumapit sa akin.
"What's going on? Bakit parang nagpa-panic ka?"
"Your father wants to talk to him, Noah," pagbabalita sa kanya ni Mommy. Nawala ang ngiti ni Noah.
"Do you already know about your engagement, Nikolai?"
Napanganga ako sa kanya. Biglang natabunan ang pagpa-panic ko dahil sa sinabi niyang iyon.
"Engagement?!" gulat na tanong ni Mommy. "What engagement?!"
"Wait... Noah, what do you mean? Hindi ba at ikaw ang may engagement party sa susunod na linggo? Bakit ako ang...?"
"Well, after my engagement, you'll be next on the line, Nikolai. Neriah has met her future husband a year ago. They've been secretly engaged ever since. Hindi ba nasabi ni Mommy sa'yo?" Pareho kaming napatingin ni Noah kay Mommy.
"I wanted to tell him personally, Noah kaya Hindi ko iyon nabanggit sa tuwing tinatawagan ko siya. But his engagement? Bakit hindi pa iyon nasasabi ni Niccolo sa akin?" galit na tanong ni Mommy.
"Perhaps, he anticipated your reaction, Mom. Go there, Nikolai. They're waiting for you." Pagkasabi niyon ay umalis na siya. Napasabunot naman ako sa ulo ko.
"Nikolai, believe me. I didn't know about this! Ngayon ko lang din nalaman, anak. Kung alam ko lang, hindi na sana kita pinilit na umuwi rito."
"How could he do this to me, Mom? Pagkatapos ng lahat..."
Nanghihina akong napaupo sa gilid ng kama ko.
"Nikolai, go there and tell him that you are refusing this engagement. Pagkatapos ninyong mag-usap ay kakausapin ko rin siya. Ipinapangako ko sa'yo, pareho nating tatanggihan ang engagement na ito."
Napapikit ako nang mariin at saka tumango. Sinasabi ko na nga ba. Nagpaparamdam na ito noon pa. Isang malaking pagkakamali ang pagbabalik ko rito sa bansa namin. Pagkaraan ng ilang sandali ay determinado akong tumayo. Nakaabang naman si Mommy sa tabi ko.
"I'll talk to him and reject this engagement, Mom." Tumango siya sa akin. Kaya naman lumabas na ako sa kuwarto ko at mabilis na nagtungo sa opisina ni Dad sa ikalawang palapag ng palasyo.
Agad na nagsipayukuan ang mga guwardiyang nagbabantay roon. Isa ang kumatok sa pinto at pagkaraan ng ilang sandali ay binuksan iyon. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago ako humakbang papasok. Sumarado ang pinto sa likuran ko nang magkatinginan kami ng aking ama.
"Nikolai, lumapit ka," marahan niyang utos. Ngunit bago ko pa magawa iyon, napatingin ako sa lalaking nakaupo sa mahabang couch na nasa harapan ng mesa ng ama ko. Nagdikit ang mga kilay ko. Pamilyar sa akin ang lalaki.
Tumayo ito at ngumiti sa akin.
"Nikolai..."
"Etienne...?" Hindi siguradong tanong ko. Lalong lumawak ang pagkakangiti niya sa akin at pagkatapos ay humakbang siya papalapit sa akin. Napatingala pa ako sa tangkad niya.
"You haven't forgotten about me just like I haven't forgotten about you, Nikolai." Kumikislap ang mga mata niyang titig na titig sa akin.
"What are you doing here?" magkaditi ang mga kilay kong tanong. He was my bully when I was younger and I cannot say that I am happy to see him now. Ilang beses niya akong pinapaiyak noong bata pa kaming dalawa.
"Prince Etienne, please do not get so excited yet. Nikolai needs to hear what I am going to say first," pang-aagaw ng ama ko sa atensiyon naming dalawa kaya naman lumayo sa akin si Etienne bago siya bumalik sa kinauupuan niya habang patingin-tingin pa rin sa akin. Naglakad naman ako papunta sa kabilang couch at umupo roon.
"Nikolai, Noah said that he has already told you that you will be meeting your fiance tonight," panimula niya bago sumulyap kay Etienne na nakatingin pa rin sa akin. Muling nagdikit ang mga kilay ko. Sa kapatid ba ni Etienne ako engaged kaya siya naririto ngayon?
"Father, I do not agree to any engagement you've arenaged for me. Nag-aaral pa ako. Besides, if I will marry, I want it to be my choice. I want it to be someone I have chosen. Someone I love and..."
"Stop it, Nikolai!" napaigtad ako sa pagsigaw ng ama ko kaya natulala ako sa harapan niya.
"The De Medichi has helped our kingdom ever since I became friends with King Lucas. They supply us with petroleum which we needed most in the kingdom for years. And they will start giving it for free as soon as the engagement is officially sealed." Napatiim-bagang ako. The De Medichis are the most powerful kingdom in this part of the world. A lot of powerful families wanted to be a part of their family but they've been very choosy. Kahit sa mga pamangkin lang ng ama ni Etienne, mapili sila sa magiging parte ng kanilang pamilya. Kaya naman inaasahan ng lahat na mas magiging mapili ang hari sa mapapangasawa ng mga anak nito.
"They will be giving it for free when I become the payment," I bitterly uttered. Natawa si Etienne sa sinabi ko na nakapigil sa ama kong sitahin ako.
"You're really smart, Nikolai," papuri niya sa akin na lalo kong kinainis.
"You can still continue with your studies once you're engaged, Nikolai. Besides, the De Medichi have known about this engagement a long time ago. Etienne has already chosen you when you were still kids, Nikolai. Remember, he will always come here to visit you back then. At Hindi nasira ang usapan namin ni King Lucas kahit na umalis ka at nanirahan sa Russia. Ang pagbabalik mo lang dito sa Serin ang talagang hinihintay nila para maging opisyal na ang engagement ninyo."
Naningkit ang mga mata ko. So pagkatapos akong balewalain, pagkatapos akong muntik babuyin, ito naman ang magiging papel ko sa ama ko? Ang maging kabayaran ng libreng petroleum para sa bansa namin.
"Bakit ako? Bakit hindi si Noah? Si Neriah? Mas matanda sila kesa sa akin!" galit kong tanong sa aking ama.
"Well, I don't like them." Mabilis akong muling napalingon kay Etienne.
"W--what?"
"I said, I don't like them. I like you..." matamis ang ngiting saad niya bago bumaba sa katawan ko ang mga mata niya. Napalunok ako.
"For... your sister?" tanong ko. Natawa siya nang malakas.
"For my sister? Of course not! You will never be for my sister, Nikolai."
Natigilan ako. Napalunok ulit. Hindi makapaniwalang napatitig ako sa kanya.
"You mean..."
"Yes, Nikolai. You will be engaged with me."
Napanganga ako nang tuluyan. At pagkatapos ay biglang napatayo.
"No! I won't agree with this engagement, father! You can't do this to me!"
"Nikolai!" tawag sa akin ng ama ko nang tumayo ako at maglakad na patungo sa pinto. Ngunit bago ko marating iyon, isang malalakas na braso ang pumulupot sa katawan ko at isang kamay ang tumakip sa bibig ko. Nanlaki ang mga mata ko nang buhatin ako ni Etienne at dalhin sa kuwartong nasa likuran ng opisina ng ama ko. Nagpa-panic na napatingin ako sa aking ama na diretsong nakatingin sa pintuan ng opisina niya. Tila wala siyang pakialam sa masamang binabalak ni Etienne sa akin!